CHAPTER 47: EXPLAIN

94 7 0
                                    

JUNGKOOK POVS

Nasa bahay ako at nagmumukmok. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari.

"Jungkook!?"

Narinig ko ang natatarantang boses ni Taehyung.

"Bakit ka umalis!? Bakit hindi ka naghintay nang explanation nya!?" Inis nyang sigaw sa akin.

"Hindi ko kayang makinig sa kanya." Sagot ko nalang.

"Bakit!? Dahil galit ka ba kay Ama!?" Sigaw na naman nya.

"Stop calling him Father! At hindi ako galit sa kanya. Tanggap ko na matagal na sya nawala sa buhay ko. Taehyung! Ilang taon sya wala sa tabi ko at sa mga taon na yun si Tiyo ang nasa tabi ko. Ang kwento sa akin ni Tiyo namatay ang aking ama sa digmaan. Kaya tinanggap ko kahit masakit sa akin. Pero ngayon makikita ko sya at may anak na.. minahal ko!?" Naiinis ko sagot sa kanya. Naiinis ako dahil sa sitwasyon namin ngayon!

"Galit ka ba dahil.. sa akin?" She said. Umiling naman ako.

"Hindi.. hindi sayo.. Kundi dahil anak ka nya! Okay lang kung may anak syang iba! Pero.. mahal kita.. mahal kita.. pero hindi tayo pwede."

But instead na malungkot si Taehyung, napangiti ito sa sinasabi ko.

"Bakit ka nakangiti?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Mahal mo talaga ako?" She said. I nodded.

"Oo! Mahal na mahal kita!" May kuryosidad pa rin ako pero sinagot ko pa rin sya.

"Sure ahh?" Sinigurado nya pa talaga.

"Oo nga! Pero hindi tayo –"

Hindi na natuloy ang sasabihin ko nang halikan ako ni Taehyung.

"Jungkook.. mali ang iniisip mo." Sabi nito kaya nagtaka na naman ako.

"Ano?" Tanong ko.

"Kailangan mo nang explanation galing mismo sa ama mo. Kaya ko sya dinala dito."

Tinuro ni Taehyung ang isang pinto at nang bumukas iyon lumabas ang aking ama.

"Anak.." sabi nya agad sa akin.

"Ano ba itong nangyayari?" Tinanong ko si Taeh.

"Anak.. hayaan mo ako magpaliwanag."

Tinignan lang ko sya saglit saka tumango.

"Anak Jungkook.. hindi mo kapatid si Taehyung."

Napalaki ang mata ko sa sinabi nya.

"Si Taehyung ay hindi ko talaga anak. Pinalaki ko lamang sya. Nung iniwan kita kay Namjoon nasa gera ako nun. Tapos napunta ako sa isang kagubatan upang magtago sa mga kalaban. Napunta ako sa isang bayan hanggang sa nawala na ako sa direksyon. Dahil naligaw ako sa kagubatan hindi ko na pala alam na napunta ako sa isang sumpa na lugar kung saan hindi na makakaalis pa ang magtatangka pumasok sa sumpang lugar na iyon. Doon ko nakilala si Taehyung. Isang batang babae na naligaw sa kagubatan kasama nya ang pamilya nya nun. Tinulungan nila ako makaalis sa sumpang lugar ngunit.. may mga dumating na kalaban at pinatay ang pamilya ni Taehyung. Nangako ako sa pamilya nya na ako na mag aalaga kay Taehyung. Sampung taon ako nakulong sa sumpang lugar na yun Jungkook. Hindi man lang kita nasaksihan na lumaki."

Palinawag nya sa akin lahat. Hindi na ako makapagsalita sa mga nalaman ko.

"Bakit hindi mo ako hinanap matapos mo makalaya sa lugar na yun?" I asked.

"Hinanap kita, Anak. Subalit nang makita na kita. Sobrang saya mo at.. isa ka nang sundalo. Hindi ko gusto sirain ang buhay mo anak kapag nakita mo ako. Inakala ko na hindi mo ako matatanggap matapos ako mawala nang higit sampung taon." Sabi nya sa akin.

TWO WORLDS (YOONMIN AU BOOK 2)Where stories live. Discover now