Entry 1-10

38 0 0
                                    

Entry 1

April 1 ngayon. Oo. April Fools Day ngayon. Ano pa nga ba. Naisipan kong buksan ang twitter ko at syempre trending na naman ang #AprilFools . Nagsearch pa nga ko sa google kung anong agandang itweet at ipost sa facebook e, samahan mo pa ng hashtag April Fools. Ang sakit na nga ng mata ko e, kanina pa akong nakaharap sa laptop kaya nga sobrang labo na ng mga mata ko e.

Entry 2

Wala naman masyadong nangyari ngayong araw. Normal lang din tulad ng dati. Pero hindi na magiging normal dahil sa mga susunod na araw e back to school na naman. Oo. Back to school as in papasok na naman sa paaralan. May summer kasi kami at kailangang ipasa ang qualifying examination for upcoming second year BSA students. Sana lang makapasa ako.

Entry 3

Bakit ba ng init sa Pinas? Daig pa ang inoven e. Kailan kaya magiging airconditioned ang Pilipinas? Kapag naging pink ang uwak. Napakaimposible.

Entry 4

Nagzuzumba na ulit sila. Nakakapagod naman kasi. Kapag sinipag ako magzuzumba din ako. Magpapaabs nga pala ako. LOL.

Entry 5

Let's tweet and tweet and tweet. Walang katapusang tweet. Mas naeenjoy ko pa ang twitter kaysa sa facebook e. Trip ko lang.

Entry 6

Kanina pa ako sa harap na laptop. Napagalitan na nga ako ng kapatid at nanay ko. Sabi ko e pakialam nila. De joke lang. Ang harsh ko naman. Mabait akong bata. Promise. LOL

Entry 7

Ang boring. Gusto ko na talagang pumasok. Miss ko na mga kaibigan ko. Yung time na after class e sama sama kaming magnanight market tapos may manlilibre pa. Sarap naman nun.

Entry 8

Hindi ako perfect alam ko. Wala namang perfect na tao diba? Bakit puro pagkakamali na lang yung napapasin nila? Hindi man lang nila naaappreciate yung pag aaral ko ng mabuti tapos naging Dean's Lister pa ako tapos parang wala lang sa kanila. Nung first sem nga puro uno ang grades ko at walang dos. Feeling ko lang wala lang sa kanila. Sana hindi ganun.

Entry 9

Diary! Sobrang saya ko!

Entry 10

Hi Diary! Naalala ko lang yung first day namin sa school. First year college ako nun syempre. Tapos yun yung time na nagsimula akong magkacrush sa kanya. Hanggang ngayon nangangarap pa din ako na balang araw mapansin niya ako. Naalala ko nung time na nahuli ko siyang nakatingin sa akin nung NSTP Class namin. Sobrang kinilig ako nun kasi nga feeling ko may crush din siya sa akin kaso habang tumatagal parang hindi naman e. Tapos nung cheerdance namin siya yung nagbuhat sa akin. Sobra talaga akong kinilig dun. Pero syempre inspiration ko na lang siya ngayon kasi studies first muna kasi first priority ko ang maging CPA ako in the future.

A DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon