Chapter Nineteen

4.7K 96 21
                                    

Hermes POV

Masikip ang aking dibdib habang nagmamaneho papunta sa sementeryo kung nasaan si Arturo. Kasama ko ngayon si Kendal na walang kaalam-alam kung saan ba kami papunta. Alam kong magugulat ito mamaya sa oras na makapunta na kami sa aming destinasyon, kung nasaan si Arturo ngayon.

Limang taon itong nakaratay sa hospital bed at sa mga panahong iyon ay sobrang lungkot naming lahat. Kung alam lang ni Kendal kung gaano karami ang nagmamahal sakanya.

Buong kamag-anak niya na nasa probinsya ay lumipad papunta dito sa lungsod para alamin ang kalagayan niya. Ang mga kapatid at magulang ni Dianne, bestfriend niya, pinuntahan din siya para kamustahin siya.

Ang kaso ay tulog siya at hindi niya iyon nasaksihan.

Isang survivor si Kendal. Sa sobrang dami ng problema na napagdaanan niya ay hindi ito sumuko. Patuloy siyang lumaban kahit mahirap. Siguro ay napagod lang ito kaya naisip niyang tapusin ang buhay niya. Naiintindihan ko siya at nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hinayaan niyang mabuhay ang babaeng ito.

Itinigil ko ang sasakyan sa tapat ng sementeryo. Nakita ko ang pagsulyap ni Kendal saakin dahil hindi nito alam kung bakit kami dito dumeretso.

"Narito na tayo," wika ko. Pinilit kong patigasin ang aking boses subalit nabigo ako. Bakas parin sa tono ko ang lungkot.

"Bakit nasa sementeryo tayo? Akala ko ba buhay si tito. Bakit dito mo ako dinala?" tanong niya.

Malamlam ko itong tinignan. Alam ko na sa desisyon kong ito ay paniguradong maiiwan ako muling mag-isa. Hindi ako sumuko kay Kendal.

Natalo ako.

Nagwagi ang lalakeng nariyan noong mga panahon na hirap na hirap si Kendal. Nagwagi ang lalakeng kamakailan lang dumating. Kahit na talo ako sa labang ito ay hindi ako nagtanim ng hinanakit.

Deserve ni Kendal na mapunta sa lalakeng hindi siya sasaktan. At hindi ako ang lalakeng iyon. Kahit na magaling na ako sa aking sakit ay may tendency pa rin na bumalik ang isa kong katauhan at ayaw kong ilagay sa panganib si Kendal. Maliban doon ay mayroon din akong mabigat na dahilan kung bakit mas pinili kong magparaya kesa lumaban.

"Hindi naman si tito ang gusto kong makausap mo, eh."

Kumunot ang mata niya dahil sa aking winika.

"Kung ganoon, sino? Sino ang gusto mong makausap ko at bakit kaylangan na dito pa sa sementeryo?"

Tumingin ako ng seryoso sakanya.

"Si Arturo. Si Arturo ang nais kong makausap mo," malungkot kong sabi. Ayaw kong isuko si Kendal pero ayaw ko ring magdusa siya habang kasama ako.

Alam kong mahal na niya si Arturo. Ako? Maaring mahalaga nalang ako sakanya pero hindi na ito katulad dati. Hindi na niya ako mahal at malugod ko itong tinatanggap. I don't deserve her. She deserve better.

Nagulat ako ng bigla itong umiling saakin at lumabas sa kotse para lumabas. Shit! Mukhang mali ang pagkakaunawa niya sa sinabi ko.

Hinabol ko ito at hinawakan sa mga braso. Daglian ko siyang ikinulong saaking mga bisig. Kahit ngayon lang, nais kong maramdaman ang mga yakap niya dahil siguradong ito na ang huli.

Humikbi ito ng malakas. Napangiti ako ng mapait dahil sa inaasta nito ngayon. Talagang mahal niya si Arturo dahil kahit hindi ko pa nasasabi kung ano ba talaga ang nagyari sa lalakeng iyon ay sobra na ito kung magluksa.

Kung hindi lang siguro na-comatose si Kendal ng limang taon ay baka nagkaroon pa ako ng tiyansa. Kahit na gusto ko pang subukan. Kahit na gusto ko pang ipaglaban ay masyado ng huli. Tumatanda na kami at nais kong masigurado ang future ni Kendal. Kung patuloy akong lalaban ay baka mas maguluhan lang ito at mahirapang magdesisyon.

The Rejected Amore✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon