CHAPTER 37: I MISS YOU

101 8 0
                                    

JIMIN POVS


Pinakita nya sa akin ang kwarto na matutulugan ko ngayon. Grabe ang daming kwarto nang bahay nya pero nag iisa lang sya dito.


"Goodnight." bati nya sa akin.


"Goodnight." ngumiti ako sa kanya bago isinarado ang pinto ng kwarto.


THE NIGHT


A sound of chipping birds at Jimin's window but still she's sleeping..


"Pa-pangako.. magkikita tayo at kapag nangyari yun hindi kita iiwan. Ito.."


May kinuha si Yoongi sa bulsa nya at inilabas ang baby's breath flower. Napangiti naman ako nang maalala ang bulaklak.


"Upang maalala mo ako.."


Lalo napaluha nalang ako sa sinabi nya..


"Pakiusap.. Yoongi wag mo ga-gawin ito..."


Hinawakan ko ang pisngi nya.


"Pakiusap sumama ka na lamang sa akin.. wag mo ako iwan.. please.. please.. Yoongi..."


Bumuhos ang luha naming dalawa. Hinawakan ni Yoongi ang kamay ko na nasa pisngi nya.


"Sa maikli natin pagsasama.. hindi ako nagkaroon nang pagsisisi na nakilala kita.. patawad.. patawad sa ngayon.."


Hinawakan ni Yoongi ang dalawang pisngi ko kaya lalo bumuhos ang luha ko dahil alam ko na ang mangyayari sa aming dalawa.


"Huwag.."


Hindi ko kayang umalis.


"Mahal kita.."


At pareho kami lumubog sa tubig atsaka ako hinalikan ni Yoongi. Humalik ako pabalik.


"Jimin gising!"


Nang marinig ko ang boses ni Yoongi nagising ako mula sa aking panaginip. Nang mapagtanto ko na panaginip lamang yun napaluha agad ako. Panaginip lang yun.. hindi totoo nagkita kami ulit!


Bigla na lamang tumulo ang luha ko. Hindi kami nagkita muli..


"I miss you! I miss you so much! Please.. gusto kita makita ulit!"


Sambit ko habang yakap – yakap ang Yoongi na hindi na nakilala ko sa other world.


"Jimin.. tumahan ka na.. nandito lang ako.."


Tinapik – tapik nya ang likod ko kaya lalo lang ako napaiyak.


"I miss him.. please.. let me see him just once!"


Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako ganto.. bakit inilalabas ko ang lahat nang nararamdaman ko sa kasama kong Yoongi ngayon. Dahil sa Yoongi ngayon mas lalo ko lang namimiss ang lalaking minamahal ko sa ibang mundo. Mas lalo ko lang naalala lahat nang pinagsamahan namin kapag nakikita ko sya.


"Hey.. ano ang problema? Tell me? Jimin!?"


Niyakap ko pa sya nang mahigpit.


"Yoongi.. I miss you.."


At dahil sa sobrang pag iyak ko bigla ako bumagsak.


_


MORNEENG!


Nahihiya ako kay President Yoongi.. ang drama ko kagabi. Bakit ba kasi ganto ako!? Nakakahiya Jimin!


Inabutan nya ako nang kape at umupo sa harapan kong upuan.


"I'm sorry.. President about.. last night."


Nakayuko ako habang sinasabi yan sa kanya. Nakakahiya naman kasi talaga.


"Bakit mo tinatawag ang pangalan ko?" yaan kaagad ang tanong nya sa akin.


Hayy nako.. paano ko ba ipapaliwanag sa kanya!?


"Uhm.. kasi po.."


Hindi ko alam ang dadahilan ko..


"Hayy nevermind.. why am I asking you.. its your personal. But.. pangalan ko ang sinabi mo? Why? Sinasabi mo wag kita iwan.. at sumama ako sayo? And you even said na miss mo ako?" halata sa impression ng mukha nya nagtataka sya.


HAIST! ANO BA IPAPALIWANAG AKO!?


"I'm sorry.. pero.. ibang Yoongi ang tinutukoy ko. Ang lalaking.. una kong minahal.. kapangalan nyo sya at.."


Bakit ko ba pinapaliwanag sa kanya ito!?


"Ibig mong sabihin..? May kapangalan ako at iyon ang lalaking mahal mo. Sya ba ang tinutukoy mo na hindi kayo maaring magsama?"


Tumango agad ako.


Nagkaroon nang katahimikan saglit.


"Kung ako nasa kalagayan nang Yoongi na yan.. at kung mahal ka nya talaga.. mamimiss rin kita lalo na at hindi tayo maaring magsama. Ngunit.. gagawa ako nang paraan upang magkita muli tayo. Dahil kung mahal ka nya.. gagawin nya ang lahat upang makasama ka nya muli."


Parang gusto ko umiyak sa sinabi nya.


"Kung tinadhana talaga kayo para sa isa't isa.. magtatagpo at magtatagpo kayong dalawa. At kapag nangyari yun.. ibig sabihin nun nasa tamang oras na kayo para magsama na dalawa at umpisahan ang lahat sa bagong pahina nang buhay nyo."


I chuckles sa sinabi nya.. parang sya ang kakilala kong Yoongi sa ibang mundo. Masyadong malalim magsalita.


"Hehe.. just smile.. kahit konti lang.. magsasama rin kayong dalawa sa tamang oras."


And he gave me a comfort smile.

TWO WORLDS (YOONMIN AU BOOK 2)Where stories live. Discover now