Chapter 3

9 2 0
                                    

Matapos naman ng subject na yun nagsimula na akong kabahan dahil nakita kong papalapit sa direksyon ko si Mathew.

Bakit ganito feeling ko? WAAAHHH!!! Kinakabahan ako!!

"Hoy!!" Tawag sakin ni Walter atsaka inabot sakin ang coloring materials na bibilhin ko sana kagabi, tumaas naman ang kilay kong nakatingin sa kaniya. "Diba gusto mo to?" Tanong pa niya sakin.

"Nagbago na isip ko sayo na yan" sagot ko naman sa kaniya at nilingon ulit si Mathew pero wala na siya.

Nasan na siya? Inilibot ko naman ang mga mata ko sa paligid pero wala na siya dito sa classroom.

Kasalanan talaga to ng Kapreng monster nato kung bakit siya nawala sa paningin ko.

Bigla namang inilagay ni Walter ang coloring materials na yun sa table ko kaya tinignan ko siya ng masama.

"Ayaw ko na rin niyan" sagot naman niya atsaka tumalikod at umupo ulit sa upuan niya.

Baliw talaga!! Binili niya to tapos ayaw niya naman pala, nagsasayang lang siya ng pera.

"Bakit ka niya binibigyan nito?" Tanong naman ni Angie sakin.

"Kagabi kasi nagkita kaming dalawa ni Walter sa mall tapos sabay naming gustong bilhin to kaso nga lang naunahan niya ako tapos siya talaga nakakuha at binili niya tapos ayaw naman niya pala sa ganito at binigay sakin" sabi ko pa kay Angie.

"Hindi kaya may gusto siya sayo?" Biglang tanong ni Angie sakin.

"NO WAY!" sabi ko naman kaagad.

"Freya never pa siyang ganiyan sa mga babae at ikaw palang ginaganito niya. OMMGGG!!! in love si Walterrr" kinikilig na sabi sakin ni Angie.

"Wag ka ngang ganiyan baka mali ka lang sa iniisip mo dahil ang totoo gusto niya lang akong asarin" sabi ko naman at umiling-iling naman siya.

"That's not what I see, darating din ang araw na magco-confess siya sayo" nakangiting sabi pa niya atsaka bumalik na ulit siya sa chair niya.

Hindi yan maaring mangyari, tsk basta para sakin nang-aasar lang yan si Walter at gustong-gusto niya yung inaasar ako.

Nasan na kaya si Mathew?

* BLING *

Kinuha ko naman ang cellphone ko at laking gulat ko kasi nag message sakin si Mathew through messenger.

THIS IS FOR REAL?

* MATHEW KIM OSMAN *
        let's meet  in the Library after you have your lunch.

OMMGGG!!!! bakit ang saya koooo!!

* Replying to Mathew *
          Okay see you.

Namalayan ko naman ang sarili kong nakangiti kaya kaagad ko yun binawi dahil baka ano pa sabihin ng iba sakin.

Ibinulsa ko ulit ang cellphone ko at naghihintay sa susunod na subject teacher.

{ Bell rings }

Nagpunta naman kami ni Angie sa Canteen at sabay kaming kumain dalawa doon, habang kumakain ako nahagip naman ng mga mata ko si Mathew na kumakain sa di kalayuan sakin.

Ang gwapo niya talaga, di siya nakakasawang tignan kahit magdamag pa akong titigan siya hinding-hindi ako magsasawa talaga.

"Freya ano nga pala mga hobbies mo?"  Tanong ni Angie sakin at binaling ko ulit sa kaniya ang pansin ko.

The Badboy Is In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon