TWENTY FOUR

4.4K 88 5
                                    

"Dylan, one-on-one street fighting daw. One round 12 minutes!" sigaw ng isa mga tauhan ni Dylan dito sa loob ng gym na pag-aari niya.

"Anong pusta at sinong kalaban?!" sigaw niya pabalik.

"Ano nga pangalan mo, 'tol?"

Hindi ako sumagot sa tanong niya at naglakad na ako papunta sa ring kung saan nag-eensayo siya kasama si Wallace.

"Ako ang kalaban. Friendly match."

Tumigil siya sa pagsuntok at tumungin sa akin saka ngumisi. "Lowkey ka rin mang-away, ha! Gusto ko 'yang tactics mo, hindi kagaya ng mga kaibigan mong pikon na basta-basta na lang nananapak. Saka paano ka nakaakyat dito? Hindi ka naman customer sa baba."

"Wag mo na alamin. Ano, papayag ka?" tanong ko.

"One hour, magpapahinga lang ako." Hinubad niya ang boxing gloves at bumaba sa ring. "Warm-up ka muna para hindi ka mapahiya."

Tinapik niya ang balikat ko at naglakad patungo sa ref at kumuha ng tubig. Ininom niya ang iba habang ang iba ay binuhos sa ulo niya.

'Tangina, lamang lang naman siya ng dalawang abs akin. Mas umbok pa nga ang six packs ko kaysa sa eight packs niya. Medyo maganda lang ng konti ang dibdib niya kaysa sa akin pero kaya ko naman siyang pantayan. Mas matangkad din ako ng konti sa kanya.

May sariling gym si Dylan dahil lumalaban siya sa street fighting. May sarili siyang coach at ang dalawa niyang kaibigan ang assistants niya. May 1st floor ang gym na ito na siyang business nila habang itong 2nd floor ay kanya lang.

Minsan na akong nakapanood ng laban niya at nakapusta pa sa kanya. Doon ko nakuha ang pinambili ko ng Hummer na napunta kay Jace nang matalo ako sa pustahan namin noon kina Hailey at Phoenix nang mag-file nang annulment si Hailey.

Magaling si Dylan lumaban at marami na rin siyang tinalo. No wonder kung bakit sa kanilang magkakapatid siya ang may mas pinakamaraming pera. Mas marami kaysa kina Dane at Dave, kung inipon siguro niya. Dahil sa pagkaka-alam ko ay mahilig bumili ng bahay si Dylan para ipamigay sa mga orphan na tinutulungan ng pamilya niya.

Photographer din ang loko, tapos painter pa. Binebenta niya sa exhibit ang mga gawa niya at minsan ay pinangreregalo sa mga kasosyo niya. Pero tangina niya, hindi pa rin ako humahanga sa kanya dahil gago siya at inagaw niya sa akin si Yara.

"Dy, telepono, si Yara raw."

Tumingin muna siya sa akin bago kinuha ang telepono. Pabulong niya itong sinagot habang tumatango.

"Cluster!" sigaw niya.

"Yes, master?!"

"Ipagmaneho mo si Yara sa ospital." Nagpanting ang tenga ko dahil sa sinabi niya.

Ospital? Anong nangyari sa kanya?

"Oks, areglado."

Hinagis ni Dylan ng susi kay Cluster. "'Tangina mo, wag ka mayabang magmaneho. Kapag 'yon nagalusan, babasagan kita ng isang ngipin."

"Ako pa ba?" sagot nito saka naglakad na palabas.

Tumayo si Dylan at lumapit sa akin. "Huwag na natin hintayin mag-isang oras. Tara na," aya niya sa akin at nauna nang umakyat kaya sumunod na ako at nagkabit ng pro-boxing gloves. Hindi ito kagaya ng ginagamit sa boxing dahil open ang mga daliri at palad pero may foam ang bandang kamao.

"Dylan, kailangan niyo ba ng referee?"

"Wag na Wallace, friendly match lang ito. Timer na lang para sa oras. Pagbibigyan ko lang ito para makabawi sa akin."

'Tangina, ang yabang talaga.

"Ready?" tanong niya.

"Game."

"Timer start, Wallace."

"One, two, three, game!" sigaw ni Wallace.

Sumuntok agad ako pero nakaiwas siya.

"Bilisan mo pa nang konti, ang bagal, eh, kaya ka nahuhuli," pang-iinis niya kaya sinegundahan ko pero nakaiwas ulit siya. "Ang bagal talaga kaya naiiwan."

Napatiim bagang ako at sinunggaban siya kaya napadikit siya sa gilid ng ring. Nagpangbuno kami at parehong bumagsak sa sahig pero nakabawi ako kaya siya ang nasa ilalim. Susuntok sana ako pero naharang niya ang kamay ko. Na-locked niya ang paa ko kaya hindi ako nakatayo at pilit na lang inabot ang mukha niya para sapakin pero nakakailag siya at ako ang natatamaan ng suntok niya.

'Tangina, ano ba kasing pumasok sa isip ko at hinamon ang isang pro-street fighter?

"Ano, 'yan lang kaya mo? Kaya ka pala naiiwanan dahil wala kang diskarte."

"Tangina mo!" Nagpadulas ako para humiga at pinilit na matanggal ang paa namin pero nakabawi rin agad si Dylan at nadehado ako dahil maliban sa na-locked ang paa ko ay nasa ilalim pa ako.

"Timer!" sigaw niya.

"Five minutes!" sigaw ni Wallace.

"Five minutes na hindi ka pa nakakatama tapos naka-locked ka pa. Surrender na at uuwian ko pa ang mag-ina ko."

"Fuck you!" Tinulak ko siya na mabilis bumagsak. Kahit nakapatong ako sa kaniya at hindi pa nakabawi ng tamang posisyon ay sinuntok ko agad siya na tinamaan nang dalawang beses sa mukha.

"Fuck! Masamang biruin si loverboy," reklamo niya. "Pero ok lang na bangasan mo ako. Gagamutin 'yan ni sweetheart Yara ko mamaya."

Mas lalong uminit ang ulo ko at nagpakawala ng sunod-sunod na suntok.

"Ten minutes."

Hindi na kumilos si Dylan at nakasangga na lang siya kaya sinamantala ko na. Medyo nakakailag siya ng konti pero tinatamaan pa rin siya sa ibang parte ng katawan at ulo. Sunod-sunod na ang ginawa ko at hindi ko na siya binatawan. Wala na siyang naging galaw dahil ako na ang panay ang suntok.

"Thirty seconds!" sigaw ni Wallace at nakita kong ngumisi si Dylan ng nakakaloko. "Twenty, nineteen, eighteen,"

"Ok, masyado ka ng natuwa."

Isang malakas na balya ang ginawa niya at dahil naka-focus ako sa kanya ay nawalan ako ng balanse. Bumalandra ako sa ring at napasandal. Napalaki na lang ang mata ko nang tumayo siya na parang walang nangyari.

Babangon pa lang sana ako nang makita ko siyang umikot pero huli na dahil tumama ang dulo ng mga daliri niya sa paa sa pisngi ko. Plakda ako na para akong sinampal ng kahoy sa mukha.

"Time's over!"

Para akong nakakita ng bituin na umikot sa ulo ko. Bumagsak ako sa sahig at nang bumangon ako ay napabalik ako dahil sa hilo. Napadura rin ako nang may malasahan akong mapait. Dugo ang lumabas sa bibig ko at unti-unti ko na rin naramdaman ang hapdi sa pisngi ko. Gustuhin ko man bumangon ay literal na umikot ang paningin ko.

"Oks lang yan, hindi pa 'yan ikaka-alog ng utak mo kaya wag ka mag-alala. Kalahati lang ng lakas ko ang binigay ko sa pisngi mo. Hindi na 'yon kalabisan sa mga suntok mo." At tumawa ang gago.

Naramdaman ko na may humawak sa akin at nang maaninag ko kung sino ay si Wallace pala. "Ok ka lang?"

Tumango ako bilang sagot.

"Shock lang 'yang hilo mo. Normal sa first time na tinamaan ng may kalakasan. Signature scissor kick ni Dylan 'yan na kadalasan niyang ginagamit para makatulog ang kalaban pero sa'yo hindi buong pwersa kaya hilo lang."

Ganoon ba kalakas sumipa ang gago?

"Wallace, ikaw na rito at ako na susundo kay Yara sweetheart! Ingat, Zeus, sa uulitin."

Napailing na lang ako sa kagaguhang ginawa ko.

'Tangina talagang kabaliwan kong 'to. Street fighter multiple champion pa talaga ang kinalaban ko.

Brother's Code - Denial 4: Zeus' Possessive BedslaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon