Chapter 19

182 8 0
                                    

~Third Person's POV~

Nasa parke ka ngayon, nag hahanap ng payapang lugar para makapag isip. Bakit ka nga ba mag iisip? Siguro dahil nga sa pag dadalos dalos mo.

Bakit ko nga ba pinayagan manligaw sakin si Sehun kahit alam ko naman na peke lang talaga yung magiging relasyon namin. Bat hindi ka nag isip ng mga oras na yun Patricia? Bat nagpadalos dalos ka? Ngayon, naguguluhan ka. Humihingi ba si Sehun ng isang pekeng relasyon para saktan ako kung sakaling tuluyan akong mahulog sa kanya? Sabi mo sa isip mo.

Eh pano ba naman kasi, binabalaan ka na nga ng pinsan mo, ayaw mo pang makinig. Yung totoo? Tanga ka lang ba talaga o talagang ang slow mo? Halatang halata na naman sa kilos ni Sehun na ganun sya kasama ahh, bat pinipilit mong mabait sya? At ngayon, pag nasaktan ka ni Sehun, gagawin mo rin yung ginagawa ni Sehun, magiging playgirl din, at ang mga nasaktan mong lalake, ganun din ang gagawin.

Biglang tumunog ang iyong phone. Nag text sa iyo si Jay.

From: Jay
Where are you? Can I talk to you?

Napabuntong hininga ka nalang matapos mong basahin ang mensahing galing kay Jay. Gusto ko munang mapag isa. Sabi mo sa isip mo. Pero bigla kang napaisip na mahaba pa ang araw kaya pwede mo pang kausapin si Jay at mamaya kana muna mag sosolo.

To: Jay
Nasa park ako. The one near our house.

Reply mo sa kanya. Wala pang 15 minuto ay nakarating na agad si Jay.

"Hi. Okay ka lang?" Tanong nya sayo.

"Oo" Sabi mo na may pekeng ngiti.

"I know you lie. Your lips are movin'~" Kanta nya. Halata naman kase na peke yung ngiti mo at mukha ka talagang malungkot.

"De okay lang ako" Sabi mo pa.

"Okay sige. Sabi mo eh" Sabi ni Jay. Mukhang ayaw niyang makulitan ka sa kanya.

Umupo sya sa tabi mo at nakatulala lang syang nakatitig sa mga daliri nyang kanina nya pang pinaglalaruan.

"Uhh. Ano pala, ano yung pag uusap natin?" Sabi mo upang mabasag ang katahimikan, ayaw na ayaw mo kase na tahimik ang paligid.

"M-may itatanong s-sana kase ako s-sayo" Sabi nya na nauutal-utal pa.

"Ano yon?" Tanong mo. Nakakaramdam ka kase ng kaba mula kay Jay.

"Pe-pwede ba k-kitang li-li... l-ligawan?" Tanong nya habang nagkakamot ng ulo at hindi makatingin ng diretso sayo

Problema. Isa pang problema. Sabi mo sa isip mo.

"Uhmm... Ano.. Kasi ano.. Pwede pag isipan ko muna? Medyo naguguluhan pa kasi ako ngayon eh" Sagot mo.

"Ah- sige." Sabi nya habang nakangiti.

Nagkaroon nanaman ng katahimikan sa inyong dalawa. Hindi ka talaga makali kapag tahimik ang paligid kaya nag paalam kana agad sa kanya na uuwi kana.

*****

Naglalakad ka ngayon mag isa sa inyong subdivision. Medyo madilim na, mag 6:30 na kasi. Habang naglalakad ka, bigla mong nakasalubong ang isang Sehun na bihis na bihis at may dalang isang bouquet ng bulaklak.

"Galing ako sa inyo, wala ka daw kaya pupuntahan sana kita. Bulaklak pala." Bungad nya sayo sabay abot ng bulaklak sayo.

"Oh bakit gusto mo kong puntahan?" Bahagyang napakunot ang noo nya dahil sa malamig na pananalita mo.

"May itatanong sana ako... Can you be my girlfriend? For real?" Ni hindi ka manlang nagulat sa sinabi nya. Kahit sinabi na nya yung mga katagang 'For Real'.

"Alam ko na yang mga pakulo mo Sehun!" Sabi mo. Dire-diretso. Sabay narin ang pagkagulat ni Sehun.

"Ha? Anong pakulo---" Hindi na nya natapos ang pananalita nya at sumingit ka na agad.

"Alam ko na lahat! Lahat lahat! Wag mo na ako idamay sa mga kalokohan mo, please lang. Ayoko masaktan agad agad" Sabi mo, ng dire-diretso nanaman.

"Ano bang pinagsasabi mo---" At muli hindi mo nanaman siya pinatapos

"Ano pinagsasabi ko? Ayy jusko Sehun! Sinabi na lahat sakin ni Chloe! Lahat! Yang mga kalokohan mo! Mga pinauuso mong "fake relationship"? Sinabi na nya sakin! Tapos ngayon isasama moko sa listahan mo ng mga naloko mo? Ayoko! Ayoko masaktan!---" Sa oras na toh si Sehun naman ang pumutol sa mga sinasabi mo.

"Hindi! Mali ka ng iniisip! Gusto ko lang makipagrelasyon sayo kase may bakla dun sa kinakainan ko na may gusto sakin tapos gusto nya makita girlfriend ko kaya sabi ko ikaw nalang ipapakilala----" Bigla mo nalang nasampal si Sehun. Hindi mo yun sinasadya dahil bakas sa mukha ninyo pareho ang pagkagulat. Mukhang nadala ka lang ng mga emosyon mo kaya mo sya nasampal.

"At ngayon gagamitin mo ko? Para lang sa isang bakla na gusto mong tantanan ka? Ano ba Sehun! Hindi ako ganung babae na nagpapagamit lang!" Hinampas mo sa kanya ang hawak hawak mong bouquet at bigla kang napatigil ng biglang tumunog ang phone mo. Si Jay tumatawag at sinagot mo naman ang tawag.

"Yes. I'll let you court me" Pambungad mo sa tawag sayo ni Jay. Rinig mo naman ang paghiyaw nya sa kabilang linya

[Yes! Bukas ihahatid at sundo kita ha? I love you!]

"Okay." At binaba mo na ang tawag.

Tumingin ka naman kay Sehun. Hindi mo maipinta ang kanyang mukha.

"Aalis nako" At dinaanan mo nalang si Sehun na parang walang nangyare.

Habang naglalakad ka pauwi ay umiiyak ka. Hindi mo alam kung bakit ka umiiyak pero tuloy parin ang pag agos ng luha mo sa mga pisngi mo.

Pag pasok mo sa inyo ay nakita ka ng iyong kuya na mugto ang mata.

"Oh bagong iyak ka ba?" Tanong sayo ng kuya mo ngunit hindi mo sya pinansin at dumiretso ka na agad sa kwarto mo.

Pagkapasok na pagkapasok mo sa iyong kwarto ay niyakap mo na agad ang iyong unan. Nasabunot ka naman sa sarili mong buhok sabay sabing "Stop it Patricia. You're such a cry baby!"

Pinunasan mo ang iyong mga luha at nagbihis na. Pagkatapos mong mag bihis ay may kumatok sa iyong pintuan. sumigaw ka naman ng "Pasok!" at pumasok ang iyong kuya.

"Bakit mugto mata mo? Umiyak ka ba?" Nagulat ka dahil ibang Patrick ang nasa harapan mo ngayon. Isang maalaga at maalalahanin na Patrick ang nasa harapan mo ngayon, di katulad ng dating Patrick na palagi kang inaasar at kinukulit.

"Uhmmm...." Hindi ka makasagot dahil hindi ka sanay na ganito kayo ng kuya mo.

"Love?" Tanong nya. Tumango-tango ka naman. Tumabi sya sayo sa pagkakaupo sa kama at sinuklay-suklay ang buhok mo gamit ang mga daliri nya

"Okay lang yan. Ganyan talaga pag 'Puppy Love'. Makakahanap ka rin ng iba." Sabi nya at siningit ang buhok mo na nakaharang sa iyong mukha sa likod ng iyong tenga.

"Pero Kuya hindi pa nga sya totally Love eh. Bago ko pa sya sagutin, nalaman ko na lolokohin nya lang ako. Kaya magulo!" Tumawa naman kayo pareho ng mahina

"Hanap ka nalang ng iba. Tyaka wag ka muna mag ganyan ganyan. Bata-bata mo pa eh, madami pang oras" Sabi nya at ginulo ang iyong buhok.

"Good night, Saeng." Sabi nya bago isara ang pintuan ng iyong silid.

Tomorrow is another day.

----

Lame chapter. Dont kill me. Hahaha. Ang drama na nga ang lame pa, san ka pa? loool. Nag success ako!!! Yes! Pure tagalog yan. Haha #ChristmasVacationIsLoveLoveLove ang aga ng vacation namin noh? ngayon lang nagstart kaya ngayon lang ako nakapag UD.

-VOTE!

-COMMENT!

-SHARE!

-FOLLOW!



-gorgeous otor

He's my Enemy [Sehun FF] UNDER-EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon