CHAPTER 43: IN ANOTHER LIFE

109 7 0
                                    

AUTHOR POVS

Naglalakbay mag isa si Hoseok. Gusto nya makita ang mundo ng mga tao na mag isa lamang sya. Kahit ito ang unang pagpunta nya sa mundo nang mga tao para ba’y wala lang sa kanya kung maligaw sya.

Habang busy si Hoseok ilibot ang paningin nya sa mataas na building hindi na nya napansin nakapunta na sya sa isang malawak na lupain. Sa isang Park.

"Woah.. para ba’y ganito kalawak ang lupa nang palasyo ko."

Sa sobrang mangha ni Hoseok makita ang paligid hindi na naman nya napansin na may nabangga na sya. Nasaktan ang babae na nabangga nya kaya bigla nataranta si Hoseok.

"Ipagpaumanhin mo, binibini.. hindi ko tinitignan.."

Napahinto si Hoseok sa pagsasalita nang mamukaan ang babaeng nabangga nya.

"Yoonji?" Nanlaki ang mata ni Hoseok makita ito.

Samantala napakunot ang noo ni Yoonji.

"Who you?" Tanong ni Yoonji na may pagkamalditang pagkakatanong.

Nagulintang si Hoseok subalit napagtanto nya na magkaiba ang Yoonji na nakilala nya noon at ang Yoonji na kaharap nya ngayon. Gayunpaman, hindi mawari sa kanilang dalawa ang emosyon nang magkita sila muli matapos ng ilang taon na nakalipas. Nagkatitigan sila pareho ni Yoonji at sabay sila napaluha.

Kahit nagtataka si Yoonji kung bakit na naman sya napapaiyak at nakakaramdam nang masakit sa dibdib nya tuwing nakikita si Hoseok.

Sa sabik ni Hoseok mayakap muli si Yoonji hindi na nya napigilan ang sarili nya at niyakap nang mahigpit si Yoonji. Nagulintang si Yoonji ngunit hindi nya mapigilan o mailayo si Hoseok sa kanya. Bagkus, niyakap nya rin ito nang mahigpit at napaiyak lalo.

"Mahal ko.. sa wakas nagkita na tayo muli.."

Sambit ni Hoseok habang magkayakap silang dalawa nang mahigpit.

AUTHOR POVS

IN SOMEONE’S PLACE

"May mahal syang iba.."

Sambit nang babaeng nakapula ang damit sa kanyang kaibigan na babae na nakasuot nang puting damit.

"Sino!?"

Inis na tanong nang babaeng nakaputi.

"Isang mortal.. ang unang babaeng minahal nang hari.."

Sagot nang babaeng naka pula.

Napangisi ang babaeng nakaputi at umalis sa lugar nang kaibigan nya. Pumunta sya sa lagusan kung saan walang nagbabantay. Pumasok sya sa mundo nang mga tao at balak hanapin ang hari kasama na rin ang babaeng minamahal nya.

_

Pagpasok nang office ni Jimin at Yoongi nagtaka ang lahat nang staffs kung bakit sila magkasama. Lalo na si Eunwoo na nakakunot ang noo habang tinitignan ang masayang mukha ni Jimin.

Nilapitan ni Eunwoo si Jimin.

"Magkasama ata kayo ni Sir..?" Tanong  nya kay Jimin.

"Ow.. yeah.. uhm.. well.. nagkasabay kami sa labas." Pagdadahilan na lamang nya.

"Ow.. nagkasabay.." sagot nya kasabay pa ng pagtango.

"Opo.. Sir." And Jimin gave a awkward smile.

"O…kay.. but ahm.. can I talk to you.. later? After.. maybe.. work?" Tanong nito muli.

"Yes! Sure, Sir!" While nodding.

TWO WORLDS (YOONMIN AU BOOK 2)Where stories live. Discover now