CHAPTER 38: CLOSE FRIENDS

109 8 0
                                    

JIMIN POVS

Dahil nangako sa akin si Yoonji na babawi sya sa akin dahil sa pag-iwan nya sa akin nag text sya sa akin na magkikita kami mamaya para uminom sa labas. Pumayag na ako sa alok nya uminom sa labas dahil alam ko pipilitin lang ako nun sumama sa kanya para ilbre.

Nandito ako ngayon sa office.. medyo awkward kapag nakikita ko si Yoongi. Ang awkward kasi.. umiyak ako sa harapan nya. Haysst!

AUTHOR POVS

Sa kabilang mundo. Gumawa nang portal si Jin papunta sa mundo nang mga tao. Si Jin na Elf kayang gumawa nang portal kung saan dahil yun ang isa sa mga abilidad nya bilang taga bantay nang lagusan.

"Handa ka na ba makita ang mundo nang mga tao, Hoseok?" Tanong ni Jin sa mahal na hari.

"Oo naman!"

Pumasok sila sabay sa loob nang lagusan at ilang segundo lamang ay nakapasok na sila sa mundo nang mga tao.

Bumungad sa kanila ang magandang babae at nakangiti pa.

"Binibining Taehyung.. " bati ni Hoseok.

"Mahal na hari.. nagagalak kita makita sa mundo nang mga tao." At nag bow pa ito upang paggalang sa hari.

"Salamat, binibini. Hayy.."

Napatingin si Hoseok sa paligid nya. Hindi sya makapaniwala dahil ito ang unang beses na makita nya ang mundo ng mga tao.

"Oo nga pala, Jin? Bakit ganyan pa rin kahaba ang buhok nyo?"

Takang tanong ni Taehyung sa dalawa. Napansin nya kasi ang mahabang buhok nang dalawa.

"Nakalimutan mo ba..? Bawal gupitin ang buhok namin dahil nasa tradisyon na ito nang lahing Elf at ang hari hindi nya maaring gupitin ang buhok nya dahil itinakda syang hari nang ganyan at nakilala sya sa ganyang itsura." Sagot agad ni Jin.

"Ganoon ba? Hayaan na natin." At natawa nalang si Taehyung.

"May itatanong lang ako.. bakit nyo ako dinala sa mundo nang mga tao." Nagtatakang tanong ni Hoseok sa dalawa.

"Malalaman nyo rin po, kamahalan." Sagot sa kanya ni Taehyung na may ngiti sa labi.

Nag-umpisa na sila maglakad at inilibot nang dalawa si Hoseok sa mundo nang mga tao.

"Alam nyo naaalala ko ang sinabi ni Ama na kaya hinati ang mundo natin sa kanilang mga tao ay dahil upang mabalanse ang mundo nang dalawa." Sabi nya sa sa dalawa.

"Oww.. tama po kayo.. nakwento rin sa akin ni Ama ang tungkol dyan." Sambit ni Taehyung.

" Talaga?" Hindi makapaniwalang nasabi ni Hoseok.

"Opo.." sagot ni Taeh.

"Sino ba ang iyong ama?" Tanong muli ni Hoseok.

"Si Jun po." At ngumiti si Taeh.

"Jun? Pamilyar..?" Bigla na lamang napakunot noo si Hoseok.

Tumingin na lamang sa paligid si Hoseok tuwang - tuwa sya nang makita ang matataas na gusali at ang mga tao na naglalakad. Nang.. matingin si Hoseok sa building at natapat ang tingin nya sa babaeng may kausap sa cp.

Nawala ang ngiti nya nang makita nya ang babae.. may bigla rin tumulong luha sa kanyang kanan na mata.

"Yoonji..?"

Ngunit kahit mahina lamang nasambit ni Hoseok ang pangalan nya napatingin pa rin sa kanya si Yoonji.

Napatitig lamang si Yoonji kay Hoseok atsaka may tumulong luha na rin sa mata nya. Nagtaka si Yoonji sa bigla nyang pag iyak kaya lumayo sya nang tingin kay Hoseok at pumasok sa building na kanina lamang tinitignan ni Hoseok.

"Si.. Yoonji..?" Hindi makapaniwalang sabi ni Hoseok.

YOONJI POVS

Narinig ko ang pangalan ko kung saan kaya napatingin ako sa lalaking nakatingin rin sa akin. Hindi ko alam sa sarili kung bakit bigla bumigat ang pakiramdam ko at gusto kong umiyak. Mas lalo ako nagtaka nang tumulo na nga ang luha ko habang nakatingin pa rin ako sa kanya.

Pinunasan ko ang luha ko at hiniwalay ang tingin sa lalaki. Pumasok ako sa building kung saan nagtatrabaho si Jimin.

Bakit hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang mabigat na pakiramdam? Feeling ko nakita ko na ang lalaking yun kung saan. Bumukas ang elevator sa floor ni Jimin. Sakto at nasa labas sya nang office nya syempre tinawagan ko sya kanina lang.

"Oi? Bakit parang umiyak ka?"

Nahalata nya agad!? Bilis naman!

"Ahh eto ba.. malay ko ba.. may nakita lang ako kaninang lalaki bigla nalang ako napaiyak." Natatawa ko nalang sabi sa kanya.

"Ang weird naman nun." Napakunot tuloy ang noo nya.

"Sobrang weird.. oi! Lika na libre na kita!" Aya ko na.

"Ngayon na ba!? Oh, sige! Kukunin ko lang gamit ko!"

Pumasok sya ulit sa office.

Napahawak ako sa puso ko.. nagtataka ako bakit ang sakit nya? Ang weird naman..

_

JIMIN POVS

Nagkainuman kami ni Yoonji sa isang restaurant kung saan iniwan nya ako mag isa. Medyo marami na ako nainom kaya.. may pagka - lutang na ako.

"Jimin?"

Napatingin ako sa lalaking tumawag sa akin. Si Yoongi pala at Jungkook!

"Hi! Guys!" Bati ko sa kanila.

Binati nila ako at si Yoonji. Nagkasama kami sa iisang lamesa at nagkaroon nang kwentuhan.

_

Sobrang lasing na ata ako.. lasing na ako diba? Naka ilang bote na ba ako!?

"Hey.. okay ka lang? Lasing ka na ba?" Tanong sa akin ni Yoongi.

Nang makita ko ang kamukha ni Yoongi bigla na naman ako napaiyak.

"Oh no.." si Yoonji.

"Bakit?" Narinig ko tanong naman ni Jungkook.

"Uhm.. broken?" Sagot naman ni Yoonji.

"Jimin? Tahan na..." malumanay pa sabi sa akin ni Yoongi.

Pero hindi ko magawa! Waaah! Hinampas ko sya sa braso nya.

"Bakit kasi! Ikaw pa! Bakit kasi kamukhang - kamukha mo sya!? Hindi mo ba alam kung gaano ako nasasaktan nang.. makita ko sya sayo!? Hindi mo ba alam kapag nakikita kita lalo ko lang sya namimiss!? Alam mo ba kung gaano kasakit yun!? Alam mo ba!?" Inis ko angal sa kanya.

" Jimin! Tama na.." pag aawat na nya sa akin.

"Huhu.. Yoongi.." pero hindi ako tumigil at lalo lang umiyak.

"She's really broken." Yan ang narinig ko sabi ni Yoonji.

TWO WORLDS (YOONMIN AU BOOK 2)Where stories live. Discover now