Chapter 27

277 8 9
                                    

~Sehun's POV~

"Eh kasi nga, sabi dito bago mo i-multiply yung diameter sa Pi i-divide mo muna sa 2 yung diam--- Ah!!!" Habang nasa daan kasi kami, tinuturo nya yung sa Math na kahit kelan hindi ko nagets. Habang nakatingin sya dun sa book na hawak nya, bigla syang nabuslot dun sa may bangbang pero nasalo ko naman. Nakatayo na sya agad. Pinulot ko naman yung nalaglag nyang book, buti hindi nabasa.

"Thalamat"

"Okay lang na mahulog ka.." Sabi ko naman.

"Aba! Anong okay lang?!"

"Okay lang, basta sasaluhin kita lagi"

"2 ata meaning nung sinabi mo?" Tanong nya.

"Wala, sige tuloy na."

Okay so uulitin ko, sabi dito bago mo i-multiply yung diameter sa Pi i-divide mo muna sa 2 yung diameter tapos saka mo i-multiply yung quotient nung divide mo which is called radius sa Pi" Ay hutek di ko talaga magets.

"Pi ka ng Pi dyan di ko naman magets. Ano ba value nung Pi?"

"3.14 lang. Hun nag elementary ka ba?" Aray ko, tagos yun!

"Sa tingin mo, makaka rating ba ko ng 2nd year college kung hindi ako nag elem?" Natahimik sya. Boom basag!

May biglang sumingit saming dalawa, ang close na namin eh! May pumagitna pa!

"Good morning! Narinig ko yun Sihon!" Si Chloe pala -.-"

"Narinig ang alin naman?" Sabi ko na nakapoker face.

"Okay lang na mahulog ko basta sasaluhin kita lagi..." Kuhang kuha ahh? Artista na yan!

"Sus..." Sabi ni Tricia at nag roll eyes. Teka, hobby ko yun ah?

"Ayiiiiiiiiiie~ Couz, ready ka na ba for another relationship?" Sabi ni Chloe habang sinusundot sundot tagiliran ni Tricia.

"Sige lang, act like Im not in here" Singit ko

"Opo, Koya Sihon." Sagot ni Chloe sabay tahimik.

"So uulitin ko, 3.14 ang value ng Pi. Tas pag alam mo na kung ano yung formula, makukuha mo na yung sagot." Sabi ni Tricia.

"Ah okay sige gets ko na sssssssalamat" Hinabaan ko yung S para rinig nya na kaya kong sabihin ang S!!!!

"Ang tanong, saulo mo ba yung formula?"

"Uhm... Ano... Mehehehe... "

"Ay nako Hun, bahala ka na sa buhay mo" 

****

"Bakit ka nanaman nakasimangot?! Tanghaling tapat nakasimangot ang future wifey ko?!" Ehehe, ang sweet ko talaga.

"Tumigil ka sa kabaliwan mo Hun, wala ako sa mood" Nagtaka naman ako, wala sa mood? Kanina hindi naman.

"May period kasi yan" Bulong ni Chloe.

"Ahhh, kaya pala... By the way, anong lunch natin ngayon Yeobo?" Ang sama ng tingin, grabe.

"Sabi ng tumigil ka sa kabaliwan mo eh"

"Opo, so ano po gusto mong kainin nampyeon-ah?" Nasapak naman ako, masakit ha. MASYADONG BAYOLENTE.

"Tumigil ka Hun, bumili kana lang ng burger steak" Pero di ako gumagalaw, tumigil daw eh.

"ANO AT HINDI KA GUMAGALAW?!" Woah, natakot naman ako dun.

"Sabi mo tumigil ako, kaya tumigil ako." At nasapak nanaman ako.

"Bumili ka na nga lang!" Napatayo naman agad ako. 

He's my Enemy [Sehun FF] UNDER-EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon