Unexpected Feelings

6 2 0
                                    

The other scenes is on reality.

Nasa Grade 6 ako non at may crush akong pangalan ay J.O.M,matagal kona syang crush simula pa nong Grade 3 ako.

First day of school non sa Grade 6 at marami akong naging bagong kaklase,may iba rin akong kaklase na kaklase ko parin noon.

Nagpakilala muna ang lahat at nakaupo pako non sa pangatlong line ng upuan,katabi ko pa non yung kaibigan ko si L.M.Babae yan si L.M,classmate at kaibigan ko sya mula grade 4 to grade 6.

Ilang araw lang ay napakagulo namin sa room kaya nirearrange ni Ma'am ang sits namin.

Well in first ay kabado ang lola nyo dahil boplaks sya sa math at malabo ang mata nya.

Habang nag aarrange ay binibilang ko kung pang ilang upuan ako kasi ako yung pinakauna sa attendance kasi A yung simula ng last name ko.

Nang mabilang kona ay may katabi akong lalaki,may itsura sya pero hindi ko yun pinansin dahil si J.O.M nga ang crush ko.

Ang Initials ng pangalan nya ay M.J.M,kung kilala nyo sya shh lang kayo dahil hindi nya alam na isinulat ko itong kwento na to, baka magalit sya.

Napangiti naman ako non dahil alam kong matalino sya,alam nyo ba kung bakit ako masaya?

Dahil kokopyahan ko sya sa math HAHAH.

Pag dating sa math ay boplaks talaga ako,nang paupuin nako ng Adviser ko ay agad naman akong umupo at nakangiting tinignan sya.

"Ako nga pala si E.M,nako thank you at ikaw yung katabi ko!Matalino!"masayang sabi ko at niyakap sya

Nalaman ko kasing matalino sya dahil ilang araw palang simula ng klase ay nagpapakitang gilas na ang lolo nyo.

Nagulat naman sya sakin,maski ako ay nagulat din sa ginawa ko pero walang ibig sabihin yun dahil ganon naman talaga ako kapag natutuwa ako ay niyayakap ko ang mga tao sa paligid ko,kahit nga hindi ko kilala ay niyayakap ko kaya napag kakamalan nila akong baliw.

HAHAHHA pero hindi ko intensyong gawin yun,natuwa lang talaga ako dahil may katabi akong matalino na pwede kong kopyahan.

Simula noon ay katabi kona sya,lagi kaming nag aaway at nagkukurutan.

Mag mula noon ay may nang bubully na sakin dahil maasim daw ako.

Well mataba ako noon,hanggang ngayon parin naman.

Tsaka nako mag glow up kapag 18 nako at nasa maynila nako sabi ko nong Grade 9 ako.

Well namatay kasi yung mama ko nong Grade 9 ako.Kukunin ako ng pinsan ni mama at dadalhin ako sa maynila tapos pag aaralin sa college.

So ayon nga,may isa pang dahilan kung bakit nila ako binubully.

Hindi ko kasi alam na may nagkakagusto kay M.J.M noon at mag kaibigan pala yung nagkakagusto kay M.J.M tsaka yung nambubully sakin.

Hindi naman nya sinusolsolan yung mga kaibigan nya,ewan koba kung bakit patuloy nila akong inaasar.

Well maasim naman talaga ako noon HAHAH dahil mataba ako at medyo dugyutin pako noon.

Natatawa ako sa sarili ko noon dahil ipinagmamalaki ko pa sa iba na crush ko si J.O.M.

Isang araw sa room nakarinig ako ng pag uusap.

Nag uusap kasi sila M.J.M at yung mga tropa nya.

Well hindi ko alam kung totoo ba talaga ang narinig ko.

Pinapipili kasi nila si M.J.M kung sino pipiliin ni M.J.M saming dalawa ng babaeng nagkakagusto sa kanya.

Hindi ko rin alam kung may gusto rin ba si M.J.M don sa babaeng nagkakagusto sa kanya.

"M.J,sino pipiliin mo?Si E.M o si G?"tanong ng kaibigan nya

Well hindi ko talaga alam kung tama yung pagkakarinig ko,hindi sa nag aassume ako pero yun talaga yung narinig ko.

Sumagot si M.J.M na E daw,well E.M.D.A talaga ang initials ng pangalan ko,napatingin naman ako sa kanila at hindi ko pinansin dahil wala pa nga akong crush sa kanya,si J.O.M parin.

Hanggang sa lagi na nilang pinaririnig yun sakin pero wala parin sakin yun,wala akong maramdamang sparks o kuryente man lang kapag hawak ko sya.

Ang buong atensyon ko lang noon ay kay J.O.M at pag lalaro.

Hanggang sa magising nalang ako na nagugustuhan kona rin sya.

Uwian na noon at pauwi nako,pababa nako ng hagdan noon pero bumalik ako kasi gusto ko syang yayain na sumabay sakin pauwi pero parang hindi nya ata narinig yun kaya wala akong nagawa at bumaba nalang ako.

Magkalapit lang kasi kami ng bahay parang sa kabilang subdivision lang sya,minsan kasi magkasabay kaming sumasakay sa tricycle.

Pagbaba ko ay pinukpok ko ang ulo ko dahil nakakahiya yung pinag gagawa ko.

Well bago ko sya makilala ay nagtapat muna ako noon kay J.O.M pero rejected ako.

Pagkauwi ko sa bahay noon ay nagpagulong gulong ako sa kama namin sabay sabing....

"Napakatanga ko naman!Nagkakagusto na ba ako sayo M.J.M?!Bakit?!!Gusto na ba talaga kita?!!Kala ko ba si J.O.M lang?!!"

Diba nakakaloka ang ginawa ko,tsaka ko lang sya nagustuhan nong malapit na kami grumaduate sa Grade 6.

Nag try naman akong umamin kaso lang hindi ako makahanap ng tamang pagkakataon dahil lagi syang may kasama.

Malapit na ang graduation day noon at uwian na noon.

Kasama ko si L.M at nag uusap kami kung san kami mag aaral sa Grade 7.

Nasa likod namin si M.J.M non,syempre lola nyo bida bida at gustong magpapansin nagparinig sya at sinabi ng malakas kung san nya gustong mag aral sa Grade 7.

Diba lola nyo bida.

Hanggang sa dumating na nga yung graduation,syempre todo paganda ang lola nyo noon.

Pagtapos ng graduation ay hindi na kami nag kita pa.

Nong nag Grade 7 naman ako ay pagkakataon nga naman at nakita ko syang naglalakad sa kalsada pauwi na ata sya.

Tinawag ko sya,tumingin sya sakin tapos umalis na agad.

Yun na nga yung huli naming pakikita.

Tatlong taon ang nakalipas,maraming nangyari noon.

Nong Grade 9 nako ay hindi parin nawala sa isip ko yun,crush ko parin sya simula noon hanggang ngayong Grade 11 na ako.

Nong Grade 9 ako ay sinubukan ko ulit at umamin nako sa kanya through chat.

Akala ko ay gusto nya parin ako pero nireject nya rin ako katulad ni J.O.M.

So hindi ko sya chinat at sinubukan ko ulit syang ichat nong grade 10 nako pero rejected parin.

Kaya ayon wala na akong nagawa,nong after ko syang makita sa kalsada ay umiyak ako non sa bahay kasi hindi kona sya makikita pa.

Nong una nya akong nireject sa chat umiyak din ako non HAHAHA.

Don ko nalaman na nagregret ako dahil hindi ko agad sinabi na may gusto narin ako sa kanya at huli kona sinabi.

Para kasi sakin noon ay isa lang biro ang love nayan at para sakin wala pa sa isip ko ang love dahil bata pako noon at sakin ay crush crush lang.

Huli na ako dahil nong umamin ako sa kanya ay wala na syang gusto sakin.

Oo alam kung bata pa kami noon para sa mga ganyan.

Kaya lesson learn,hanggat gusto kapa ay umamin kana bago magbago ang lahat at sa huli mulang sinabi at ipinaramdam na gusto muna sya.

—End—

Sa mga nakabasa nito,amin amin din sa crush nila,malay mo gusto karin pala nya.

Ps:Initials nalang ng pangalan ng characters yung nilagay ko dahil nakakahiya,baka mabasa nila kaya para hindi masyadong maissue ay initials nalang.

Thank you for supporting my stories and reading it!!!!

One Shot Stories CollectionWhere stories live. Discover now