Chapter 18

5 2 0
                                    

Inihatid ako ni Mathew samin at 10 pm na ako nakauwi, pagdating ko sa kwarto ko tinignan ko ang cellphone ko at may message si Walter sakin.

From: Walter
      I see how happy and contented are you with my bestfriend, thank you for giving me a chance to be your friend again. I'm so relief seeing how in love are you to Mathew. I hope after I graduate in College we  will still hang out together just like before. Thank you Freya for everything take care :>.

Napayakap naman ako sa cellphone ko dahil sa sinabi niya, buti nalang hindi siya galit samin ni Mathew.

Thank you din Walter kasi kahit papaano ay may pinagsamahan tayong dalawa salamat sa lahat.

Inilagay ko naman ang cellphone ko sa kama dahil magsho-shower muna ako para makatulog na.

{ Kinabukasan }

"Ma nasan  sapatos ko?" Tanong ko kay mama. Kanina ko pa kasi hinahanap hindi ko naman makita.

"Pinalabhan mo yun sakin diba?"  Sabi ni mama sakin.

Oo nga pala aish!! Anong susuotin ko?

Napatingin naman ako sa mga sapatos ko at wala na akong ibang choice kundi mag sandal nalang ako sa date namin ni Mathew ngayon.

Nagsuot ako ng dress atsaka inayos ko rin ang buhok ko pagkatapos ay nagsuot ako ng heels mga 4 inch lang naman. Paglabas ko sa kwarto ko nakasalubong ko si Kuya na papaalis na rin papuntang work niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sakin.

"May date kami ni Mathew kuya" sagot ko naman sa kaniya.

"Sige  ingat ka" sabi ni kuya sakin, ngumiti naman ako sa kaniya atsaka ako bumaba ng hagdan para magpaalam kila mama at papa.

"Pa aalis po muna ako" paalam ko kay papa kasi siya pala ang nandito.

"Sige ingat ka anak umuwi ka ng maaga" sabi ni papa sakin.

"Opo pa" sagot ko sa kaniya at nagmano ako. "Nasan po si Mama?" Tanong ko kay papa.

"Nasa banyo naglalaba hayaan mo ako na magsasabi sa kaniya na aalis ka ngayon" sabi sakin ni papa.

"Sige po pa salamat po" sagot ko sa kaniya, lumakad naman ako palabas ng bahay at insaktong dumating ang kotse ni Mathew.

Lumapit naman ako sa kaniya pero pagkabukas ng kotse hindi si Mathew ang nakita ko kundi si Stanley.

" Nasan si Mathew?" Tanong ko kay Stanley.

"Ipapaliwanag ko sayo sumakay ka muna" sabi niya sakin na parang nagmamadali siya, sumakay naman ako sa kotse niya atsak hindi pa siya nagsalita nung sumakay na ulit siya sa kotse niya dahil pinaanadar pa niya ito.

Nung nasa main road na kami doon pa siya nagsimulang magsalita.

"Pupunta tayo sa airport ngayon" sabi niya sakin kaya nagtaka ako.

"Ba--Bakit tayo pupunta don?" Takang tanong ko pa sa kaniya.

"Si Mathew dinala siya ng family niya at pupunta sila ng US para doon siya mag-aral" sagot sakin ni Stanley.

"ANOO!!" hindi makapaniwalang sagot ko.

Bakit wala siyang nabanggit sakin na ganon?

"Nandun sila Hendrich sa airport para pigilan ang family ni Mathew na wag siyang isama, sana makaabot tayo" sabi ni Stanley at mas binilisan pa niya ang pagmaneho.

The Badboy Is In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon