Entry 31
Grabe naman yung quiz kanina. Kulang na nga sa oras, ang hirap pa. Hindi naman tinuro yung iba. Yun ang mahirap e, aral ka ng aral tapos pagkatapos ng sem malalaman mo hindi yung enexpect mong grades ang makukuha mo. Parang nagpakahirap ka lang sa wala e. Hays.
Entry 32
Ano bang pwedeng scholarship? Bakit kasi hindi kasama sa summer class ang scholarship ko edi sana konti lang babayaran ko. Ganun din naman yun bakit hindi pa nila isinama. Pera lang ba kailangan nila? Parang lahat na lang kailangang bayaran ultimo isang pirasong papel. Sana naman hindi ganun.
Entry 33
Pauwi na ako sa quezon. Yun lang.
Entry 34
Bakit ganun? Parang wala na akong ginawang tama. Lahat na lang mali. Lahat na lang hindi maganda. Kulang na lang parang hindi na dapat ako nag eexist sa mundo. Pinipilit ko namang maging mabuti pero ganun talaga tingin sa akin e. Wala akong ginawang tama. Hindi man lang napapansin ang pag aaral ko ng mabuti. Sabagay, ang mas mahalaga naman sa mundo e magsaya ka lang at ienjoy ang buhay. Di ba?
Entry 25
Masaya. Malungkot. Masaya. Malungkot. Palagi namang ganyan ang araw ko. Masaya nga ako ngayon, maya maya malungkot na naman. Hays.
Entry 26
Nakikinig ako ngayon ng music. Wala lang. Naisipan ko lang. Palagi naman akong nakikinig kasi nga music is my life. Not totally but that's part of my life. Hindi buo ang araw ko pag hindi ako nakikinig ng music. Yun lang. Okay naman ang maghapon.
Entry 27
Ngayon ko lang naalala. Tunay nga. Kapag may umalis, may dadating. Yun kasing si crush ko na first day pa lang ng skul e crush ko na e lilipat ata o magshishift. Siguro hindi niya talaga gusto ang course namin. Sabagay, at least tinry niya. Tapos aalis na nga siya pero may dumating na naman ulit na panibago kong crush. Haha. Akala ko sa isang subject lang namin siya kaklase pero sa lahat pala, as in lahat ng subject namin sa summer. At least may inspiration ako. Inspiration lang naman kasi masyado pa kaming bata para mag girlfriend o boyfriend. Kaya ayun masaya. Haha.
Entry 38
Yung feeling na muntikan ko na siyang makatabi. May vacant seat kasi sa tabi ng kaibigan ko na katabi ko. Sabi niya kung may nakaupo daw, sabi naman ni friend wala daw kaya ayun doon siya umupo. Sayang hindi ako ang nakatabi. Haha. Pero at least malapit siya sa akin. Dati kasi sa malayo ko lang siya nakikita. Chos. Haha. Ngayon e abot tanaw ko na.
Entry 39
Oh. My. G...... Oh My G! Nagkatamaan kami ng tingin ni crush! Siguro mga 2 seconds lang yun pero grabe talaga kinilig ako dun. Haha. Oo na. Ako na ang OA pero kapag kayo ang nakaranas nito, naku magiging OA din kayo. Kaya ayun, masaya ang araw ko.
Entry 40
On the way na kami pabalik sa boarding house. Oo, kasama ko ang kapatid ko. Sana nga ako na lang ang bumalik kasi naman palagi na lang kaming nag aaway ultimo napakaliit na bagay. Hanggang ngayon nga magkagalit pa kami simula kagabi paano naman kasi lagi na lang ipinapamukha sa akin na mali ang ginagawa ko at wala na akong ginawang tama. Ganun ba talaga ang magkapatid? Pero magkakaayos din naman kaagad pero sana naman mag sorry siya. Okay. Nandito na kami. Nalalanghap ko na naman ang simoy ng hangin na medyo malamig kesa sa lugar namin na pagkainit init.
BINABASA MO ANG
A Diary
Teen FictionHindi masamang gumawa ng isang diary. Nakakatulong din ito para may masabihan ka ng problema at mga nangyayari sa iyo bukod sa mga kaibigan, pamilya, o gf/bf mo. Kaya here's my diary! A diary of mine! :)