TWENTY THREE

4.9K 98 6
                                    


"Fuck!"

Binato ko ang baso na ginamit ko dahil sa inis. At first, I thought ginagago lang ako ni Dylan. Na kagaya ng mga kaibigan ko ay may balak din siyang pag-ayusin kami ni Yara. Umasa ako na ganoon ang gagawin niya but hell...may gusto pala talaga siya kay Yara. Akala ko pinagtitripan lang niya ako.

Hindi pa rin nagsi-sink in sa isip ko ang mga narinig ko. Paano siya nabuntis ng ganoon kadali ng gagong iyon? Bakit siya nagpabuntis? Magpapabuntis lang din pala siya, bakit hindi sa akin pa? Sana nagpabuntis siya sa akin noon para wala akong kawala. Sana ginawan niya ng paraan noong kami pa.

Gusto ko sumugod sa unit ni Dylan at awayin silang dalawa. Gusto ko magwala doon at sabihin kay Yara na sabihin niyang ako ang ama ng anak niya. Ako at hindi si Dylan, pero, putangina! Tama si Dylan. Matagal na kaming nagsasama ni Yara pero hindi ko siya nabuntis samantalang sila ay saglit pa lang ay nabuntis niya agad.

Tinungga ko ang isang bote ng alak at sunod-sunod na nilagok. Iniisip ko pa lang paano sila nakabuo ay parang gusto ko na magwala. Imagining Yara having sex with another guy makes me want to kill Dylan. Ano'ng klaseng pagpapaligaya ang ginagawa ng gagong yon sa kanya. Nagustuhan ba niya? Nakokontento ba siya? Nakalimutan ba niya ako?

Binato ko ang bote at kinalat ang laman ng lamesa. Pinagsisipa ko ang mga gamit na halos nagkandasira-sira na. Napahawak na lang ako sa ulo at pilit inaalis ang nakakapunyetang imaheng tumatakbo sa isip ko. Bakit niya nagawa sa akin 'to nang ganito kabilis? Gusto ko siyang bawiin pero paano?

"Zeus? What the hell are you doing?" Napatingin ako kay Dane na agad lumapit sa akin. "Pwede bang umayos ka nga."

"Tangina, Dane, nasasaktan ako. 'Tangina bakit ganito?!"

"Pwede ba, tumayo ka riyan at ayusin mo 'yang sarili mo." Pero hindi ako nakinig sa kanya. Hinawakan ko lang ang mukha ko habang nakasandal sa dingding. "Zeus!"

"Akala ko tutulungan ako ni Dylan na magkaayos kami. Bakit niya sinulot sa akin, Dane? Bakit niya binuntis?"

"Hindi ako naniniwala sa gagong 'yon, kaya pwede ba, wag ka maniwala sa narinig mo."

"Tama siya, kung gusto ni Yara na magpabuntis sa akin, sana noon pa. Pero dahil ayaw ko ay pinigilan niya. Kaya nang makahanap siya ng lalaking willing gawin sa kanya 'yon ay ginawa na niya. Sabagay, hindi siya lugi dahil Dy ba naman ang napili niya."

"I still don't believe him."

Umayos ako ng upo at hinawakan si Dane sa braso. "Dane, tayo na lang. Let's continue the deal at baka mag-work out."

"Zeus, enough. Kung anu-ano na ang mga pumapasok sa isip mo. I'll call one of the team to drop you home."

Hahawakan pa lang sana niya ang cellphone niya nang hilahin ko siya at halikan. Dane's lips is the second lips I've tasted aside from Yara.

I deepened my kiss at naramdaman kong gumaganti din siya. I wrapped my hands to her waist at mas lumalim pa ang halikan namin. We both moaned in pleasure habang hindi pinuputol ang halikan namin. Kapwa kami kapos sa hininga nang maghiwalay at nakadikit ang noo.

"Dane?"

"I'm sorry, Zeus, pero wala talaga akong maramdaman. Si Wallace lang talaga ang nasa isip ko habang hinahalikan kita. Siya lang talaga."

"I'm sorry, too." Saka ako bumalik sa pwesto ko. Bakit ganoon? Si Dane ang kahalikan ko pero si Yara ang nasa isip ko. I felt that Dane sat beside me and sighed.

"Sana ganoon kadali ibaling ang pagmamahal no? 'Yong tipong sasabihin mo sa puso mo na 'hoy, putangina, pumintig ka kay ganito, kay ganyan' sana ok tayong lahat."

Brother's Code - Denial 4: Zeus' Possessive BedslaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon