Special Chapter 2

118 6 11
                                    

6873 words ahead. Read at your own risk, chos.

---

After 10 years. . .

~Patricia's POV~

Bigla akong nagising sa gitna ng pagkakatulog ko nang may marinig akong umiiyak.

"Hun... Si Choa..." Tapik ko kay Sehun habang nakapikit pa.

"Hmm..."

"Dali... Umiiyak na naman..."

"Ikaw na please... Pagod ako," Sagot niya.

Binuksan ko yung lamp sa tabi ng kama namin at tumayo at naglakad papunta sa guest room.

Pagkapasok ko agad ko namang pinuntahan si Choa at binuhat.

"Tahan na Choa..." Sabi ko habang karga-karga siya.

Pero wala, umiiyak parin.

Kinapa ko yung diaper niya, hindi naman basa. Siguro nagugutom na.

"Gutom ka na baby?" Tanong ko sa kaniya. Pero umiyak lang ulit.

Tumingin ako sa wall clock, mag fa-five na pala.

Lumabas ako ng guest room at bumaba. Iniupo ko si Choa sa dining table at pumunta ako sa pantry namin para magtimpla ng gatas.

Natapos ko na ang pagtitimpla at binigay na ang baby bottle sa kaniya. Kinarga ko ulit sya at sinimulan nang patulugin ulit.

Ilang minuto lang nakatulog na rin si Choa.

Kinuha ko sa kaniya yung baby bottle nya at nilagay sa kitchen sink. Pagkatapos nun ay umakyat na ako at pumasok sa guest room. Pagkahiga ko sa kaniya ay dumiresto naman ako sa kwarto namin ni Sehun at humiga. Pumikit na ako para matulog at naramdaman ko naman ang pagyakap sa likod ko ni Sehun.

Ilang minuto palang akong nakapikit nang marinig ko yung alarm clock na tumunog. Inabot ko naman yun at pinatay.

Humarap naman ako kay Sehun at hinawakan yung braso niya na nakapulupot sakin.

"Hun... Gising na..." Niyugyog ko pa siya pero tulog pa din. Mas hinigpitan lang nya yung pagkakayakap niya.

"5 minutes more..." Pagkasabi niya nun, ibinaon lang nya yung mukha niya sa leeg ko.

"Eh di ba ngayon yung bukas ng bagong branch ng gastropub natin?"

Tinignan naman niya ako. "Tetext ko nalang sila. Sasabihin ko nalang sa kanila na may sakit ako."

"Heh, magtigil ka nga. Dumadali ka nanaman jan sa mga pareasons-reasons mo. Bangon dali!"

Tumayo ako sa kama at hinigit yung braso niya. "Tinatamad pa ako!"

"Ang kulit mo! Sige ka pag nagka anak tayo paano mo bubuhayin anak natin?"

"Eh? Nagbunga na pagmamahalan natin?" Pagkasabi niya nun, bigla niya akong hinigit ng pagkalakas-lakas kaya ngayon nakakulong na ako sa mga braso niya. Nakatingin naman siya sakin ng sobrang seryoso at parang pakiramdam ko matutunaw ako.

Sheeeet, mag asawa na kami pero ang lakas parin ng tama niya sakin.

"Example ko lang yon, ano ba. Para ma encourage ka naman magtrabaho!" Napakamot naman siya sa batok niya at mukhang disappointed na disappointed.

"Okay. Ligo na ako ah?" Malambing na sabi niya at bumangon na at pumunta na sa CR.

Bumangon na rin ako at kumuha ng damit niyang gagamitin at babaunin at nilagay yun sa bag niya.

He's my Enemy [Sehun FF] UNDER-EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon