THIRTY ONE

4.7K 76 2
                                    

"Congrats, man,"

"Happy for you, dumbass,"

"Ako rin happy for you, congrats."

Everyone congratulated me after hearing that Yara and I are now ok. Kahit ako ay hindi pa rin makapaniwala na ok na kami at magkasama na ulit. I can't fucking describe my fucking feeling. Para akong nasa cloud nine ngayon na umuwi na siya at inamin na ako talaga ang ama ng anak niya.

Nasabi ko na rin sa kanila na inamin na ni Yara ako talaga ang ama ng anak niya. Galit na galit si Dane sa kapatid niyang si Dylan dahil paniwalang-paniwala siya na magkaka-pamangkin na talaga siya. Wala pala talaga siyang idea na niloloko lang siya ni Dylan. But, somehow she's happy for me and Yara na ngayon ay ok na.

"So, kasalan na ba?" I look at Dane at napatigil sa sinabi niya nang titigan ko. "Bakit?"

"Hindi pa namin napag-uusapan, Dane. All we know is we're both happy. Enjoying our moment together." Hindi sa ayaw ko. Pero gusto ko kapag niyaya ko siya ng kasal ay sigurado na kami pareho. Lalo na ako sa nararamdaman ko para sa kanya.

Marami akong plano para sa amin. Lalo na sa magiging anak namin. Nakakatuwang isipin na mayroon ng little Yara or little Zeus or both sa sinapupunan niya. Ilang buwan na lang ay masisilayan ko na ang mga anak ko. Pwede na akong makipagpalisahan sa mga loko dahil magkakaanak na ako.

May maikukwento na rin ako sa kanila kung ano ang ginagawa ng mga bata kapag tulog. Paano magpalit ng diaper. Sino ang unang binanggit nila. Paano sila gumapang.

"Sabagay, 'yon lang naman ang importante doon. Ang maging masaya kayo. Hindi naman tatakbo ang simbahan at mas lalong hindi mauubos ang pari," Dane said.

"Support, dumbass," Phoenix said.

"Masaya ka ba, Zeus?" Dane asked kaya napatingin ulit ako sa kanya. Binaba ko ang papel na hawak ko at tiningnan sila.

"Masaya?" Napangiti na lang ako. "Hindi," sagot ko. Napakunot ang noo nila dahil sa sagot ko. "Kasi sobrang saya ko."

"Gago!" Binato ako ni Jace ng ballpen dahil sa sagot ko.

"Ang cliche pala talaga ng ma-in love 'no?" Dane chuckled.

"Akala mo nakaka-relate siya."

Dane glared at Jace kaya nagtawanan kami. "Shall we start the meeting?" She said pero hindi nakaligtas sa akin ang ngiti niya. I know she had a secret, at kung ano man iyon ay masaya ako para sa kanya kung doon siya magiging masaya.

We started our meeting para sa iba pang pagbabago ng company. Lalo na ngayon na magkakaroon ng bagong branch. Sinama na rin namin ang monthy update. But honestly, nawawala ako sa focus kapag naiisip ko si Yara.

I am fucking excited to end this day para makauwi na agad. I am excited to go home to see her and hug her. I know the feeling of these three idiots now. The feeling of being excited to go home knowing that someone is waiting for you.

We are in the middle of our conversation when I heard my phone ring. Nang tingnan ko kung sino ang tumawag ay napangiti ako nang makitang si Yara ang tumatawag. Tumingin muna ako sa kanila na nakatingin din sa akin.

"Answer it." Dane give me her approval kaya tinigil muna namin ang meeting.

"Yes, baby?" bungad ko sa kanya habang nakangiti.

"Zeus..." My forehead frowned when I heard her cry. Umiiyak siya habang tinatawag ang pangalan ko. "Z-Zeus..."

"Yara, what's wrong?"

Pati mga kasama ko ay napakunot din ang noo habang nakatingin sa akin.

"Help me."

Napatayo ako dahil mas lumakas ang iyak niya. Pakiramdam ko ay may hindi magandang nangyayari.

Brother's Code - Denial 4: Zeus' Possessive BedslaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon