TWENTY

4.9K 104 9
                                    

=ZEUS DEL VALLE=

It's been a week since I did not hear anything from Yara. I checked her on the Luxury but the staff said that she did not come there even at once. Lagi akong puyat kakaabang na may mag-doorbell at siya iyon. Gabi-gabi ay inaabangan kong bumukas ang pintuan at pumasok siya. Makipag-usap sa akin ng maayos at aayusin namin ang problema namin.

I admit, nagkamali ako ng desisyon at naging padalos-dalos. Masyado akong nagpadala sa init ng ulo nang araw na iyon. We can talk nicely ng hindi nauwi sa hiwalayan pero dahil sa inis ko ay naging padalos-dalos ako.

Fuck, for a week ay miss ko na siya. I did not mean this to happen, pero nadala ako ng galit ko dahil nagbago na siya. Pakiramdam ko kasi ay napahiya ako dahil sa ginawa niya sa harap ng mga kaibigan ko.

Alam nilang wala na kami ni Yara at alam na rin nila ang naging usapan namin ni Dane. They encouraged me to find her. Pero paano mo hahanapin ang ayaw magpakita? Wala nga akong idea kung nasaan siya dahil pati sa dati niyang inuupahan ay sinabi nilang matagal na siyang hindi nagpapakita roon.

"Hindi pa rin ba umuuwi si Yara, man?"

"Nope," simpleng sagot ko kay Blaze nang hindi inaalis ang tingin sa papel. I tried to act normal and cool. But, deep inside, mababaliw na ako kakaisip kung nasaan siya.

"So, wala na talaga, dumabass?" segunda ni Phoenix.

"Yes,"

"Kayo na lang ni Dane. Tuloy niyo na 'yong deal niyo."

"Ulol," sabay namin sagot ni Dane sa sinabi Jace. Kung hindi nagpakita si Yara o kung walang Yara na alam kung nasa paligid lang ay matagal nang natuloy ang deal na yan.

"Hinanap mo ba, man?"

"Bakit ko hahanapin? Umalis siya, pwes matuto siyang bumalik."

"Pride," bulong ni Blaze.

Kung alam lang nila na halos nagalugad ko na buong Bulacan para hanapin siya. Kung alam lang nila kung gaano ako kasabik na makita siya. Konti na lang, pakiramdam ko ay mababaliw na ako kakaisip sa kaniya.

"Ego," Phoenix added.

"Huwag na natin pangunahan. Parang tayo dati hindi nag-inarte, eh. Moment ni Zeus 'to kaya pagbigyan na natin. 'Di ba p're?"

"Dami mo alam, Jace."

"Bakit kasi inaway mo? Tapos hiniwalayan mo pa. Hindi mo muna inayos," paninisi ni Phoenix.

Kung pwede ko lang sabihin sa kanila na nabigla rin ako sa naging desisyon ko ay kanina ko pa sinabi. Kaso putanginang pride 'to ang hirap ibaba.

"Masyado siyang selosa na wala sa lugar."

"Akala mo siya hindi seloso. Isa pa, wala ba siyang dapat ipagselos, man?"

"Mayroon ba, Blaze?"

"Ewan ko sa'yo. Sa akin lang, ha, base sa obserbasyon ko kay Maggie, nagiging tamang hinala ang asawa ko kapag may napapansin siyang mali. I mean, woman's instinct daw, though minsan hindi ako aware. Hindi ako guilty kasi faithful ako pero putangina, minsan masasabi ko na may dahilan talaga sila. Kahit hindi mo sinadya ay napagseselos mo sila lalo na kung nag-uumapaw ang kagwapuhan mo," mahaba niyang paliwanag.

'Tangina, hawang-hawa na sa asawa niya.

"Agree ako riyan dahil ganyan din si Margot, minsan. Ang hirap maging pogi."

"Si Hailey, hindi vocal, magugulat na lang ako na sa kwarto ng kambal o kaya sa triplets natutulog."

"Dane," tawag ko. "What can you say?"

Brother's Code - Denial 4: Zeus' Possessive BedslaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon