Entry 101
Hello. Kamusta? Morning. Hay.. Ang daming nangyari. Ang sakit sa dibdib. Natapos din ang first week sa school. Pero ang dami agad nangyari. Yung iba hindi ko talaga maintindihan. Naguguluhan talaga ako e.
Entry 102
Lab-a (Introduction to IT)
Yan. First subject namin. Syempre about computer yan. Pagpasok ng prof umayos na kami ng upo na nakaharap sa kanya kanyang computer. First day kaya wala munang lesson. Getting to know each other muna or let me say getting to know with the teacher to the students kasi nga magkakakilala na kami. 2nd year na kami e except sa mga irregular at transferres. Ayun puro biro lang si sir kaya tawa lang kami ng tawa buong period.
Entry 103
Room 309 (Business Statistics)
Yun ulit ang prof namin. Remember nung summer class? Yung prof namin sa Math of Investment? Yun. Yung magaling magdisiplina. Okay naman ulit. Ganun ulit ang routine. Magdidiscuss si mam then magpapaexercise then quiz then exam pero iba't ibang araw yun syempre.
Entry 104
Room 309 (Pagbasa)
Retired na daw yung prof namin dito pero kinuha ulit siya ng school namin kaya eto, siya ang magiging prof namin. Dahil nga 60+ years old na siya, may mga allergies daw siya. Laging may dalang tubig dahil allergic daw sa pabango. Tapos allergic din sa polbo kaya lipstick lang okay na daw. About sa lesson, mahaba habang discussion ang magaganap dito.
Entry 105
Room 309 (PDVI)
Wew. Wew talaga. Ang subject na ito ay personality development. Sabi ng prof namin idedevelop daw niya ang mga personality namin. Basta sobrang dami naming napulot na aral at mga sinasabi niyang tumatama sa aming dibdib. Noon ko lang napatunayan na sobra, sobra talaga ang pagkakaiba iba ng mga personality ng mga tao. May mga maiingay, tahimik, mahilig sa mga extreme na experiences, meron namang mga book lover at school bahay lang, merong sociable at hindi, basta sobrang dami. Ikaw? Anong personality mo? Ako kasi sana mabuo sa subject na to kasi hindi ko pa talaga maintindihan ang tunay kong personality.
Entry 106
Vacant. Ang tambayan ng mga accountancy student? Library. Medyo boring talaga ang buhay namin pero after naman ng matinding pag aaral ng mga makakapal na libro, pwede na kaming magsaya. Kaya for the mean time kailangan naming mag aral.
Entry 107
Room 312 (Advanced Accounting)
Election muna daw bago magquiz. Dahil dalawa ang section namin, magkalaban pala kami ng friend ko na nasa kabilang section. Sayang naman. Ayun nag botohan na. Akalain mo naging muse pa nga ako. Bahala na si batman sa akin kung matutuloy yung program na sasalihan namin.
Entry 108
Pagkatapos ng election, tuloy quiz agad. Thirty minutes na lang ang natitira kaya konti lang ang pinasagutan. Pero nung binasa ko ang sasagutan, nablanko ang utak ko. Hindi ko alam ang pinagsasagot ko. Feeling ko zero ako dun. Sobrang dami kasing iniisip.
Entry 109
Gymnasium. Bandang 1:30 pm nagsimula na ang program. Orientation lang para sa mga freshmen at transferees. Kami namang mga old student ay nakikinig din. After ng orientation, nagkaroon naman ng assembly bawat organization. At dahil madami ang mga kumuha ng BSA, sa gym ang venue namin. Yung iba e sa building ng college. Nag bigay lang ng award at pinakilala ang mga new ellected officers tapos may mga games din at pinakita ang magiging bagong org shirt. Guess what? Dahil second year kami, yellow ang magiging kulay pero sana maganda naman kahit papano. At dahil gabi na nga, inend na din ang program.
Entry 110
All in all, ang dami kong nalaman, natutunan, narealize, at iba pa. Higit sa lahat, ang narealized ko ay walang permanente sa mundo kundi pagbabago. Dati kasi parang ah oo ganun nga yun pero kapag naranasan mo talaga ang pagbabago ng mga tao sa paligid mo dun mo talaga maiintindihan ang kasabihang iyon. Pero ganun talaga ang buhay e. Akalain mo sobrang saya ko nung first day as in sobra talaga pero sa isang iglap nawala na lang bigla. Akala ko kasi buonh semester na masaya ang buhay ko pero dahil sa isang balita na ipinalaganap feeling ko magiging miserable ang buhay ko buong semester. Alam nyo kung bakit? Pinaghiwalay kasi kami ng kaibigan ko ng section. Mahirap. Kasi siya na halos araw araw ang kasama ko sa school kaya feeling ko nawawala na ang closeness namin sa isa't isa. May mga new friends naman pero iba pa rin yung closeness namin e. Buhay talaga oh! Syete naman e. Gusto ko na talagang umiyak e. Pero pilit kong pinapatatag ang loob ko. Kailangan kong magfocus sa pag aaral. Yun na lang siguro. Godbless everyone!
BINABASA MO ANG
A Diary
Teen FictionHindi masamang gumawa ng isang diary. Nakakatulong din ito para may masabihan ka ng problema at mga nangyayari sa iyo bukod sa mga kaibigan, pamilya, o gf/bf mo. Kaya here's my diary! A diary of mine! :)