*Chapter 6*
Wala na nga akong nagawa kundi sundin si Kuya malamang tama sya na mali ang ginawa ni Brian kahit lasing man sya o hindi. Pero napapaisip talaga ako bigla kay Kean para syang superhero na bigla bigla nalang dadating kapag may nangangailangan sa kanya. Hindi ko alam kung anong iisipin ko naguguluhan ako parang masyadong mabilis ang pangyayari.
Kuya:
Oh bakit ang lalim ng iniisip mo?
Ekai:
Ha? Hindi. Kelan ba daw ba ako lalabas ng ospital?
Kuya:
Sabi ng doctor the day after tomorrow pa daw. Pero mas makakabuti yun para makapagpahinga ka pa ng maayos. Oo nga pala ayokong makikita pa yung pagmumukha nun brian na yan ha? Lalo na ngayon hindi na sya katiwatiwala. Hindi ka na din pwede umalis magisa ha gusto ko kasama mo ako.
Ekai:
What?! Kuya naman sa lahat ng lakad ko kasama ba kita?
Kuya:
Oo naman baka mamaya umaligid pa si brian sayo e at bawal ka din magpagabi ng uwi ha. This time talaga ekai kailangan ko ng maging strikto sayo natatakot lang naman ako na mangyari ulit to e baka mapaano kapa.
Ekai:
E pano kuya kung may lakad ka tapos may lakad din ako?
Kuya:
Nako wag mo na alalahanin un ako ng bahala gumawa ng paraan para dun. Okay? Halika bumangon kana dyan kumain na tayo.
Sa lahat ng kuya sya na ang pinakabest para sa akin bukod sa sobra nya akong inaalala sobrang komportable ako sa kanya. Iniayos ni Kuya yung kama ko para makakain ako ng maayos.
Ekai:
Kuya ayoko ng pagkain dito sa ospital, di ko type.
Kuya:
Nako wala naman akong magagawa kasi di naman ako makapagluto kasi nga di kita maiwan dito.
"Knock knock"
Kean:
Pare!
Kuya:
Oo pare bat ka nandito? Di mo naman kailangan umaraw araw dito nakakasagabal pa tuloy kami sayo.
Kean:
Ano ka ba pare akala ko ba bestfriends tayo e bakit parang pinagtutulakan mo ako ha? HAHAHA.
Kuya:
HAHAHA. Di naman sa ganon ikaw pa ba?
Kean:
Oo nga pala ekai kamusta na pakiramdam mo? Naikwento ko kay mommy yung nangyari e kaya ako napapunta dito kasi ipinagluto ka ni mommy para daw lalo kang lumakas.
Ekai:
Talaga? Ang bait naman ni tita! Pero...
Kean:
Anong pero pero ka dyan? Kumain na kayo no. Oo nga pala tol may dala akong damit dyan para pamalit mo kahit pansamantala lang alam ko kasing hindi ka makakauwi e dahil hindi mo maiwan iwan si ekai alam ko naman napuyat ka din kaya ok lang na kahit bukas na daw ako umuwi sabi ni mommy para naman makapagpahinga ka.
Kuya:
Aba sobra na naman ata? Pero syempre hindi ko tatanggihan yan. Hahaha. Tara kumain na tayo. Ang dami naman niluto ni tita, Ekai ang lakas mo kay tita ha kahit kakakilala nya palang sayo.
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
أدب المراهقينMapagbibigyan kaya ang nararamdaman nila sa isa't isa o tuluyan nalang mapipigilan dahil sa mga darating na problema sa di inaasahang pagkakataon.