Chapter 4

6 2 0
                                    

~~~Freya's Pov
Pagkatapos naming maglinis ni Angie ay bumaba naman kami mula sa classroom.

"Bye Freya" sabi ni Angie sakin at dumaan na siya ibang direkayson kaya kinawayan ko naman siya.

Bakit wala pa si papa?

Napatingin naman ako sa relo ko at 4:35 pm na wala pa si papa.

{ Notification sound }

Pagkatingin ko sa cellphone ko nakita kong si papa ang nagtext.

       Anak mag taxi ka nalang pauwi busy pa kasi ako dito at hindi pa kita masusundo.

Kaya pala wala pa siya hanggang ngayon. Maglalakad nalang ako hindi naman masyadong malayo ang bahay namin sa school.

* BEEP BEEP *

"ANAK NG TIPAKLONG!!" napasabi ko bigla habang nakahawak ako sa dibdib ko at napalingon kong sino yun.

Bakit nandito pa to?

Tumabi naman ako atsaka niya pinaandar ulit ang motor niya at huminto sa tabi ko.

"ANO NA NAMAN!!" sabi ko pa sa kaniya.

"Bakit hindi ka pa umuwi?"  Tanong niya sakin, bakit nag-alala ba siya sakin?

"Pagkatapos mong hilahin ang collar ko kanina ngayon nag-alala ka?" sabi ko sa kaniya sabay irap.

"Tsk, I'm not worried to you, I'm just asking" sagot pa niya, bwesit!! Nagtatanong lang naman pala siya!!

"A--ah okay bye" sabi ko pa atsaka maglalakad na sana pero hinila ni Walter ang buhok ko, ayan tuloy nasira ang ponytail ko.

"ARAYYY ANO KA BA!!!" sigaw ko sa kaniya. "ANG SAKIT NUN AH!!" reklamo ko pa at tumingin sa kaniya tinanggal ko nalang yung pantali ko at galit na nakatingin sa kaniya.

"Sumabay kana sakin" sabi pa niya atsaka naman ako tumawa ng tumawa sa harapan niya at nagulohan naman siya sakin.

"TIGILAN MO NGA AKO WALTER KUNG INAASAR MO LANG AKO PWEDE BA LUMAYAS KA NALANG SA HARAPAN KO?" sabi ko naman sa kaniya, bigla naman niyang hinila ang  ulo ko palapit sa kaniya.

Sobrang lapit na naman ng mukha niya sakin. Ngayon ko lang napansin gwapo din pala siya.

No! No! No! Erase the gwapo thing! Hindi siya ganon.

"Sa tingin mo ba nang-aasar lang ako?" Tanong pa niya sakin, itinulak ko naman siya palayo sakin at binitawan naman niya ako.

"HINDI KITA UURUNGAN WALTER AT MAS HIGIT SA LAHAT HINDI AKO TAKOT SAYO PARA MALAMAN MO" sagot ko sa kaniya nginitian naman niya ako ng bahagya atsaka tinignan ako mula sa mata magsasalita na sana siya ng may biglang tumawag sa pangalan niya.

"WALTER!!" tawag naman ng hindi ko kilalang lalaki sa kaniya.

Pagkatingin ko naman mula sa likod ko nakita kong hindi sila nakasuot ng uniform at anim na mga lalaki sila. Ibig sabihin totoo pala talaga ang sabi-sabi nila noon.

Kay mga gangster dito sa lugar namin.

"SUMAKAY KANA" utos sakin ni Walter.

"Ano!! Bakit ko naman gagawin yun?"  Tanong ko sa kaniya nakatingin pa rin siya doon sa mga lalaki.

"NAGKITA RIN TAYO ULIT WALTER!!" sigaw pa nung mga lalaki kay Walter, nilingon ko naman sila ulit at namalayan ko nalang na binuhat ako ni Walter pasakay sa motor niya.

The Badboy Is In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon