~Patricia's POV~
Birthday na ni Hunnie ko bukas! Ano gagawin ko?
Hmm... Surprise party tapos pagbebake ko sya ng cake? Ahihi! Oo nga! Ang talino ko talaga!
Tutal Sabado naman ngayon, bibili ako ng mga kailangan ko.
BUT! I have to get rid of Sehun muna! Teka parang ang sama naman ng term, eh basta! Kelangan wala sya para magawa ko plano ko.
Eh pano ko naman gagawin yun? Ah alam ko na! Yung EXO nalang! Oo close na kami, nung isang araw lang. Sasabihin ko libangin muna nila si Sehun.
Ang talino ko talaga! Pero kelangan ko ng help. Syempre hindi sa bestfriend ko, sa bestfriend ni Sehun. Hindi ko pa kasi alam kung anong flavor ng cake ang gusto ni Sehun.
So kelangan ko manghiram ng bestfriend, hahaha!
Calling Tao...
[Hello?]
"Uy ano... May tatanong ako..."
[Ano?]
"Sino bestfriend sa inyo na Sehun?"
[Well, in my opinion, ako, si Kai at Luhan hyung.]
"Sino ba free sa inyo ngayon?"
[Uhm...Teka tanong ko... May gagawin kasi ang EXO M kaya si Kai lang daw ang walang gagawin.]
"Ah okay sige salamat. Tyaka ano, pafavor naman. Libangin nyo si Sehun, kahit hanggang mga... no wait, buong araw?"
[Grabe! Stress yun! Sige sasabihin ko sa K.]
"Okay! Thanks Tao!"
[No prob. Kakausapin ka daw ni Kai]
"Okay..."
[Hello?]
"Hello Kai? Bakit?"
[Saan tayo pupunta?]
"May bibilhin lang tayo"
[Kung magsshopping ka lang eh wag mo na ako gawing taga bitbit! Oo alam ko malakas ako pero ang gwapo ko namang tagabitbit!]
"Shungek! Hindi! Ang hahangin nyong magbarkada ha?"
[Oh eh ano nga kailangan mo sakin at kelangan mo pa ako isama?] Narinig ko naman yung boses ni Sehun na sabi kay Kai "Sino yang kausap mo?"
"Sabihin mo wala kang kausap, lumabas ka nalang ng bahay" Bulong ko tapos pinatay ko na yung tawag.
Binulsa ko na yung phone ko at lumabas na.
"Oy Jongin! Dito ka dali!" Sigaw ko.
Pumasok na si Kai sa gate at pinaupo ko dun sa upuan dito sa may garden namin. May 4 na upuan kasi dito tapos isang table.
Umupo narin ako.
"Wag na wag mo sasabihin toh kay Sehun ah?" Sabi ko.
"Eh bakit nga kase? Uso po mag explain" Sagot naman nya.
"Okay ganto yon, di ba bukas birthday ni Sehun? So Im planning something na kelangan ko ng tulong nyo, I asked Tao na sabihin sa ibang members na gawin nilang busy si Sehun para makaalis tayo at di nya mamalayan na di nya ako kasama. Ang gagawin naman natin, bibilhin natin lahat ng favorite na pagkain ni Sehun tapos iluluto ko, gets?" Napanganga sya tapos pumalakpak. Baliw.
"Bravo! Bravo! Ikaw na! Pinakasweet na girlfriend sa lahat!"
"Oh deal?"
"Basta ba may kapalit?"
BINABASA MO ANG
He's my Enemy [Sehun FF] UNDER-EDITING
FanfictionWhat if your WORST ENEMY fell in love with you? And the feelings became mutual? Her: BWISIT! I HATE YOU! Him: I LOVE YOU MORE WIFEY! Credits to @doubleZven for the amazing cover :)