CHAPTER 33: COFFEE DATE

137 9 0
                                    

AUTHOR POVS


Nasa isang malapit na Coffee Resto sila Jimin at Jungkook. Nagtataka pa rin si Jimin kung bakit inaya sya nang VP nang kompanya sa gantong date.


"Matagal ka na pala sa kompanya, Ms. Park." pag-uumpisa ni Jungkook ng usapan.


"Ahh opo, Sir." nahihiyang sagot naman ni Jimin.


"Nah! Don't call me, Sir. Wala naman tayo sa office. Just call me Jungkook." sambit ni Jungkook.


"O-okay, Ju-Jungkook." nahihiya pa rin sagot ni Jimin.


"Good day, Ma'am and Sir!? Can I take your order?" tanong na sa kanila ng waiter.


"Ano order mo?" tanong ni Jungkook kay Jimin.


"Uhm.. Ice Americano." nakangiting sagot ni Jimin sa kanya.


"Yun na rin akin." sabi ni Jk sa waiter.


Atsaka umalis ang waitress.


"Are you uncomfortable with me? Its fine kung oo?"


Sa tanong ni Jungkook kaya bigla nakaramdam ng taranta si Jimin.


"Ahh hindi po! Hindi hehe!" ramdam ni Jimin ang hiya na ngayon. Naalala nya kasi ang Jungkook sa ibang mundo.


"Jimin, can I ask you something? Kung hindi ka comfortable sa tanong ko pwede mo naman wag sagutin." tanong ni Jk.


"Ahh ano po ba yun, Jungkook?" taka tanong ni Jimin sa kanya.


"Uhm.. nung una mo kaming nakita. You said my name before Bo Gum introduces me. Kilala mo na ba ako bago tayo nagkita? Or Nagkita na tayo noon pero hindi ko lang matandaan?" may halong pagtataka si Jungkook. Hindi nya kasi inaasahan na may makakakilala sa kanilang dalawa ni Yoongi.


"Ahh hehe! Sorry po dun!" napa bow na lang ng ulo si Jimin.


"Its okay. And.. kilala mo rin agad si Yoongi. I'm sorry for asking you this ahahhah! Kasi curious talaga ako." napakamot nalang ng ulo si Jungkook sa hiya nya sa pagtatanong.


"Ahh.. kasi po.."


'ANO BA IDADAHILAN KO!?'


Hindi na alam pa ni Jimin kung ano ang idadahilan nya kay Jungkook.


"May kakilala po kasi ako.. kamukha nyo po kasi ni President and kapangalan din kaya po.. akala ko kayo yun." pagdadahilan nya.


" Talaga? Gwapo ba ang Jungkook na kapangalan ko at kamukha? Ahhahaha!"pagbibiro nya kaya natawa si Jimin.


TWO WORLDS (YOONMIN AU BOOK 2)Where stories live. Discover now