Chapter 13

5 2 0
                                    

Pagkarating ko sa bahay dumiretso ako sa kwarto ko at napahiga kaagad ako sa kama habang nakatingin sa kisame.

Susundoin kami dito ni Walter mga 7 dahil pumayag sina mama at papa na magdinner kami wala pa rin si kuya kasi busy siya sa trabaho niya.

Naalala ko na naman ulit ang sinabi ni Mathew kanina.

"Sa ngayon? Gusto ko magkaroon ng girlfriend"

"Hayst!! Anong nangyari sakin!!!" Sabi ko naman habang nakatakip ako sa mukha ko.

"Mahal ko si Walter at siya lang ang para sakin tapos na ako kay Mathew yun lang" sabi ko pa sa sarili ko.

Tumayo naman ako at insaktong naagaw ng paningin ko ang box na binigay sakin ni Walter.

"Gusto kong buksan mo to sa araw ng Supreme's Night at kapag nakikita kong suot mo to sa mismong araw na yun ibig sabihin lang nun ay sinasagot mo na ako"

Napahilamos ako sa mukha ko at uling humiga sa kama atsaka tinakpan ang mukha ko ng unan.

( Knock ,Knock )

Tumayo naman ako kaagad at inayus ang sarili ko.

"Freya anak nandiyan na si Walter sa baba" sabi sakin ni mama. Ha? Ang bilis niya naman?

Pagtingin ko naman sa orasan laking gulat ko kasi 6: 50 pm na. Grabe ang bilis ng oras hindi ko tuloy namalayan hindi pa nga ako nakabihis ng school uniform eh.

"Sige po ma magbibihis muna ako" sagot ko naman sa kaniya, tumugon naman si mama atsak siya umalis sa labas ng kwarto ko.

Tumayo naman ako atsaka ako nagbihis. Nagsuot ako ng red off shoulder dress at pinaresan ko ito ng pumps sandal na kulay black, inipitan ko rin ang buhok ko sa gilid at naglagay rin ako ng lipstick kaonti lang naman at sa huli ay nagpabango ako.

Pagkababa ko naman mula sa hagdan nakita ko kaagad si Walter na kausap sina mama at nakangiti siya sa kanila.

Ang gwapo niya sa suot niya ngayon, naka black leather jacket siya habang ang pang loob naman niya ay Stripes tapos ang mga buhok niya sobrang bagay lang sa kaniya. Naka earrings din siya ngayon na palagi niyang suot.

Mas lalo siyang gumwapo tignan.

"Nandito na ang prinsesa ko" sabi naman ni papa kaya lahat sila napatingin sakin. Bumaba naman ako ng hagdan at sinalubong ako ni Walter sa baba para alalayan ako.

"Ang ganda mo" saad sakin ni Walter napangiti naman ako sa sinabi niya atsak niya inilahad ang mga palad niya sakin kinuha ko naman iyon at maayus akong nakababa sa hagdan.

"Thank you" nakangiting sagot ko pa.

"Tara na po" sabi naman ni Walter sa kanila habang nakahawak pa rin siya sa mga kamay ko.

Tama yan, sa kaniya ka lang titibok.

"Teka muna, mag picture muna kayong dalawa" sabi naman ni Mama samin. Si mama talaga nakakahiya.

"Ma naman nakakahiya" sabi ko pa sa kaniya.

"Sige na isa lang naman anak ang ganda niyo kasing tignan dalawa" sabi naman ni mama samin habang nakangiti siya abot tenga.

"Just one picture, my love" sabi sakin ni Walter habang nakatingin siya sa mga mata ko.

"Sige na nga" sabi ko pa natuwa naman si mama dun atsaka niya inutusan si Walter na lumapit sakin.

"Closer iho" sabi pa ni mama kay Walter mas dumikit naman sakin si Walter atsaka nakawak siya sa waistline ko at nakatindig ng maayus habang ako naman nanginginig na sa kaba.

The Badboy Is In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon