Inaantok ako habang nakatingin sa guro na nasa harapan. Sa totoo lang hindi ako mismo pinatulog nang kung ano man ang natuklasan namin ni Athan ilang gabi na ang nakalipas. Idagdag pa ang weirdong pinag-usapan nila ni Jake. Pakiramdam ko nga may insomnia na ako dahil isang linggo na rin ang nakalipas pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga bagay na iyon.
"You sleepy?" nilingon ko ang nagtanong at umiwas ako ng tingin nang makita ko si Athan. Nag-aalalang nakatingin sa akin.
"No, I'm okay." sagot ko at umayos ng upo.
Nang matapos ang klase ay tumayo na kami para dumiretso sa cafeteria. Kung titingnan ang Academy parang normal na paaralan lang katulad sa pinanggalingan kong mundo. Pero oras na tiningnan ang mga estudyante na mga kakaibang nilalang ay malalaman mong kakaiba ito.
Sa isang linggo naming pananatili dito ay mas dumadami pa ang natutuklasan ko sa mundong ito. Lalo na sa tuwing binabanggit ang fallen kingdom which is our kingdom.
Fairy Kingdom.
Naisip ko na rin noon na kung gusto ko muling ibalik ang kaharian na binuo ng mga magulang ko, dapat alam ko ang lahat ng tungkol dito.
Kasalukuyan kaming kumakain nang mapatingin kami kay Mia na biglang tumayo. Tumayo rin si Kieran at ang mas kinagulat namin ay nang sinampal siya ni Mia.
"Ang kapal mo." madiing sabi ni Mia at biglang tumalikod. Lalakad na sana siya palayo nang muli siyang humarap kay Kieran.
"Huwag mo kong susundan at hindi ko na nais pang makasama ka." huling salitang binitiwan niya bago siya naglakad palayo. Lahat kami sa lamesa ay di nakakibo sa bilis ng pangyayari.
"Anong nangyari?" tanong ni Stefano sa kapatid na nagkibit balikat lang at naglakad palayo kasalungat ng dinaanan ni Mia.
Nagkatinginan kami pero nagkibit balikat lang ang magkakapatid. Akmang tatayo ako upang sundan ang bestfriend ko nang pigilan ako ni Athan.
"Let them..." mahinang sabi niya sa akin pero tinabig ko ang kamay niya na nakahawak sa akin. Walang pasabi akong tumayo.
"Kung wala kang pakialam, ako meron... Puntahan niyo ang kapatid niyo at pupuntahan ko ang pamangkin ko." malamig na sabi ko at tumakbo na palayo. Napalingon ako nang maramdaman kong may nakasunod sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita si Jake na tumatakbo pasunod sa akin.
"Mia," tawag ko sa kanya nang makita ko siya. Lumingon siya sa amin ni Jake at tipid na ngumiti.
"What's wrong?" tanong ko pero di siya sumagot.
"I don't know, alam ko dito ako nagkaisip at lumaki pero para nang stranger ang mundong ito sa akin... Siguro dahil nasanay na ako sa kabilang mundo." malungkot niyang saad.
"Kung ganon, ayaw mo na sa prinsipeng iyon?" tanong ni Jake pero umiling si Mia.
"Hindi ko alam, basta ang kumplikado nang naiisip ko. Hindi ko rin alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon na kaharap ko na siya. He wants me back but..."
"You have a mission to do." ako na ang nagdugtong ng sasabihin niya. "And you still love him. He waited you for years but here you are in front of him. Do you think he'll let you go like that?" dagdag ko pa.
"I know. But in this world, responsibility first before love." hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Even her, she also sacrificed love for the sake of her mission.
"Bakit kailangan ganun dito sa mundong ito? Uunahin mo ang responsibilidad mo bago ang pag-ibig. Sa mundo ng mga mortal, hindi naman." natawa siya sa sinabi ko at si Jake ay nanatiling tahimik.
"Mortal world is a cruel world but did you know that this world is more cruel? It can manipulate you and make you its slave kung hindi ka magiging malakas. Delikado ang pag-ibig sa mundong ito at kaya kang gawing pinakamahinang nilalang ng pag-ibig." paliwanag niya kaya napabuntong hininga ako.
BINABASA MO ANG
The Last Fairy
FantasyAkala ni Lyra Madrid ay nasa ayos ang lahat kaya wala na siyang mahihiling pa. Mabuting magulang, maaasahang kaibigan at mapagmahal na kasintahan. Pero ang hindi niya alam sa pagsapit ng kanyang kaarawan ang simula ng pagbabago ng kinagisnan niyang...