Chapter 19

7 2 0
                                    

Halos di ako makatulog sa gabi dahil sa paghihiwalay namin ni Mathew kahapon. Nakokonsensya ako dahil hinayaan ko siya na masaktan.

{ 10 MESSAGES }

pagkatingin ko sa cellphone ko nagmessage sakin mga kaibigan ko.

2 messages From Angie.
      Narinig ko lahat kahapon sa inyo ni Mathew sorry hindi ko sinasadya. Sobrang nasaktan siya sa paghihiwalay ninyo kaya kasama niya ngayon sina Stanley para pasayahin siya.

       Kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako :>

8 messages From Walter
       Freya I'm sorry.

        Lasing ako kagabi hindi ko alam pinaggagawa ko.

         Nalaman ko lang when my roommate told me everything I did yesterday night.

          I didn't mean to say it to you.

          I'm sorry.

          I won't bother you again.

          I will accept the fact that you are into him if you accept my sorry, so please reply.

After ng graduation magpapakalayo muna ako para maka move on sa lahat-lahat ng nangyari sakin.

{ Kinabukasan }

Pumasok ako ng school at akala ko magbabago ang pakikitungo ni Mathew sakin pero hindi pala.

"Bakit hindi nagbago ang pakikitungo niya sakin? Pero wala din akong natanggap na text mula sa kaniya after naming maghiwalay?" Tanong ko naman kay Angie kaya napatingin siya kay Mathew na tahimik na nagbabasa ng libro sa upoan niya.

"Sinabihan kasi siya nina Stanley na wag niyang bagohin ang pakikitungo niya sayo para mas lalong hindi maging awkward lalo pa't magkaibigan pa naman tayo " sagot ni Angie sakin.

"Kaya pala" sagot ko naman sa kaniya.

"Uy Mathew pakopya ako mamaya ah" sabi ni Hendrich kay Mathew tumigil naman siya sa pagbabasa at tumingin kay Hendrich.

"Mag-aral ka may oras pa" sagot naman sa kaniya ni Mathew, tumingin naman ako kay Mathew at pakiramdam ko malaki talaga ang pasakit na dulot ko sa puso niya.

"Oo nga wag ka kasing laging umasa" sang-ayon naman ni Zero sa sinabi ni Mathew.

"Aish!! Tumahimik ka Lacson lagi ka nalang may nasasabi sakin" reklamo naman ni Hendrich sa kaniya.

"Sorry dre Mahal kita mwuaahhh!!" Pang-aasar pa sa kaniya ni Zero.

"Mga siraulo" natatawang sabi naman sa kanila ni Limuel at bigla nalang din tumunog ang cellphone niya kinuha niya naman yun. "Si Walter tumawag" sabi naman ni Limuel.

Kinabahan naman ako dun sa sinabi niya kaya napalingon ako sa direksyon ni Limuel.

"Hello Dreeee!!!" Masayang sabi ni Limuel habang nag vi-video call silang dalawa at bumati naman sina Zero, Stanley at Hendrich sa kaniya.

"How are you guys?" Tanong naman ni Walter sa kanila.

"Gusto mo bang bumili muna tayo sa canteen?" Tanong naman ni Angie sakin nilingon ko naman siya dahil nag-alala siya sakin.

"Hindi na ayus lang ako" sagot ko sa kaniya, pero ang totoo ay nakikinig ako sa pinag-uusapan nila.

"Where is Mathew? Can you guys tell him to come over you so that I can talk to him?"  Tanong naman ni Walter sa kanila.

The Badboy Is In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon