(Take Note: 10 years old pa lang sila.)
CHAPTER 1
Andrew's POV
Phone Rings...
Sinagot na ni Mommy yung telepono, pinagmamasdan ko si Mommy habang may kausap pero agad kong napansin ang pagka-gulat kaya pagkatapos nang tawag na yon. Agad kong tinanong si Mommy.
"Mom, sino po siya? Ano po ang pinag usapan niyo?" tanong ko. Gusto ko lang talagang malaman kung ano yun. Malay niyo may problema o ano pa diyan.
Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko at sinabing ... "Your Dad need us. We need to go tomorrow in the states." sabi ni Mom. Napayuko ako dahil ang unang pumasok sa isip ko ay ang bestfriend ko na si Stefy.
"Paano si Stefy Mom, hindi ko siya kayang iwan mag-isa." sabi ko kay Mom na naluluha. Wala akong pake sa sabi-sabi nilang Boys don't Cry bakit? Hindi ba sila umiiyak simula nung mga araw na sanggol pa sila?
"Now that's the point. Sabihin mong aalis ka ng probinsya because of Dad's business 'Our Business' I know that she can understand you." sabi ni Mom. Tumingin ako ngayon ng diretso kay Mommy.
"But Mom I..."
"We need to do this for the sake of our family." tumango na lang ako kahit hindi ako sang ayon. Pumunta ako ng kwarto ko at tinawagan ko si Stefy.
Phone Convo...
"Hello Drew? Bakit?" tanong niya. Yung tono ng boses niya ang nagpapaiyak saakin dahil sa problemang ito.
"Bakit ka umiiyak Drew?" tanong ulit niya. Gusto ko siyang makita ngayon suminghot muna ako at nagsabing...
"Pwede ba tayong magkita sa secret garden na ginawa nating dalawa?" tanong ko na may pagkaluha-luha parin.
"Sure! Nandito ako ngayon." at in-end ko na yung convo namin.
Agad akong lumabas para puntahan yung garden namin. Oo, kami ang gumawa nang garden na yun kaya kami lang ang pwedeng mag tambay don.
Nang malapit na ako, nakita ko si Stefy na naghihintay sa upuan at kumakawaykaway. Binilisan ko na lang yung takbo ko para mayakap ko ng mahigpit si Stefy.
Nang makarating na ako sa direksyon niya, niyakap ko na lang siya agad.
"Bakit ang drama mo ngayon? Anong problema?" tanong ni Stefy at akmang inalis ko na rin ang pag yakap ko.
Binigyan niya na lang ako ng panyo kaya ikinuha ko yun at nag sabing...
"Mami-miss mo ba ako?" tanong ko at hinawakan ang kamay niya. Oo ang malambot niyang mga kamay na nagbibigay pag asa saakin.
"Oo naman. Bakit nga kase?" tanong namam niya na may pagka irita.
"Kailangan ko ng umalis papuntang states for the business company ng Dad ko, kailangan ko na rin mag impake ng gamit ko for tomorrow." nakita ko sa kanyang mg mata ang labis na kalungkutan kaya yumuko na lang ako at nag sabi ng ... "Sorry Stefy huh. Sana maintindihan mo ako." bigla akong nakaramdam na may humawak sa balikat ko kaya napatingin ako sakanya.
"Syempre! maiintindihan kita! Ikaw lang naman ang bestfriend ko diba?" sabi niya na hindi tumitingin sa mata ko. Ramdam ko sa tono ng boses niya na naiiyak.
"Stefy..."
"Diba kaibigan kita? Diba babalikan mo ako sa lalong madaling panahon?" sabi niya. Umiiyak na talaga siya kaya hinawakan ko siya ulit sa kamay.
"Hindi ko maipapangakong babalikan kita sa madaling panahon pero kaya kong ipangako na babalikan kita pag nakauwi na ako." Nakita ko yung pilit niyang ngiti sa labi niya. Nalulungkot talaga ako sa mga nanyayare ngayon lalo na yung iwanan ang bestfriend ko? Hindi ko kaya yung iwan siya ng pabigla-bigla lang.
"Ipapangako ko na sa araw ng pag dating ko, magpro-propose na ako sayo at agad na tayong magpapakasal." sabi ko na pilit din ngumingiti.
"Tuparin mo ang pangarap mong maging sikat na actress ha. Sana pag nagkita tayo, isa ka ng pinaka-magaling na actress at ako ang magiging ka-love team mo." tumango siya at ngumiti nang bahagya. Naramdaman ko na sumaya siya kahit papaano.
"Sabi mo yan huh! At sana, pag nagkita nga rin tayo. Isa ka na ring sikat na Singer or Actor man lang." sabi niya habang kinukurot-kurot niya yung pisngi ko.
"Hindi lang singer or actor! Same yun na ipapangako ko sayo! Basta huwag kang mawalan ng pag asa. Sana hintayin mo ako sa pag balik ko, Sana hindi ka mahulog sa ibang lalaki. Tandaan mo na mahal kita kahit mga bata pa lang tayo haha." ako at tumawa ng bahagya nang sinabi ko na 'mga bata pa lang tayo'
Niyakap niya ako ng mahigpit at sabay sabing ... "Mami-miss kita Drew! Sana pag dating mo ako ang una mong hahanapin ha! Mahal din kita Drew." sabi niya habang yakap yakap pa ako.
"Mahal din kita Stefy." sabi ko sakanya.
Pagkalipas ng isang araw nakahanda na si Drew sa pagluwas sa States na kung saan nakatira ngayon ang Daddy ni Andrew.
"Ingat ka F.B!" sigaw ni Stefy. Nakaka-curious naman yung F.B na sinasabi ng soon to be girl ko. Baka Facebook ang point niya.
"Anong F.B yan ha?" Nakangiting tanong ko. Wala lang eh masaya ako because she is happy too.
"Future Boyfie!" sigaw niya habang paakyat palang ang escalator.
Nagmadali muna ako pababa at hinalikan siya sa pisngi. Para daw may remembrance at dito na kami nagkahiwalay.
Please support me. Next, malaki na pala sila. Okay so Bye.
BINABASA MO ANG
Your The Only One (COMPLETE)
Teen FictionSimula nang pagka-bata, Magbe-bestfriends na sila. Nangako silang babalikan nila ang isa't-isa upang magpakasal. 10 years of age sila nag hiwalay nang dahil sa business company ng Daddy ni Andrew na matalik na kaibigan ni Stephanie. After 7 years. N...