Entry 81-90

4 0 0
                                    

Entry 81

Hi! June 1 ngayon. Pasukan na ng ibang school. Kami, 2 weeks pa bago magpasukan. Extended pa ang summer vacation. For sure hectic na naman ang schedule pag start na ng klase. Kaya chill chill muna ngayon.

Entry 82

Hello! Kwento ko nga pala yung nangyari sa youth camp namin. 5 am gising na agad ako excited e haha. Naayos ko na naman mga gamit ko kaya ready na ako mamaya. :)

Entry 83

Day 1. First day pa lang, excited na kaming lahat. Syempre once a year lang mangyayari ito e. Ayun seminar lang maghapon then tulog na syempre dinner muna and pray. Tapos nung matutulog na grabe siksikan kami sa kama buti na lang medyo lumuwag ng konti kaya medyo nakatulog naman ng ayos.

Entry 84

Day 2. Ayan nagising kami ng bandang 3 am. Syempre kailangang maligo. Grabe halos 3 hours lang ang tulog namin. Ay bangag haha. Pagkatapos nag group devotion muna then breakfast tapos seminar ulit tapos sa hapon naman ang mga activities.

Entry 85

Continuation. After lunch nagstart na ang mga games: basketball, volleyball, swimming, quiz bee, badminton, etc. Yung iba natulog na lang syempre 3 hours ba namang tulog haha.

Entry 86

Ayan ang pinakahihintay ng lahat. After ng sports, battle of the bands naman at singing and dance contest at syempre ang Mr. and Ms. Sobrang enjoy ang lahat inabot nga ng 2 am bago matapos ang lahat ng activities.

Entry 87

Day 3. Aww. Last day na. Bandang 6 am kami nagising tapos naligo na ulit at nag breakfast. Nakalimutan ko sa resort nga pala ginanap ang camp sa Sariaya, Quezon.

Entry 88

Dahil last day na, swimming na ituuu! haha. enjoy talaga lalo na at summer. Kaya sinulit na ng lahat ang last day.

Entry 89

Syempre about kanino nga ba ang camp? Syempre kay Lord! Tinuro sa amin kung paano lalong mapalapit kay God ganun din kung paano namin mararamdaman ang presensiya Niya. Itinuro din sa amin kung ano ang purpose namin sa buhay, mga dapat katakutan at hindi at iba pa.

Entry 90

Masasabi ko talaga na madami akong natutunan. Mas napalapit ako kay God. Mas naunawaan ko kung ano ba talaga ang purpose ko. Kung paano dapat tayong magtiwala at maniwala sa Kanya dahil "Nothing is impossible with Him." Kaya sobra kaming blessed na nga kabataan dahil naramdaman namin ang presensiya na. Kaya sobrang memorable sa akin yun lalo na at first time kong makaattend ng ganun kaya I feel so blessed. :)

A DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon