CHAPTER 45: KAIBIGAN

92 6 0
                                    

AUTHOR POVS

Magkasama sila Jin, Taehyung, Jungkook, Yoongi at Jimin. Balak nila mamasyal ngayon. Habang naglalakad na sila papuntang Restaurant muna napadaan sila sa Park na tambayan ni Jin at NJ. Subalit sa hindi inaasahan nagkita silang apat at Namjoon. Nagulintang si Yoongi, Jimin at Jungkook nang makita si Namjoon.

"Hello, Jin!?"

Bati ni Nj nang makita si Jin. Nilapitan ni Namjoon si Jin at niyakap nang mahigpit. Tapos nagawi ang tingin ni Namjoon kay Jungkook.

"Hi? Hm.. you look familiar."

Ngunit hindi nakasagot si Jungkook bagkus nakatitig lamang sya kay Nj.

"Tiyo.."

FLASHBACK

VALCAN

Matapos makabalik ni Jimin sa mundo nang mga tao. Tuloy pa rin ang kaguluhan sa bayan. Si Jungkook hinabol ang tiyo nya na tumatakas palayo sa palasyo at bayan. Napunta sila sa kagubatan. Mabilis ang pagtakbo ng kabayo ni Jungkook kaya nahabol nya ang kabayo ni Namjoon. Tinulak sya ni Namjoon nang malakas ngunit hindi ito napatumba si Jungkook. Nang itulak sya ni Jungkook tumumba sya kasama ang kabayo. Bumaba nang kabayo si Jungkook at itinutok agad ang matalim nyang espada.

"Sumuko ka na, Tiyo." Pagmamakawa na ni Jungkook.

"Haha! Hindi ko na kaya.. Jungkook. Patayin mo nalang ako."

"Tiyo, sumuko ka nalang!" Sigaw na nito.

"Kung hindi mo ako papatayin.. ikaw ang mamamatay."

Kinuha ni Namjoon ang kanyang espada at tinutok rin kay Jungkook. Hindi gusto labanan ni Jungkook ang kanya Tiyo ngunit pinilit sya nito. Naglabanan silang dalawa at nagkasugatan. Matapos ang ilang labanan natamaan ni Jungkook si Namjoon sa tyan nito. Napaatras si Namjoon sa sakit na natamo nya.

"Hehe.. tama nga ang kapatid ko.. magiging magaling kang sundalo katulad nya." At ngumiti ito sa kanya.

Napaluha na lamang si Jungkook habang pinagmamasdan ang kanyang Tiyo.

"Nakikiusap ako tiyo, sumama ka na sa akin at sumuko sa mahal na hari."

Hindi gusto ni Jungkook makipaglaban sa kanyang Tiyo. Ngunit pagod na rin si Namjoon at gusto na nya sumuko ngunit sa ibang paraan.

"Ahhaha! Nakakatuwang pangyayari, tama ba? Hindi natin inaasahan na sa huli magpapatayan tayong dalawa. Masaya ako tinuring mo akong ama, kaibigan, tiyo, at kapatid." At doon tumulo ang luha ni Namjoon.

"SUMAMA KA NA SA AKIN!" Sigaw ni Jungkook sa kanya subalit umiling lamang si Namjoon.

"Patawad, pamangkin. Sana sa susunod ko na buhay. Hindi tayo umabot sa ganito muli. Masaya ako napalaki kita nang maayos. Patawarin mo ang Tiyo mo. Naging sakim ako. Hindi kita gusto masaktan Jungkook. Gusto kita ilayo sa akin kaya kita kinulong. Hindi ko gusto umabot tayo sa ganito." sambit nito.

"Kaya sinasabi ko sayo sumama ka na sa akin." Bumuhos ang luha ni Jungkook.

"Huli na ang lahat.. paalam."

At sa huling salita nito dumanak ang dugo ni Namjoon. Sinaksak nya ang kanyang sarili. Nanlaki ang mata ni Jungkook sa kanyang nasaksihan. Nabitawan ni Jungkook ang kanyang espada nang bumagsak paluhod ang kanya tiyo. Nakasaksak mula sa puso ni Namjoon ang sarili nyang espada.

"Hindi.. hindi.. Tiyo makinig ka sa akin. Kaya mo ito. Magagamot ka. Mabubuhay ka. Tiyo –"

Napahinto sa pagsasalita si Jungkook nang hawakan ni Namjoon ang kamay nya.

"Magkikita muli tayo."

At ngumiti ito sa kanya bago tuluyan mawalan nang buhay. Doon na rin bumuhos nang iyak si Jungkook habang pinagmamasdan si Namjoon na wala nang buhay.

"Jungkook?"

Napatingin si Jungkook kay Jin na kasama ang mga kaibigan nya rin. Napaluhod si Jin nang makita ang nakasaksak sa puso ni Namjoon at ang walang buhay nito.

"HINDI!!!"

Napasigaw sa kalungkutan si Jin habang tinitignan ang kanyang mahal.

END OF FLASHBACK

Hindi na napansin ni Jungkook ang tumulong luha sa kanya habang nakatingin sya kay Namjoon. Hindi lang ang alaala na namatay si Namjoon ang kanyang naaalala nya kung hindi ang mga alaala na masayang kasama si Namjoon.

Hindi na napigilan ni Jungkook yakapin nang mahigpit si Namjoon.

"Ow!"

Gulat na sambit ni Namjoon nang yakapin sya nang mahigpit ni Jungkook.

"Masaya ako makita ka muli." Sambit ni Jungkook at niyakap pa nya ito ng mahigpit.

Hindi rin alam sa sarili ni Nj kung bakit niyakap nya rin si Jungkook ng mahigpit.

"Well.. uhm.. kid.."

Inilayo na ni Nj sa kanya si Jungkook.

"Nagkita ba tayo?" He asked curiously.

And Jungkook chuckles.

"Oh.. ahhahaha! I'm sorry.."

Napakamot ulo na lamang si Jungkook ng maalala ibang Namjoon na ang nasa harap nya.

"You.. just look like my uncle. I'm sorry i hugged you." Jungkook said.

"Ahahaha! Its nothing! Ahahaha! I can be your uncle naman if gusto mo ahhaha!" Nj just laughed.

"Ahahahha! Magandang idea rin po!" And Jungkook smile.

Jungkook knows kung gaano sya kasaya ng makita muli si Namjoon.

TWO WORLDS (YOONMIN AU BOOK 2)Where stories live. Discover now