Entry 21
Good morning! Start na ng summer class ngayon. Excited at kinakabahan na ako. Pagkapasok ko sa school, nag enroll na kami ng mga kaklase ko at sinabi na bukas pa daw ang start ng summer class namin kaya yung iba e nadismaya dahil sayang ang punta nila sa school kaya umuwi na sila.
Entry 22
Dahil ayaw naming masayang ang araw namin ngayon, naisipan naming pumunta sa boarding house ko at kung ano man ang pwedeng gawin. Dumaan muna kami sa ministop at supermarket para bumili ng pagkain. Pagdating namin sa bahay, nanood lang kami ng TV at nagkwentuhan, nag COC, nag facebook, nagtwitter, nag instagram, kumain, nanood ulit at iba pa.
Entry 23
Nang bandang hapon, naisipan naming manood naman ng movie, kaya pinanood namin ang "The Notebook" dahil napanood na namin ang "Love, Rosie". Seryoso naming pinanood ang movie at ang ganda pala ng kwento nito. Yung babae ay naging makakalimutin kaya nakalimutan niya ang asawa at mga anak niya pero hindi nawalan ng pag asa ang asawa niya hanggang hindi bumabalik ang asawa niya. Binabasahan niya ito ng isang kwento, kwento ng buhay nila. Natapos namin iyon ng bandang alas otso kaya nakalimutan namin na may pasok na nga pala bukas. Hinatid ko na sila sa labas at nagpaalam.
Entry 24
It's a new day! Start na talaga ngayon ng summer class namin. First subject, Logic. Diniscuss muna ang Introduction to Philosophy. Second subject, Economics. Palabiro ang teacher namin dito. Haha. Kung ano anong joke ang sinasabi pero at least hindi boring ang klase. Last subject, Math of Investment. Kaso hindi dumating ang prof kaya umuwi na kami.
Entry 25
Pagdating ko sa boarding house. Umulan ng malakas. Mabuti hindi ako naabutan. Naisipan kong mag cutix ng pula. Haha. Bloody red ang kulay kaya nagustuhan ko.
Entry 26
Nawalan ng wifi sa bahay. Kaya nagluto muna ako. Pagbalik ko sa kwarto, nagkaroon na. Mabuti na lamang.
Entry 27
Katext ko ang kaibigan ko. Magdadrama muna ako. Haha. Sabi ko bakit ang daming problema sa buhay? Sabi niya, kailangan lang nating magtiwala sa Kanya, malalampasan natin iyan. Natuwa ako doon. Palagi kasi siyang nagbabasa ng bible kaya medyo nahahawa ako sa kanya. Nagdedevotion siya nung time na katext ko siya kaya sobra akong humahanga sa kanya.
Entry 28
Second day ng summer class. Sana maging masaya ito. Napag usapan nga pala namin na mag bablack kaming damit dahil wala namang prescribed uniform kaya noong nagkasama sama na kami ay para kaming namatayan dahil all black nga kami. Haha.
Entry 29
First at second subject. Medyo boring at kakaantok.
Entry 30
At last. Dumating na ang prof namin sa last subject. Mukhang mabait naman pero talagang napakadisiplinado pala niya noong kinwento niya ang buhay niya at ng pamilya niya. Natandaan ko din kanina na sabi niya ang mga accountancy student daw na katulad namin ay madaling ihandle dahil fast learner daw kami kaya na overwhelmed kami. Haha.
BINABASA MO ANG
A Diary
Teen FictionHindi masamang gumawa ng isang diary. Nakakatulong din ito para may masabihan ka ng problema at mga nangyayari sa iyo bukod sa mga kaibigan, pamilya, o gf/bf mo. Kaya here's my diary! A diary of mine! :)