Chapter 10

8 2 0
                                    

~~~ Freya's Pov
Habang kumakain kami panay naman ang tingin sakin ni Walter kaya naiilang ako dun.

Bakit ba tingin siya ng tingin may dumi ba ako sa mukha?

"Nga pala Dre, bukas trainig na ulit hindi ka pa pwede dun dahil hindi ka pa magaling" sabi naman ni Zero kay Walter

"Kailangan ko pa bang magpractice kung palagi namang nananalo team natin" sagot naman ni Walter ang yabang pa rin.

"Wag kang masyadong kampanti diyan dre naghahanda rin ibang team para talonin tayo at makaabot sa interhigh" sagot naman ni Limuel sa kaniya.

"Mathew sumali kana rin sa team namin" sabi naman ni Walter kay Mathew na tahimik lang kumakain ngayon.

"Mukhang hindi yata siya pwede dre, siya Kasi representative natin" sagot naman ni Hendrich.

"Bakit ang araw ba ng mr. and ms. Intramurals magka- same ba ng date?" Tanong pa ni Walter sa kanila.

"No, yun ang narinig ko kanina and I guess I'll be joining you guys" sagot naman ni Mathew at napangiti naman si Walter dun.

"That would be great!!" Masayang tugon ni Walter sa kaniya.

"Welcome to the team Mathew" sabi naman ni Hendrich sa kaniya at inakbayan pa ito.

"Hoy ano ba!! Naiilang yung tao sayo kababago niyo lang na close sa kaniya at hindi pa siya sanay" sabi naman ni Walter.

"Ayus lang Walter no worries" sabi naman ni Mathew kay Walter.

Okay na nga silang dalawa sana hindi na ulit sila mag-away.

After naming kumain ay nagpaalam naman kami kay Walter na aalis na at ang naiwan dun sa kaniya sina Hendrich at Limuel. Sumakay ako kay Mathew habang si Angie naman kay Stanley sumakay.

Okay na pala sila ni Angie ngayon at mykhang babalik na nga ang relationship nila gaya ng dati.

Habang nasa loob ako ng sasakyan ni Mathew ang tahimik naming dalawa ewan ko ba kung bakit hindi rin ako nagsasalita.

"Do you like Walter?" Biglang tanong sakin ni Mathew napatingin naman ako sa kaniya at hindi kaagad makasagot sa kaniya.

"Ba--bakit mo naman tinatanong yan" kinakabang sagot ko sa kaniya.

"Kasi gusto ka niya and he's really likes you" sagot naman ni Mathew sakin.

"Nararamdaman ko nga" nahihiyang sagot ko naman sa kaniya.

"Sincere siya sayo Freya kaya sana bigyan mo siya ng chance" sagot naman ni Mathew sakin.

Akala ko may nararamdaman siya sakin pero mali pala ako dun talagang kaibigan lang ang tingin sakin ni Mathew at ang tunay na may gusto sakin ay si Walter at hindi siya.

"Nung marinig ko bosed niya kanina totoong napaluha ako dun sobra kasi akong nag-alala sa kaniya at biglang tumibok ang puso ko sa mga sandaling iyon" sabi ko pa at nakinig naman si Mathew sakin. "Bibigyan ko siya ng chance kasi deserve niya yun, salamat sa inyo kasi pinaparamdam niyo sakin kung gaano siya ka sincere magmahal" sagot ko pa.

"He's very true to himself I wish I could have that confidence" sagot pa ni Mathew atsaka tumingin sa harapan.

"Siguro yan din ang isa sa mga rason kung bakit nagustohan ko siya open kasi siya na tao" sagot ko naman habang nakangiti ng bahagya.

Naalala ko naman bigla ang nangyari nung friday habang naglalakad kami at ikinukwento ni Walter sakin ang buhay niya at kung paano siya magalang na nakikipag-usap sa papa ko nun.

The Badboy Is In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon