CHAPTER 49: HEARTBEAT

101 6 0
                                    

AUTHOR POVS

Lumabas sa isang lagusan si Vernon kasama ang mga kawal nya at kawal ni Hoseok. Hinuli nila ang mga kasabwat sa mga kaganapan na labanan. Nagsipuntahan naman ang mga kaibigan ni Yoongi at Jimin sa kanila.
Nakita nila ang nakahalundusay na si Yoongi habang si Jimin napapahagulgol na.

"Ju-Jungkook.. tu-tulungan m-mo si Yoongi.."

Madali na nilapitan ni Jungkook si Yoongi. Pinakiramdaman nya ang pulso ni Yoongi at napagtanto nya humihina na si Yoongi.

"Kailangan nyo sya dalhin sa mundo ng mga tao upang ipagamot." Sabi ni Taeh.

"Hindi ba sya gagaling agad kapag nakarating na sa mundo namin?" Nag aalalang tono ni Jimin.

"Jimin, magkaiba kayo ni Yoongi. Hindi sya pinalaki bilang tao. Kaya.. mamamatay sya kung saang mundo sya." Sagot ni Taeh.

Binuhat na ni Jungkook si Yoongi matapos hugutin ang espada kay Yoongi. Sumama sila Jimin, Yoonji at Rose kay Jungkook papunta sa mundo ng mga tao. Samantala..

Nakikipaglaban pa rin si Jisoo kay Jennie. Kumuha na sila pareho ng espada at saka hinawi ito ng ilang beses. Nasugatan ni Jennie si Jisoo sa tyan kaya nainis si Jisoo at mas lalo pang nilakasan ang paghampas sa espada. Sa lakas ni Jisoo at sa pagiging magaling sa pakikipaglaban. Nasugatan nya si Jennie sa braso.

Napangisi si Jennie sa ginawa ng kapatid sa kanya.

"Hm.. gumagaling ka sa pakikipaglaban." Nagagalak ang tono nito.

"Dahil sayo." Sagot ni Jisoo.

"Alam mo na hindi kita kayang patayin." Sabi sa kanya ni Jennie.

"Kaya sumuko ka nalang."sabi ni Jisoo.

"Hindi na maari pa. Matapos ang mga kasamaan ko sa tingin mo kakayanin ko pa sumuko?" Sambit ni Jennie.

"Huwag mo hayaan umabot ito sa iba, Jennie."

Jennie chuckles.

"Mas gugustuhin ko pa iyon." She said and sigh.

"Pagod na rin naman ako. Hindi na kita gusto kalabanin pa. Subalit.. subukan pa rin natin maglaban."

Umayos ng tayo si Jennie at tinutok ang espada kay Jisoo. Naghanda si Jisoo upang makipaglaban muli.

Subalit.. hindi inaasahan ni Jisoo ang gagawin ni Jennie.

Susugod si Jennie ngunit hindi para makipaglaban. Sinaksak ni Jennie ang kanyang sarili kaya napaluhod agad ito. Sinakto ni Jennie sa kanyang puso ang espada. Nagulintang si Jisoo kaya nilapitan nya agad si Jennie.

"Bakit mo ginawa yun!?"

Jennie chuckles.

" Para matapos na rin.. nabalitaan ko na.. namatay si Namjoon dahil pinatay nya ang sarili nya." She said and laugh.

"Pero bakit mo ginawa rin!?" Inis na sabi sa kanya ni Jisoo.

"Dahil kapag namatay ako.. ibig sabihin nun mabubuhay muli ako. Kapag nangyari yun sana ay maging magkapatid tayo muli o.. maging mag kaibigan na.. hindi aabot muli sa ganito."

Jisoo starts to cry.

"Patawad aking kapatid. Sana'y mapatawad mo ako sa aking kasakiman sa pagmamahal at sa hindi naging mabuting kapatid." Sambit ni Jennie sa kanya.

"Jennie.."

Humikbi si Jisoo habang tinitignan ang kanyang kapatid.

"Paalam.."

TWO WORLDS (YOONMIN AU BOOK 2)Where stories live. Discover now