*Chapter 9*
Kean's POV
Nung nalaman ko na dito muna titira si Ekai ng ilang linggo tuwang tuwa ako kasi alam ko gustong gusto ni mommy yun atsaka hindi din ako nagkamali na maingay nga talaga ang bahay kapag magkasama sila ni mommy pero atleast nagkabuhay naman yung bahay namin lagi kasing tahimik e. Pero ayos din pala sya kakwentuhan may sense din pala kahit minsan kahit ang sarap sarap nyang asarin. Naalala ko tuloy nung nagnaghaharutan kami nila mommy nun bumagsak kami pareho sinadya ko syang saluhin hindi ko alam kung bakit tapos biglang nagslowmo, nagulat ako kasi ang tagal namin nagkatitigan medyo awkward tapos nasaktan ko pa ata sya naguilty ako kawawa naman si Ekai. At dahil galing nga ako sa break up sakto nagpainom si mommy ang kaso dinamay pa si Ekai pero okay lang minsan lang naman e ang kaso kung nandito lang si Darren malamang di papayag yun. Ramdam ko na medyo may tama na ako yung dalawa nakabulagta na kaya hindi ko nalang sila ginising pa dahil di ko na kayang buhatin papunta sa kwarto. Aayusin ko pa sana yung lamesa kaso parang di ko na talaga kaya naramdaman ko nalang bigla akong natumba nadaganan ko pa si Ekai mabuti nalang si sya nagising sobrang kalasingan din ata, umupo ako at unti unting nilapit yung mukha ko sa mukha nya ang cute nya pala matulog mukhang ang bait bait. Nagulat nalang ako bigla bumigat yung ulo ko at dumampi yung labi ko sa labi nya, nagising yung diwa ko bakit ko ginawa yun? Pero di ko naman sinasadya e, mabuti nalang hindi padin nagising si Ekai kaya humiga na ako agad pero di ata ako makatulog. Ang daming pumapasok sa isip ko, lalo na yung posible kayang nagkakagusto na ako kay Ekai? Di ko alam kung kaya ko bang sagutin yan mix emotions masaya tapos nag aalala basta di ko maintindihan. Nagulat pa ako nun biglang yumakap sakin si Ekai nun iniisip ko yung sagot sa tanong ko, teka nagpapahitig ba sya na oo? Napatingin ako sa cellphone ko alas otso na pala ng umaga di padin ako nakakatulog kaya nag games nalang ako sa phone ko. Maya maya namalayan ko gising na si Ekai pero deda pang hindi ko din maikilos yung katawan ko baka isipin nya kasi ako may gawa non. Kaya nun nalaman nya dali dali nyang tinanggal at bumangon na kami para ayusin yung mga kalat sa lamesa.
Kuya Darren's POV
Masayang masaya ako simula ng nalaman ko na nagustuhan nila yung performance namin at kahit iniwan ko si Ekai kila Tita okay lang kasi alam ko naman safe sya. Kung pwede ko lang sama sya isama e kaso hassle talaga. Kamusta na kaya si Ekai? Nalowbat kasi yung cellphone ko nalimutan ko pa dalhin yung charger ko sa dami daming maiiwan yun pa di ko tuloy sya matawagan pero di ko din naman yun magagawa dahil sa sobrang busy namin dito.
Ekai:
Gising na po pala kayo Tita ang haba ng tulog nyo ha. Oo nga po pala nagtry po ako magluto ng chop suey tara kumain na po tayo?
Tita:
Mahaba ba yun parang saglit nga lang e, oh talaga? Sige ba titikman ko yan. Ano na nga palang oras?
Ekai:
Ala-una po Tita.
Tita:
Ala-una?!
( Kumaripas ng pagbangon at nag ayos ng gamit )
Bakit di nyo ako ginising? Meron kasi akong importanteng meeting ngayon alas dos.
Ekai:
Eh Tita hindi nyo naman po sinabi agad na may lakad po pala kayo ngayon atsaka mukhang ang himbing himbing nyo po matulog kaya hindi na po namin kayo ginising.
Tita:
Ah ganon ba? Sige maliligo muna ako kailangan ko ng magmadali.
Nagmamadaling kumilos si Tita at hindi na din nya tuloy natikman yung luto ko, sino pa bang kakain nun syempre kami na naman ni Kean kaming dalawa na naman yung naiwan sa bahay. Nauna pang kumain si Kean gutom na gutom ata hindi man lang ako hinintay para sabay kami kumain siguro excited sya matikman yung niluto ko. Hihi. Kaya kumuha nadin ako ng pagkain at tumabi ka6 Kean sa sala para dun din kumain.
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
Teen FictionMapagbibigyan kaya ang nararamdaman nila sa isa't isa o tuluyan nalang mapipigilan dahil sa mga darating na problema sa di inaasahang pagkakataon.