Chapter 9

7 2 0
                                    

~~~~Freya's Pov
{ After 2 days }

Pumasok ako sa school ng wala sa sarili at bumalik ulit ang mga masasamang salita galing sa mga students dito tungkol sakin.

"BECAUSE OF HER WALTER IS IN THE HOSPITAL! URGH! I HATE THIS GIRL SO MUCH!!"

Nagulat naman ako kasi may biglang tumabi sakin at yun naman pala ang mga Kaibigan ni Walter.

"Nangako kami kay Walter na aalagaan ka namin hanggat hindi pa siya nagigising" nakangiting tugon ni Hendrich mula sa tabi ko.

"HOY TIKOM MO YANG BIBIG MO BAKA BIGLANG GUMISING SI WALTER AT PUNTAHAN KA DITO SIGE KA" pananakot naman ni Limuel doon sa babaeng nagsasalita kanina.

"Ayus lang ako nasanay na rin ako sa kanila" sagot ko naman sa kanila.

"Sinungaling" sabi naman no Zero mula sa likuran ko. "Alam naman naming apat na hindi ka maayus lalo na kung wala si Walter dito para ipagtanggol ka baka ano pa mangyari sayo at kami sisihin kapag magising yun" sabi naman niya, bahagya naman akong napangiti at sobrang ina- appreciate ko ang mga ginagawa nila ngayon sakin.

"Wag mo sana kaming pagbawalan Freya dahil ayaw din namin mapahamak ka sana maintindihan mo yun" sabi naman sakin ni Stanley.

"Salamat sa inyo pero ayus lang talaga ako" sabi ko sa kanila.

Pagkarating namin sa classroom lahat ng mga kaklase namin ang sasama ng tingin sakin especially girls.

"Here comes the queen of the bitch" pagpaparinig sakin ng babaeng kaklase ko at tumawa naman sila habang nakatingin sakin.

"Sabihin mo kaya yan sa harapan no Walter tignan natin kung hanggang saan ang tapang mo" panghahamon naman ni Zero dun sa babae naming kaklase natahimik naman silang lahat dahil sa sinabi ni Zero.

"Don't mind them" sabi naman sakin ni Limuel atsaka ako pinaupo sa upoan ko bale si Stanley muna pumalit sa seat ni Walter saglit dahil nasa likuran naman siya nakaupo.

Absent ba si Angie? Wala siya dito sa classroom.

Kinuha ko naman ang cellphone ko at ete-text na sana si angie kaso biglang tumawag si Angie.

{ On call }

"Hello Angie nasan ka?" Tanong ko sa kaniya.

"Nagpunta muna ako sa hospital akala ko kasi maabutan ko kayo dito pero ang nadatnan ko gising na si Walter" sagot naman niya bigla namang nabuhayan ang puso ko dahil sa sinabi niya at napatingin ako sa mga kaibigan ni Walter.

"Sigurado ka ba diyan gising na talaga siya?" Paninigurado ko pa.

"Sino yan?" Tanong naman sakin ni Hendrich.

"Si Angie to at ang sabi niya gising na raw si Walter" masayang tugon ko pa sa kaniya.

"Hello Angie----"

"What the heck, I'm not Angie" ng marinig ko ang boses na yun mas lalong sumaya ang puso ko gising na nga talaga siya.

"W--Walter ikaw ba talaga yan?" Tanong ko pa.

"What do you think?" Hindi ko naman namalayang napaluha na pala ako dun kaya agad ko yung pinawi atsaka ko siya sinagot.

"Kumusta?"

"Dalawang araw akong tulog tapos kumusta lang naman pala matatanggap ko? Hasyt! Makatulog na nga lang ulit" sabi naman niya.

"Siraulo ka talaga" natatawang sabi ko naman sa kaniya.

The Badboy Is In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon