Chapter Thirteen

6.1K 96 16
                                    

Kendal's POV

Hindi talaga maiiwasan na minsan ay kwestiyunin natin ang ating sarili kung gaano ba talaga tayo kahalaga sa mundo. Madalas ay tinitimbang natin ang nagawa nating tama sa mali. May mga pagkakataon pa ngang bibilangin natin kung ilan ba ang nagmamahal saatin tapos madi-dissapoint tayo kapag umabot lang ng isa. Like, hindi ba ako kagusto-gusto? Bakit isa lang?! Tapos nanay ko pa yon!

But you know what. Imbes na sayangin natin ang oras kakabilang kung ano bang worth natin sa mundo o ilan ba ang nagmamahal saatin. Dapat tayong mag-focus sa mga gusto natin, sa mga pangarap natin, sa mga nais nating gawin. Dapat ay ilaan natin ang ating oras sa mga mahal natin sa buhay. Hindi natin alam kung kailan ba sila lilisan sa mundo o kung kailan tayo papanaw. Mabilis lang maubos ang kandila ng buhay.

Time is gold.

Hindi dapat sinasayang ang bawat segundo ng buhay. Kung nakahiga ka ngayon, hala't tumayo ka riyan at puntahan mo ang nanay o tatay mo, mga kapatid mo, lolo o lola mo, o kahit sinong mahal mo sa buhay, saka mo sabihin sakanila ang pinakamatamis mong I Love You.

Walang nakakahiya sa pagsasabi ng, mahal kita. Napaka-importante na naipaparamdam natin sakanila kung gaano sila kaimportante sa ating buhay.

Huwag kayong tumulad saakin. Imbes na ilaan ang aking oras sa mga magulang ko ay sinayang ko lang ito sa lalake na walang ibang ginawa kundi bigyan ako ng pasakit. Hindi ako magandang ehemplo sa kahit sino-man sainyo. Hindi dapat ako gayahin.

Three weeks had passed pero ang sugat ay hindi pa rin naghihilom. Tatlong malalapit saaking puso ang nawala: sina mama, papa, at si Dianne. Isama mo na rin ang anak ko na hindi nagkaroon ng tiyansa para makita ang mundo.

"Ang lalim naman ng iniisip mo," ani ni Arturo ng lumabas ito sa bahay.

Umusog ako ng kaunti para makaupo si Arturo saaking tabi. Deja Vu. Ganito rin ang pwesto namin dati nong umamin siya saakin ng pag-ibig. Subalit hindi kagaya noon, ang atmospera ngayon ay mabigat. Parang may pader ang nakaharang saaming dalawa. Parang kahit ang lapit-lapit lang namin ay parang ang layo-layo parin namin sa isa't isa.

Napatingin ako sakanya nang bumuntong hininga ito. Kita ko sakanyang mata na katulad ko ay hirap din siya. Hirap siyang lapitan ako. Hirap siya sa sitwasyon namin ngayon.

"Gusto kong bawasan ang bigat na nararamdaman mo ngayon pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula," wika nito.

Malamlam lang akong tumango sakanya. Hindi naman kase si Arturo ang problema, kundi ako. Hindi ko ba alam sa sarili ko. Lahat na lang ng tao na malapit saakin ay nahihirapan. Nakadikit na siguro saakin ang kamalasan dahil walang araw na hindi ako nasaktan o ang mga malapit sa aking buhay. Bawat araw, panibagong pasakit.

"Kung pwede lang sana na ilipat ang bigat na nararamdaman mo saakin ay baka matagal ko nang ginawa. Ano ba ang pwede kong gawin para mabawasan kahit papaano ang kalungkutan mo?" Umaasang wika nito.

"Gusto ko munang mapag-isa, Arturo," tugon ko rito na kinagulat niya.

Bumagsak ang kanyang mga balikat at malungkot na tumango. "Kung iyan ang yong nais, wala na akong magagawa," sagot nito bago pumasok sa loob na may kalungkutan na nadarama.

Alam kong nasaktan ko siya dahil sa aking inasal pero ayaw kong ipasa sa iba ang problemang mayroon ako. Kaya ko namang solusyunan mag-isa ito. Hindi ko kaylangan ng tulong ng iba.

Tumingin ako sa langit at taimtim na pinagmasdan ang mga bituin na naroon. Ang sabi nila ay kapag namatay ang mga mahal mo sa buhay, sila ay nagiging bituin at mula sa malayo ay kanila ka nilang babantayan.

The Rejected Amore✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon