Chapter Twelve

6.4K 108 21
                                    

Kendal's POV

Hindi ako mapakali habang hinihintay ang mga doktor mula sa loob ng emergency room. Gusto kong makumpirma kung ayos lang ba ang lagay niya sa loob.

Napatingin ako sa kwartong kinalalagyan ko kanina nang lumabas doon si Hermes. Magulo ang buhok at may bahid ng dugo ang kamao nito. Tila nakipag-away siya sa kung sino base sa ayos niya.

Agad akong naging alisto ng sumulyap ito saaking gawi. Hinila ko ang hindi kilalang lalake na nakakupya sa tabi at doon ako nagtago. Nasa likuran lang ako ng lalake habang hindi pa umaalis si Hermes. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita si Hermes na dumeretso papalabas sa hospital. Mabuti na lang ay hindi niya ako napansin.

Nang masiguradong tuluyan na itong nakaalis ay saka ako lumabas sa likuran ng lalake. Hinawakan ko siya sa balikat at humingi ng despensa para sa aking ginawa.

"Pasensya ka na sa gina-"

Hindi ko pa man natatapos ang dapat na sasabihin ko nang bigla akong yakapin ng lalakeng ito. Mas nabigla ako ng alisin nito ang suot niyang kupya at deretsong tumingin sa aking mga mata.

"A-arturo?" Nagtataka kong tanong.

Pulang-pula ang mata nito, halatang kakagaling lang sa iyak at napansin ko rin ang kulay itim na nasa ibaba ng kanyang mata. Anong nangyari sakanya?

"K-kendal... B-balik ka na s-saakin," nagsusumamo niyang wika.

Awang-awa ako sa lagay niya. Para ba itong bata na inagawan ng kendi kung umakto ngayon. Hindi nito inaalis ang tingin saakin, para bang ano mang oras ay maari akong mawala.

"Can we talk, please," pakiusap nito.

Kahit na magulo ang utak ko ngayon. Kahit na emotionally and physically drained na ako. Kahit na hindi ko pa nasisimulan ang pagluluksa sa pagkawala ng aking anak. Kahit na narito ako, balisa habang inaalam kung kumusta na ba si Dianne. Heto ako ngayon at handang maglaan ng oras para kay Arturo. Kahit na malapit ng maubos ang aking enerhiya. Handa akong ilaan ang natitira para sakanya. Ganiyan siya kaimportante saakin.

Tumango ako rito at inalalayan siya papunta sa cafeteria nitong hospital nang sa ganoon ay makapag-usap kami ng masinsinan. Halata na wala pa itong tulog.

Napuyat ba siya dahil saakin? Assuming na kung assuming pero malakas ang kutob ko na ako ang dahilan kung bakit ito mukhang miserable.

"Bakit ka ganyan? Anong nangyari saiyo, Arturo? Bakit ka nandito?" Sunod-sunod kong tanong sakanya.

Narito na kami ngayon sa cafeteria. Hindi na kami nag-aksaya ng oras para bumili ng mga pagkain, ang tanging gusto lang namin ay masagot ang mga tanong sa aming isipan.

"Ganito ako dahil saiyo. Akala ko kase iniwan mo na ako. Akala ko ay tuluyan ka ng nakipag-balikan kay Hermes. Hindi ka bumalik kagabi," naiiyak nitong tugon. "Nagpuyat ako pero hindi ka d-dumating. H-hindi mo ako b-binalikan," malungkot pero mababakas mo ang panunumbat.

"I don't know. Hindi ko alam na hinintay mo ako. Tulog ako non, Arturo. Nung nakita mo akong nakikipaghalikan kay Hermes, hindi ko yon ginusto. Pinilit niya ako." Paliwanag ko.

Nanlaki ang mga mata nito. Kita ko ang pagsilay ng isang ngiti sa kanyang mukha. Para bang nagkaroon ito ng pag-asa. "I-ibig sabihin ay hindi mo... a-ako i-iniwan?"

Tumawa ako ng mahina. "Of course not. Bakit ko naman iiwanan ang lalakeng nagbigay ng liwanag sa madilim kong buhay?"

"Kung ganoon, bakit ka sumama kay Hermes? Bakit ka tulog kagabi at hindi ka nakauwi?"

"Sumama ako kay Hermes dahil kailangan ko. Sumakit ang tiyan at ang pribadong parte ng katawan ko. Kaylangan kong sumama sakanya dahil kung hindi ay baka ikamatay ko ang sakit. Kung may choice lang ako. Hindi ako sasama sakanya."

The Rejected Amore✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon