Back in His Arms

19 1 0
                                    

Disclaimer:
All parts if this story is just the product of Author's imaginations(Places, Names, etc...)

BACK IN HIS ARMSWritten by: @yunika1117

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BACK IN HIS ARMS
Written by: @yunika1117

Xyrie's PoV

Anim na buwan na ang nakalilipas mula nang magkita kami ng aking kasintahan. At ang anim na buwan na iyon kung sa ibang tao ay maiksi lang ngunit sa akin ay para nang anim na taon. Nakakabagot at nakakalungkot ang bawat segundong pumapatak ng hindi ko siya nakakasama. Tila sariwa pa ang lahat ng aming pag-uusap mula ng kami ay magkahiwalay sa piling ng isa't isa.. Idinadaan ko nalang sa pagtulog kapag ako ay nalulungkot na wala siya.

"Kailan ulit tayo magkikita?" tanong ko kay Zyren na may halong lungkot ang tinig.

"Hahaha. Magkikita din naman ulit tayo kaya huwag ka nang malungkot riyan at ikaw ay pumapangit. Hindi sayo bagay, Mahal" natatawang sagot niya. Tingnan mo nga naman, sa tuwing tinatanong ko siya sa bagay na ito ay lagi niyang inililihis ang usapan.

"Ayan ka na naman eh, bakit ba iba nanaman ang sagot mo?" medyo naiinis kong tanong dahilan para matawa siya.

"Ikaw talaga Mahal, hayaan mo at malapit na tayong magkita. Sa ngayon ay gumising ka na at baka ikaw ay mahambalos ng mahiwagang patpat ng iyong ina." sabi niya dahilan para ako ay malungkot ulit.

Ako ay nagising matapos ng paguusap namin, kanina pa pala tumutunog ang orasan sa aking lamiseta sa tabi ng aking higaan. Hayyy..

Makalipas ang ilang araw ay nagising ako sa dahil sa maingay na kapaligiran. Marami ang sasakyan ng pulis at marami rin ang mga humahagulhol na tao. Anong nangyayari? Lumakad ako papunta sa kanila at nakakapagtakang lumalampas lang ang katawa ko sa mga tao. Kakaiba.

"XYRIE!!! ANAK, ANO BA???!!! GUMISING KA PAKIUSAP!!!" pagtangis ni Ina dahilan para ako ay magtaka ng husto. Gising naman ako ah?

"Inay" tawag ko ngunit nanunuyo ang aking lalamunan... Ano ba talaga ang nangyayari?

Napansin kong may hawak silang babae, parang tulog lang pero batid kong walang buhay.

"Xyrie! Mahal ko!" napalingon ako sa tumawag ng aking pangalan. Natigilan akong napatingin sa taong nasa likod ko..

Imposible! Paanong nandito siya? Nagtataka man pero tumakbo ako sakanya. Sinalubong niya ako ng yakap.

"Zyren, mahal" tawag ko sa aking nobyo at niyakap siya pabalik.

"Nagkita rin tayo sa wakas." masaya niyang sabi, napatango naman ako..

"Nakakapagtaka ngunit masaya ako." sambit ko at kumalas sa kanyang yakap..

"Ganun rin ako.. Tara na?" nagtataka man ngunit tumango ako..

"Saan tayo pupunta?" tanong ko at kinuha ang kamay niyang nakalahad sa akin.

"Sa paraiso, lugar kung saan hindi na tayo mapaghihiwalay" nakangiti niyang tugon at hinawakan ang aking kamay, napangiti rin ako.

Napatingin ako sa mga kumpol ng tao sa huling pagkakataon at narinig ko ang huling sabi ni ina bago kami tumapak sa unang tuntungan ng tulay ng paraiso:

"Masaya ako dahil natapos na ang paghihirap mo ngunit nalulungkot ako dahil wala ka na sa piling namin. Maging masaya ka sana kung saan ka man naroroon, anak ko."

.
.
.
.
@work_of_fiction
ㅏwritten by: @yunika1117ㅓ
ㅡplagiarism is a crimeㅡ
authors note : comment ninyo kung naintindihan nyo hehe o kung wala kayong naintindihan.. hehe.. thank you so much sa pagbabasa.. ingat kayo lagi...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Back in His Arms Where stories live. Discover now