CHAPTER 48: FIGHT FOR LOVE

99 8 0
                                    

AUTHOR POVS

Bumalik sa palasyo si Irene at nakita ang kapatid nyang si Vernon.

"Irene mag usap tayo." Sambit ni Vernon sa kapatid.

Pumasok sila sa isang kwarto.

"Hindi na matutuloy ang kasal." Sagot ni Vernon.

"Bakit?" Nagulintang na tanong ni Irene.

"Itinigil ko na. Alam ko mahal mo sya subalit.. hindi kaya nang hari pakasalan ka. Patawad –"

Hindi na natuloy ang sasabihin pa ni Vernon.

"Hindi maari ito! Sana’y pinagpilitan mo mahalin nya ako at pakasalan! Simula nung mawala ang ating pamilya si Hoseok ang umalalay sa atin umangat muli. Dahil doon nagustuhan ko sya. At saka.. may pangako ang pamilya nya sa atin na ipapakasal ako sa kanya!" sigaw ni Irene sa kanya.

"Irene, hindi natin mapipilit ang ayaw. Makakahanap ka pa nang iba." Vernon said. Pero umiling sa kanya si Irene.

"Pero sya lamang ang gusto ko! Aish!"

Umalis sa kwarto si Irene at pumasok sa trono ni Hoseok.

"Bakit ayaw mo magpakasal sa akin!?" Sigaw nya agad kay Hoseok.

"Ikaw pala.. Prinsesa Irene.. ipagpaumanhin mo ang naging desisyon ko. Alam ko na ika-"

Hindi na natuloy pa ang sasabihin nya ng putulin ito ni Irene.

"Dahil ba ito kay Yoonji!?"

Biglang nagtaka si Hoseok.

"Paano mo nalaman ang kay Yoonji?" Nagtatakang tanong ni Hoseok.

"Ahahhaha! Sino ba naman hindi makakaalam sa unang mong minahal!? At ang nakakalungkot nyong istorya!? May nangyaring gulo sa bayan na Valcan at namatay ang nararapat na maging asawa mo! Ahahhaha!" At humalakhak ito na para ba'y nababaliw.

"Itigil mo ito, Irene." Nanggagalaiti na sabi sa kanya.

"Irene! Itigil mo na!"

Sigaw ni Vernon sa malayo.

"Ang kailangan ko lang naman ang pagmamahal mo.. at ipakasal ka sa akin. Nangako ka –"

Hindi naman natuloy pa ang sasabihin ni Irene.

"Ang aking ama ang nangako sa pamilya mo na ipapakasal ka sa akin. Subalit, hindi ko kayang magpakasal. Ipagpatawad mo, Irene." At yumuko pa ang ulo ni Hoseok para sa pagpapatawad.

"Hindi! Alam ko ang dahilan kung bakit ayaw mo magpakasal sa akin! Dahil ang taong minamahal mo noon nabuhay muli! At sya pa rin ang gusto mo!"

Nanlaki ang mata ni Hoseok.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa pagkabuhay nya muli!?" Nagtatakang tanong ni Hoseok.

"Dahil.. nasa akin sya ahahhah! Winasak mo ang puso ko.. Hoseok.. ngayon.. magbabayad ang pinakamamahal mo na si Yoonji."

Naglaho nang parang abo si Irene.

"Ano ang ginawa mo, Irene..?" Nagulintang na sambit ni Vernon.

"HANAPIN SI IRENE! PATI NA RIN ANG DINUKOT NYANG TAO!"

Utos ni Hoseok sa mga kawal. Ngunit bago pa makaalis ang mga kawal naglaho bigla ang kawal. Puro dugo ang paligid galing sa mga kawal. May isang babae ang naglalakad na duguan ang katawan dahil sa pakikipaglaban.

"Yeji..?" Bungad ni Hoseok sa kapatid.

"Ahahhah! Kamusta kapatid ko? Nagagalak mo ba ako makita!?" Sigaw nito.

TWO WORLDS (YOONMIN AU BOOK 2)Where stories live. Discover now