~Sehun'sPOV~
Tatlong buwan na ang nakakaraan, at sa wakas! Move on na si Tricia! At tatlong buwan ko din syang pinormahan-- de joke, pinagaan ang loob. Di pa nga move on popormahan agad? No no. At 2 months narin na mag bestfriends kami. Galing noh? Ang bilis! Naging magbestfriends kami simula nung binigay ko sa kanya yung phone nya, pero bago ko ibigay sa kanya yun, pinagawa ko muna syempre.
"Tricia! Ano na?! Mag bibihis lang ang tagal-tagal pa!" Sigaw ko mula sa labas ng terrace nya. Nasa baba ako, sa kalsada.
Ako na hatid-sundo ni Tricia eh. Sabi kasi ng eomma nya nung nalaman nyang friends pala kami ng kanyang anak eh sabi nya ako nalang daw maghatid at sundo tutal magkalapit lang daw bahay namin at yung kuya nya ewan ko nangibang bansa ata kaya wala nang sundo. Over protective noh? Nag iisang babae eh.
Nagbukas na yung gate nila. Lumabas na si Tricia.
Nilapitan ko sya at inakbayan. Oo, close na kami. Inggit kayo?
"Aray ko Hun! Higpit ah? May balak gusutin uniform ko?" Sabi nya.
"Arte neto. Oh ayan na po Madam Sungit!" Sabi ko at ipinamulsa kamay ko.
Di nya ko pinansin at nagcellphone nalang. Aba suplada!
"Tagal tagal mong nag ayos!" Sabi ko.
"Oh ano pinaglalaban mo?" Sungit talaga kahit kelan.
"Wala namang nagbago. Ahahaha!" Biglang naman nya ko inirapan.
"Maganda parin." Sabi ko. Yumuko naman sya ng konti.
Tumigil ako saka sya hinarap.
"Bakit?" Tanong nya. Nilapit ko mukha ko sa kanya.
"Uy, namumula!" Asar ko.
"A-ako? Namumula? D-di ah!"
"Namumula ka eh. Yan oh! Grabe! Pulang pula!"
"H-hindi ah!"
"Eh ano yan? Color blue? Deny pa more!"
"Hmp! Jan ka na nga!" Binilisan na nya yung lakad. Hinabol ko naman saka sya sinabayan maglakad.
"Toh naman di na nasanay na lagi akong nangaasar" Sabi ko.
"Tss..."
Nakarating na kami sa campus. Pero di parin ako kinakausap. Di makaget over dun sa sinabi ko?
Nauna syang pumasok sa room saka sya tumabi sa pinsan nya, ako naman tumabi na sa kanya. Sina Uleng at Panda laging late pumapasok. Ako lang ang maaga kase nga naging hatid sundo ako. Kahit ayoko gumising ng maaga, kelangan pa din.
"Oist, may assignment ka? Pakopya naman oh" 1st subject kasi namin ngayon, History. Eh wala akong assignment.
"Lahui. Sakin kana lang lagi nakaasa ha." Sabi ni Tricia.
"Pakopya na... Shige na~" Sabi ko at nag aegyo pa. Takte, ang bakla.
Bigla naman syang tumawa ng malakas. Anak ng tipaklong. Lakas ng tawa abot hanggang moon!
"Hun, tigil mo na yan. Di bagay sayo. Pfft, hahaha! Oh sige kopyahin mo na lahat, itigil mo lang yan! Wahahaha!" Pinagtawanan pa'ko ng luka?
"Oh akina!"
"Oh iyo na! Hahaha grabe Hun you never fail to make me laugh!"
"Quotang quota na apilido ni Sehun ah?" Singit ni Chloe.
"Huh? Bakit?" Tanong ni Tricia.
"Puro kayo 'Oh' jan eh!" Ah, ganon?
"Korneh mo teh" Sabi ni Tricia.
BINABASA MO ANG
He's my Enemy [Sehun FF] UNDER-EDITING
FanficWhat if your WORST ENEMY fell in love with you? And the feelings became mutual? Her: BWISIT! I HATE YOU! Him: I LOVE YOU MORE WIFEY! Credits to @doubleZven for the amazing cover :)