Chapter Three

55 7 0
                                    

*Chapter 3*

~ Pagkatapos namin magusap ni Bryan hindi muna ako bumangon pakiramdam ko may mali e pero hindi ko alam kung saan ano nga bang mali? Inisip kong mabuti at syempre bumalik na naman ako sa pagiging tulala ko hanggang sa naisip ko yung sinabe ni Pare " wag daw pangunahan yung iba napaghahalataan ako?" Ha? Teka anong napaghahalataan dun? Naisahan ako ng mokong na yun ah. Parang hindi ko talaga magets e... ah yung pagiging nega ko kaya? Yun ba kaya? Siguro nako ayoko na muna magisip...

*Crack* (tunog ng platong nabasag)

~ Nagulat nanaman ako at at at 7:30 pm na pala at nakatulog na pala ako hindi ko na naman nagawa agad yung assignment ko -.- teka saan nga ba galing yung nabasag na plato? At sino pang ibang tao dito e ako lang naman palagi ang nasa bahay? Dali dali ako kinuha yung pamatpat sa likod ng pintuan ko at dahan dahan bumaba papunta ng kusina di ako nagkamali may tao nga lalake at nakatalikod binubuksan yung ref? Malamang magnanakaw to e ano naman ang nanakawin nya sa ref ko e puro tubig lang maman ang laman nun? Pero teka hahampasin ko na yung ulo nya mala-ninja moves ako dito ah.

Ekai:

Hoy magnanakaw! *Paaaak*

...:

Aray! Ekai masakit ha!

Ekai:

Kuya? Paano ka nakapasok? Atsaka bakit di mo man lang ako tinawag napagkamalan tuloy kitang magnanakaw.

Kuya Darren:

May duplicate ako ng susi mo diba? Atsaka kanina pa kita tinatawag e hindi ka magising dahil TULOG MANTIKA KA! HAHAHA!

Ekai:

Di ko nga namalayan na nakatulog na pala ako e at kung hindi ka pa nagbasag ng plato dyan e siguro bukas pa ako magigising. Nako kuya may dugo sa ulo mo.

Kuya Darren:

Ayan pano hindi ako masusugatan e ang lakas ng pagkakahampas mo sakin.

Ekai:

HAHAHA. Teka lang kukuha lang ako ng first aid kit.

Kuya Darren:

Sige dalian mo iimisin ko lang yung bubog dito magsuoy ka nga ng tsinelas mo kahit kelan talaga ikaw bata ka!

Ekai:

Hay nako kuya hindi nako bata noh.

( Sigaw ko kay kuya habang umaakyat ako papuntang kwarto ko. Yes buti nalang nandito si kuya may kasama ako )

~ Siya si kuya Darren galing pa syang Antipolo dun sya nakatira ngayon sa mga ka-miyembro nya sa banda. Magaling kumanta at mag gitara si kuya gustong gusto ko sya palaging pakinggan ang sweet sweet kasi ng boses nya hay nako kapag nalaman nya na naman na pinupuri ko sya malamang lalake na naman ang ulo nyan. Sobrang close kame ni kuya at maalaga sya sa akin gusto nya kapag may crush ako sakanya agad ako nagkekwento o lahit yung mga sikreto ko, wala naman problema kay kuya yun nga lang gusto nya lagi tama yun mga desisyon ko yung wala akong masasaktang tao at damdamin ng iba pero kapag may pinapakilala ako sakanya ayon daig pa imbestigador kung makapaghusga. Hahaha.

( Dali dali nakong bumaba para gamutin yung sugat ni kuya nilayan ko ng agua oxigenada yung bulak at nilagay sa ulo nyang may dugo )

Ekai:

Astig talaga neto oh bumubula! Hahaha. Ibig sabihin madumi.

Kuya Darren:

Isip bata!

Ekai:

Aba. Ang galing kaya. HAHAHA.

( Habang diniinan ko yung pagdampi ko sa sugat nya )

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon