Fairy 8: Mermaids

233 13 0
                                    

Naramdaman ko pa ring umaandar ang karwahe.

"Lyra, kamusta?" nakangiti niyang tanong.

"Dinala mo ko sa kapatid ko at kay Jewel?" sabi ko at ngumiti lang siya. Nung una ang naisip ko si Elwin ang may kontrol.

"Bakit?" tanong ko.

"You need to know your legendary pet. Siya ang makakatulong sa iyo pero hindi ko alam na dadalhin ka niya kay Akibrus mismo." sabi niya. Napatango ako at sumandal habang nagiisip ng malalim. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni kuya sa akin.

Magliligtas ng mundo kasama ang anak niya ngunit nasaan siya? Bakit pinili niyang isipin ng lahat na patay na siya? Kung nakabantay siya sa akin, nagkita na ba kami?

Nilabas ko ang ulo ko at sumilip sa mga prinsipeng nakasakay sa kabayo. Tumingin ako kay Kieran at napatitig.

Kamahalan, gaano katindi ang pagmamahal mo para kay Kyla? Anong klaseng nilalang siya? Hanggang ngayon ba ay lubos ang pagmamahal mo para sa kanya?

"Prinsesa Lyra, ayos ka lang? May problema ba? Ipahihinto natin ang karwahe kung may problema." ilang beses akong napakurap kay Kieran na nagsalita. Nakangiting umiling ako, tumango siya kaya lumingon ako kay Mireille na nakatingin din sa akin.

"Gusto kong kilalanin ang sarili ko bilang fairy." nagulat siya sa sinabi ko.

"Lyra? Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong niya. Umayos ako ng upo bago paglaruan ang daliri ko na nasa kandungan ko.

"Gusto ko malaman ang kakayahan ko. Kung bakit ako ang napiling magliligtas sa mundong ito. Gusto kong patunayan kung ako nga ba ang hinihintay niyo." seryosong sabi ko.

"Lyra, madali mo lang matutunan ang lahat ng iyan sa oras na dumating tayo sa academy na matatagpuan sa Elemental Kingdom. Sa ngayon kailangan nating pagtuunan ng pansin ang paglalakbay." huminga ako ng malalim.

"Mireille, sa tingin mo ba sa buong paglalakbay natin ay wala na tayong makakaharap? Paano kung may umatake sa atin pero dahil wala akong alam sa kakayahan ko ay wala akong maitutulong kahit gustuhin ko man." pahayag ko, huminga siya ng malalim at tumango kaya napangiti ako.

"Pero kailangan ng pahintulot ni Athan, siya ang namumuno sa paglalakbay na ito." napangiti ako sa sinabi niya.

"Ipagpaalam mo na." nakangiti kong sabi pero kumunot ang noo ko nang umiling siya.

"Hindi ako ang magpapaalam dahil tiyak akong tatanggihan niya ko." kumunot ang noo ko lalo.

"Anong ibig mong sabihin? Sino ang magpapaalam?" tanong ko pero mataman lang siyang tumitig sa akin.

"Ikaw." nanlaki ang mata ko.

"Ako? Bakit ako?"

"Dahil tiyak akong papayag siya kapag ikaw ang magkumbinsi." tututol pa sana ako ng taasan niya ko ng kilay kaya bumuntong hininga ako at sumilip sa labas. Nanlaki ang mata ko nang may biglang lumipad patungo sa akin kaya agad kong naisara ang bintana ng karwahe.

"Ano iyon, Lyra?" kunot noong tanong ni Mireille pero nanlalaki ang matang tiningnan ko siya dahil sa takot at gulat.

Binuksan niya ang bintana at bago ko pa siya mapigilan ay naramdaman na lang namin ang pagbilis ng takbo ng karwahe.

"Anong nangyayari?" sigaw ni Mireille sa labas dahil naririnig na namin ang ingay.

"Dark Demons, umaatake sila kaya pumasok ka diyan at wag kayong lalabas. Elwin, dalian mo ang pagpapatakbo ng karwahe." rinig kong sigaw ni Draven. Nanlaki ang mata ko, Dark Demon?

"Anong Dark Demon?" tanong ko.

"Mga alagad ng Dark King, tiyak ako na alam niya na nandito ka na. Gumagawa na siya ng hakbang para hindi ka makarating sa academy." sagot ni Mireille at nakita ko ang paglabas ng puting ilaw sa mga kamay niya, handa sa anumang labanan.

The Last FairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon