POV:Kanta para kay Crush
Andito kami sa room at wala kaming teacher, kung ano ano lang ginawa namin.
Ako ay nakatingin lang kay Crush,ang gwapo kasi nya at sobrang tahimik. Na gustong gusto kong ugali nya dahil para sakin Cool yun.
So dahil bida bida ang mga kaibigan ko ay nagpasikat nanaman Birthday kasi ngayon ni Crush.
Nilapitan ni Dalia si Traves at tinanong.
"Uyy Traves,diba Birthday mo ngayon?"tanong ni Dalia at tumingin sakin bigla
Tumango lang si Traves at nagbasa na ulit ng libro,smart at bookworm guy kasi sya.
"Kantahan ka daw ni Sharmaine."sabi ni Dalia
Napatingin naman ako kay Dalia at pinandilatan sya,nakatingin naman sya sakin ng nangangasar.
"Uyy kantahan nayan!"sabi ni jamaica kaibigan ko rin
"Kantahan muna Sharmaine."sabi ni Elle
"Uyy kantahan nayan!Wag ng pabebe dyan."sabi ni Ivy
"Uuy anong naririnig kong kantahan dyan?"pagsingit naman ni Sir Dominic,Adviser namin
Lumapit naman agad si Elle kay Sir.
"Eh Sir kasi ayaw kantahan ni Sharmaine si Traves,Birthday pa naman ngayon ni Traves."sabi ni Elle
"Hoy tumigil nga kayo."saway ko"Wag ka pong maniwala sa kanila Sir"sabi ko
"Oo nga pala ano,Happy Birthday Mr Alfonso bakit nga ba ayaw mong kantahan si Mr Alfonso ha Ms Santiago?Abay Birthday ng kaklase mo ngayon."sabi ni Sir
Naiinis ko namang tinignan yung apat kung abnormal na kaibigan,humanda talaga kayo sakin mamaya!
"Sige na Sir,ito na kakanta na."sabi ko
Napasulyap naman ako kay Traves na nagbabasa parin ng libro nya.
Tumayo ako at kasabay non ay dala ko ang gitara ko,naglagay naman ng upuan si Dalia sa harap.
"Ayieee kakanta na sya!"
"Go Sharmaine!"
"Go na Ms Santiago."
Umupo ako sa upuan ang tinignan ang lahat.
"Itong kantang to ay sarili kong gawa,hindi ko pa sya tapos gawin.kaya wag kayong mapanakit dyan,ang title nito ay Sa Unang Pagtingin Akoy Nahulog."sabi ko
"Uyy Nahulog daw oh!"
"Para kay Traves talaga yan eh!"
"Lande!"
"Sir Crush nya si Traves!"
"Oo Sir!"
"Sana all nahulog!"
"Wep tahimik na,makinig nalang kayo."sabi ni Sir
Napatingin naman ako sa paligid at nakita kung may nanonood na ibang students sa labas pero hindi kona sila pinansin dahil itinuon kona ang tingin ko sa hawak kung gitara.
Sa pagtipa ko ng gitara ay yun namang pagtingin ko kay Traves na nakatingin sakin,nagkatinginan kami habang patuloy ako sa pag tipa sa gitara.
"La la la la la la la la la,sa unang patingin
Hindi namalayang nahulog na pala ang puso ko sa iyo."pagkanta koUna palang ay naghiyawan na agad silang lahat dahil sa boses ko.Hindi ko sila pinansin at itinuon ang tingin ko kay Traves na ngayon ay nakatingin parin sakin.
"Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko,ewan koba pero alam ko lang gusto na pala kita."
Habang kinakanta ko ang pangalawang kanta ay napapangiti ako.
"Tadhana nga bang matatawag ito?
Pinana ba ni kupido ang puso ko para sayo?"Patuloy parin ako sa pagtipa ng gitara habang ang paningin ko ay kay Traves
"Hindi ko maintindihan,lagi kang tumatakbo saking isipan.Sa tuwing nasisilayan ka ay buo buo na ang araw ko,Sa unang pagtingin akong nahulog sayo,la la la la la,akong nahulog sayo."pagtapos ko sa unang parte ng kanya
Naghiyawan naman ang lahat at nagpalakpakan.
"Ohhh!!Galing!"
"Sana all nahulog!"
"Sana all kinantahan!"
"Kinikilig nayan si Traves!"
Sigawan nila,sa lahat ng may pinakasigaw ay andon sa apat kung kaibigan.
"Oh Mr Alfonso,anong masasabi mo sa kanya ni Ms Santiago?"tanong ni Sir
Napatitig naman ako sa kanya,sana nagustuhan nya.
Matagal kong pinag isipan ang bawat salita na isusulat ko bilang kanta sa kanya,sana at nagustuhan nya.
Inilapag naman ni Traves ang libro nya at tumayo.Tinignan nya at at ngumiti.
Nagulat naman anh lahat lalo na ako dahil sa unang pagkakataon ay nginitian nya ako.Kinikilig naman akong tinignan ng apat kong kaibigan.
"It's good,if I have a chance.I am willing to be your first listener,if your done finishing your song.A song about me."nakangiti nyang sakin
"Ayon oh sana all!"
"MaineVes!Ship!"
"Ayiee MaineVes!"
"Ahh btw,thank you for your song.I enjoy it with your beautiful voice."nakangiti paring sabi ni Traves sakin
At ayon nga,pinagship nila kami at ngayon ay kami na ni Traves.Pasimuno kasi si Sir Dominic eh.
-END-
YOU ARE READING
One Shot Stories Collection
RandomMy short story collection,some story have based in reality and some is in my Imagination,enjoy reading my One shot stories!