Chapter 31

183 8 4
                                    

~Patricia's POV~

Kakalabas ko lang ng bahay ng labas din ni Sehun ng bahay nila. Aba, may sakit toh ah?

"Hoy Oh Sehun, pasok dun! Dali! Pasok!" Sabi ko at pinagtutulakan sya papasok ng gate nila.

"Oy teka," Sabi nya tapos hinawakan nya kamay ko para mapigilan ako sa pagtulak.

"Kakagaling mo lang sa sakit di ba? Eh bakit papasok ka na agad? Malay mo may lagnat ka pa? O baka sinat? Pano kung mabinat ka?" Sunod sunod na sabi ko. Ngumiti naman sya na abot hanggang tenga.

"Concern?" Sabi nya tapos nag smirk. Aish, staph!

Bigla kong napansin, hindi sya nakauniform?

"San ka pupunta?"

"Correction, TAYO" Sabi nya tapos naglakad sya pero nahila ako kase hawak nya parin kamay ko.

"San tayo pupunta?"

"Secret" Sabi nya at tuloy parin sa paglalakad

"Kidnapping toh ah!" Tumigil sya, haha ang galing ng powers ko.

"Walang kidnapper na ganito kagwapo" Tapos naglakad nanaman sya.

Hay, pabayaan na nga!

Ilang minuto na kami naglalakad pero wala parin kami sa pupuntahan namin. Aba ba't ganun? Uso naman magtaxi ngayon di ba?

"Hun, pagod nako, upo muna tayo" Sabi ko at naupo sa bench dito sa may park. Tinabihan naman nya ako.

"Grabe, ang bilis nyo maglakad na mga lalake, kaloka!" Sabi ko at binaon na yung mukha ko sa mga kamay ko.

Kinuha nya yung isang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit ka may band aid sa kamay?" Tanong nya.

"Kase may sugat ako? He-he" Sagot ko sabay tawa ng fake. Lagot ako, papagalitan ako nito.

"Di ka kasi nag iingat eh" Sabi nya tapos parang inexamine pa yung sugat ko na may band aid.

"San ka nasugatan?" Dagdag nya pa tapos tumingin sakin.

"Hinihiwa ko yung orange mo kagabi, kaso ano nga, he-he" Binitawan na nya yung kamay ko.

"Dapat hindi mo na hiniwa, dapat kay Tao mo nalang pinahiwa, nasugatan ka pa tuloy"

"Oo na, tama na po ang speech appa" 

Binuksan ko yung phone ko, hala, late na kami!

Tumingin ako kay Sehun. Nye, nakatitig sakin?

"Bakit?" Tanong ko.

"You should wear earrings and lipgloss often," Sabi nya tas ngumiti.

KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH, NAPANSIN NYA HUMAYGASH!

May binigay kaseng pearl earrings si Kuya galing Palawan tyaka lipgloss na galing Manila daw. Sabi na eh, bagay sakin eh hohoho.

"Ay hindi, isuot mo lang pala yan kapag tayo lang ang magkasama, mamaya kung sino ang magkagusto sayo agawin ka pa sakin, tara na," Sabi nya tapos hinila nanaman ako.

Nakarating na kami dun sa pupuntahan namin, nung nakita ko na kung saan ako dinala ni Sehun, bigla akong natulala.

"Hun, pakikurot nga ako" Sabi ko.

"Ayoko nga, ayokong saktan ka" Kinurot ko nalang sarili ko, shocku, totoo nga! Di ako nananaginip!!!!!!!!!!!!!

"Aba, bakit mo kinurot sarili mo?" Sabi nya. Nilapitan ko naman sya at niyapos.

He's my Enemy [Sehun FF] UNDER-EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon