Kendal's POV
"Napaka-sinungaling mo?! Hindi ko ginusto ang kung ano man ang nangyari sa ating dalawa! Ginahasa mo ako! Minolestiya mo ako! Ginawa mo akong puta!" May hinagpis kong sigaw.
Nasa korte kami ngayon at ngayon na lilitisin ang kaso tungkol sa rape case ko. Nanunuot ang galit na nadarama ko dahil sa kasinungalingan ng walang hiya na rapist na ito. Pilit niyang ipinagdidiinan na pareho naming ginusto ang kung ano man ang nangyari saaming dalawa.
Mas dinagdagan pa ni Hermes ang galit ko ng kumampi ito sa rapist ko. Hindi siya tumestigo para saakin. Hindi niya ako kinampihan kahit alam niya ang katotohanan.
"Tetestigo lang ako sa kaso mo kung babalik ka sa bahay. Kung gusto mo talagang maipakulong ang lalakeng iyon ay kaylangan mong umalis sa poder ng walang kwentang si Arturo at bumalik saakin. Easy right? Ayan lang gagawin mo and charan, makukulong na ang lalake na iyon."
Subalit hindi ako pumayag. Sa tatlong araw na nagdaan ay naging maayos ang lagay ko kay Arturo. Tinuring ako nito bilang pamilya. Malaki ang utang na loob ko sakanya at sa nanay niyang si Inang Lordes at bunsong kapatid na si Estela. Dahil sa kanila ay nagawa kong muling bumangon at mas maging matapang para ipagpatuloy ang sariling laban. Hindi ko magagawang iwan ang mga tao na nagparamdam saakin na may kwenta ako sa mundo. Mga tao na tinuring akong babae, tao, kapamilya. Mga taong hindi ako hinusgahan at sinasaktan. Mga taong totoong may malasakit saakin.
Ang lahat ng paghahandang ginawa namin para tuluyang maipakulong ang rapist ay biglang nasayang nang inanunsyo ni Hermes na hindi siya kakampi saakin. Ang mas nakakagalit pa ay tinakot niya ang mga kababaihan na kapwa ko biktima para tumestigo at dahil sa takot ay nagback-out silang lahat. Kaya ang ending ay ako ang lumabas na masama. Ako ang nagmukhang kontrabida sa sarili kong kaso.
Minanipula ni Hermes ang batas para bumalik ako sakanya. Para saan? Para muli akong pahirapan? Para muli akong saktan? Marahil ay gumaganti siya dahil sa pang-iinsulto ko sakanya dati pero kahit saang banda ko tignan ay wala akong makita na konkretong sagot para talikuran ako ni Hermes at gawin ang lahat ng ito.
Hindi pa ba siya tapos sa pagpapahirap saakin?
Napatingin ako kay Hermes ng bigla itong tumayo at mukhang magsasalita ito. Nabuhayan ako ng loob dahil inakala kong nagbago na ang isip niya at napagpasiyahan na pumanig saakin.
Subalit mali ako. Maling-mali. Ang iyak ko ay napalitan ng hagulgol ng marinig ang kanyang sinabi.
"Your honor, magdidilim ng umuwi si Kendal mula sa puntod ng kanyang mga magulang. Galit na galit ito ng umuwi siya dahil hindi ko siya nadamayan sa buong araw na pagdurusa nito mula sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Sinampal pa ako nito at sinigaw-sigawan. Para pong nababaliw na siya at bago po siya umalis sa bahay ay binantaan niya pa po ako na sasaktan niya po raw ako ng sobra-sobra," deretso at kumpiyansang sabi ni Hermes. "Mukhang ang pakikipagtalik sa ibang lalakeng ang daan niya para saktan ako. At tama siya. Sobra akong nasaktan. Pero ang hindi ko matanggap ay kung paano niya isisi ang lahat ng ginawa niya sa inosenteng lalake na ito. Nadamay lang siya sa paghihiganti ni Kendal." May paiyak-iyak pa ito para mas magmukhang totoo ang kanyang sinasabi.
"Sinungaling ka! Huwag mong baguhin ang kwento! Umalis ako dahil nahuli kitang katalik ang bestfriend ko!" Palaban na sabi ko rito.
"See, your honor. Kahit dito ay hindi niya magawang mag-behave. Binigyan natin siya ng oras para magsalita pero hindi niya magawang respetohin ang oras ko," nakangising sagot niya.
He's gaslighting and deceiving the judge! Hindi na ito tama! Sobra na si Hermes!
Hinawakan ako ni Arturo sa bewang ng mapansin na malapit na akong matumba dahil sa panghihina. Hindi ko alam pero parang hinihiwa ang puso ko ngayon. Para bang pinupunit ito dahil hindi matawarang sakit ang nararamdaman ko ngayon. Paano nila ito nagagawa? Paano nila natiis na baliktarin ang kwento?
BINABASA MO ANG
The Rejected Amore✓
RomanceMarriage is a sacred testament that two people in love are blessed from above. Who wouldn't want to get married? Especially if you're marrying the person you love and who loves you in return. However, not all marriages are happy. Some enter into mar...