Chapter 14

5 2 0
                                    

~~~ Freya's Pov
Bakit kaya hindi pa nagte-text si Walter? kanina pa siya nakauwi pero hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na text mula sa kaniya.

Kinikilig pa rin ako sa tuwing naalala ko ang nangyari kanina, kung paano niya pinasaya ang pamilya ko.

Sorry Walter kung nagdadalawang isip pa ako nung una sa naramdaman ko pero ngayon siguradong-sigurado na ako sa nararamdaman ko para sayo at yung naramdaman ko kanina mula kay Mathew pagkagulat lang yun dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang gusto niyang magkaroon ng girlfriend.

Mas gustong-gusto ko na si Walter ngayon kaya hanggang ngayon ay nakangiti pa rin ako habang nakatingin sa mga regalo ni Walter para sakin.

At kung paano niya halikan ang ulo ko sa harapan ng mga magulang ko kanina.

Sobrang gentlemen niya at sweet.

Napatigil naman ako sa ginagawa ko dahil nagring ang phone ko at nakita kong tumatawag si Kuya.

"Hello kuya bakit ngayon ka lang napatawag minsan nalang tayo magkita dito sa bahay" sabi ko naman sakaniya.

"Bunso, may relasyon ba kayo ni Walter?" Tanong niya sakin.

"Ba--Bakit sobrang seryoso naman ng tanong mo kuya" nahihiyang sagot ko sa kaniya.

"Kung meron man o wala nas mabuting iwasan mo na siya dahil mapapahamak ka lang kapag pinagpatuloy mo yan" sabi pa niya sakin.

"Kuya bakit naman ganiyan ka mag-isip?" Sabi ko sa kaniya pero hindi siya sumagot at binaba ang tawag.

Kinabahan tuloy ako sa sinabi niya paano nalang kung may nangyaring masama kay Walter kaya siya hindi nakatawag o naka text sakin?

Denial ko naman number niya pero walang sumagot at out of coverage na.

*Compose text to Walter*

   Please tawagan mo ako kung nababasa mo to

( Sent )

*Compose text to Walter*

      Okay ka lang ba? Please sabihin mo sakin nag-alala na ako.

( Sent )

{ Unknown number Calling }

Sino to?

Dahan-dahan ko namang sinagot yun para malaman ko kung sino siya.

"He--Hello sino to?" Tanong ko pa.

"Kapag hindi mo lalayuan si Walter may mangyayari sa kaniya at sa pamilya mo"  sabi ng isang boses lalaki sa kabilang linya.

"SINO TO? NASAN SI WALTER?"  lakas na loob kong tanong sa kaniya.

"Gawin mo nalang ang gusto ko kung ayaw niyong mapahamak" sagot pa niya atsaka binaba ang tawag ulit.

Anong nangyayari?

Hindi kaya nalaman ng Daddy niya na may namamagitan samin ni Walter kaya may mga taong gustong siraan kami ngayon?

Ito rin ba ang dahilan kung bakit hindi nagtetext sakin at tumatawag si Walter?

Kung saan okay na ang lahat saka naman may gustong sumira samin.

{ Kinabukasan }

Pumasok ako sa school at naglalakad ako mag-isa habang lutang ang utak ko at iniisip ang nangyari kagabi.

"Anong nangyayari sayo?" Biglang salita ni Mathew sa tabi ko kaya napabalik ako sa realidad.

"Wa--Wala"  sagot ko naman sa kaniya.

The Badboy Is In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon