*Chapter 10*
Ekai's POV
Nakakahiya naman kay Kean pinagmamalaki ko pa yung luto ko sobrang alat naman pala bakit kasi nakalimutan kong tikman. Bakit sobrang init ata ngayon, hindintuloy ako makatulog 10:30 nadin pala. Para akong rolling pin na paikot ikot lang sa kama, wala naman akong magawa pag nanood naman ako baka makatulog lang din ako siguro kung nandito lang siguro si Tita siguro hindi ako mabobored. Teka bakit nga ba ako mabobored e si Kean naman ang kasama ko? Tss, palibhasa wala na syang ibang ginawa kundi mang asar, lokohin at pagtripan ako palibhasa wala siyang ibang kayang apihin kundi yung isang katulad ko speaking of Kean siguro ang himbing na ng tulog nya yun pa e baka siguro parang tulog mantika din yun. Sa sobrang init talaga natutuyuan nadin yung lalamunan ko kaya binuksan ko yung ilaw sa kwarto ko at dahan dahan bumaba sa kusina para uminom ng tubig at nagtagal muna ako dahil mas malamig pa yung ambiance. Maya maya namalayan ko parang may anino akong naaninag ng bigla nalang nagulat ako at bigla kong nabitawan yung basong hawak ko.
Ekai:
KEAN! BAKIT KA BA NANANAKOT?!
Kean:
Hoy hindi kita tinatakot no, tumabi ka dyan!
( Kinapitan nya ako sa braso at hinigit palayo sa may mga bubog, sa sobrang gulat ko sa kanya hindi ko napansin na nabasag pala yung baso. Dinakot agad ni Kean yung mga bubog at pinunasan yung tubig na natapon )
Sino bang nagsabi sayong tinatakot kita? Atsaka anong ginagawa mo dis oras na mg gabi ah.
Ekai:
Sobrang banas kasi kaya nauhaw ako atsaka hindi din ako makatulog. Eh ikaw?
Kean:
Naramdaman mo din pala yung banas. Yung totoo nagugutom na talaga ako kaya hindi din ako makatulog. Parang gusto ko ng ice cream?
Ekai:
Ice cream? Gusto ko din yan!
Kean:
Basta pagkain talaga di ka nagpapahuli ano?
Ekai:
Kean may dugo yung kamay mo.
Kean:
Ha? Ah wala to nahiwa lang ng bubog atsaka di din naman masakit.
Ekai:
Teka lang!
( Kumuha ako ng first aid kit para gamutin yung sugat ni Kean )
Kean:
Aray ang hapdi!
Ekai:
Oh akala ko ba hindi masakit? Duwag ka pala e.
Kean:
Hindi 'no napadami lang yung lagay mo ng alcohol.
Ekai:
Nako palusot ka pa! Ayan tapos na, gagaling din yan agad :)
Kean:
Salamat Ekai :)
Ekai:
Ah wala yun. Oo nga pala nagutom din ako nung sinabi mong nagutom ka, may ice cream ba sa ref?
Kean:
Wala e. HAHAHA. Punta nalang tayo sa kanto may 7/11 dun.
Ekai:
Ha? E baka madilim na yung daan atsaka...
Kean:
Atsaka ano? Takot ka?
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
Ficção AdolescenteMapagbibigyan kaya ang nararamdaman nila sa isa't isa o tuluyan nalang mapipigilan dahil sa mga darating na problema sa di inaasahang pagkakataon.