Chapter Ten

7.1K 125 25
                                    

Arturo's POV

Malalim na ang gabi subalit hindi parin umuuwi si Kendal. Nakaramdam ako ng kalungkutan matapos muling maalala ang mga nasaksihan kanina. Kung paano maghalikan sina Kendal at Hermes. Ang kamay ni Hermes na nasa loob ng damit ni Kendal. Para ba itong lason na paunti-unting pumapatay saakin.

Mabilis kong itinakip saaking katawan ang dala kong jacket dahil sa lamig. Nakaupo ako sa labas ng aming tahanan, taimtim na naghihintay sa pagbabalik ng aking mahal.

"Anak, pumasok ka na sa loob. Alas dose na ng gabi. Baka magkasakit ka diyan," tawag saakin ni inang.

Inilingan ko siya. "Maghihintay pa po ako ng kahit dalawang oras pa. Baka umuwi iyon ng umiiyak, kailangan ko siyang ikulong sa mga bisig ko para mapatahan," may hapding sagot ko.

Tinignan ako ni inang at mababakas sa kanyang mga mata ang awa. "Kung ayan ang iyong nais, may magagawa pa ba ako? Hindi ko muna ila-lock ang pinto para makapasok ka kung kailan mo gusto." tugon nito saakin bago isara ang pinto at iwanan akong mag-isa sa labas.

Tumingala ako sa madilim na kalangitan. Pilit inaalala ang mga masasayang araw kasama si Kendal. Sa maikling panahon na kasama ko siya ay tila nalulunod na ako sa aking nararamdaman para sakanya. Ang mga mata nitong bughaw na kumikisap sa twing kausap ako. Balangkinitang katawan at maputing balat. Ang labi nitong kulay rosas at purong itim na buhok. Araw-araw akong nabibighani sakanya.

Pero hindi ko siya minahal dahil sa kanyang pisikal na anyo.

Tuluyan akong nahulog sakanya dahil sa positibo nitong pananaw. Hindi lang ito basta maganda sa panlabas bagkus ay mas maganda ang kalooban nito. Ang kanyang ugali ay ang pinaka-rason kung bakit ko siya minahal. Nakatatak pa rin saaking isipan kung paano niya ako tanggapin nong mga bata palang kami kahit na malayo ang estado ng aming buhay.

"Ano ngayon kung dirty ka?" Wika ni Kendal gamit ang mala-anghel na boses. Nagulat ako ng bigla itong humiga sa buhanginan kaya ang maputi nitong damit ay nadumihan. "Look oh, pareho na tayong dirty. Dirty ka tapos dirty na rin ako. So, pwede na ba tayong friend?" dagdag nito.

Napangiti ako nang matamis nang maalala ang tagpong iyon. Nahihiya kase ako noon makipaglaro sakanya dahil nga ang damit ko ay gusot-gusot at marumi. Subalit hindi ko in-expect na gagawin niya iyon, ang humiga sa buhanginan para madumihan ang kanyang damit. Bilib na bilib ako sakanya dahil hindi siya tumulad sa mga matapobreng mayayaman. Wala itong pakielam kung mayaman ka o hindi. Bukal sa puso ka niyang tatanggapin, maging sino kaman.

Pero mas bumilib ako sakanya ng malaman ang kanyang kwento simula nung magkahiwalay kami. Kung paano niya ipagsiksikan ang sarili sa lalakeng hindi kayang suklian ang pagmamahal niya.

Nang malaman ko na namatay ang kanyang mga magulang sa kanyang tabi ay mas dumagdag ang paghanga ko rito. Sobrang tapang niya para tanggapin ang lahat ng iyon.

"Grabe, hindi kaba nagalit sa sarili mo kase hindi mo agad napansin na patay na pala ang mga magulang mo at ang mas worst doon ay katabi mo pa?" curious kong tanong dito nang maikwento niya saakin kung paano nawala ang kanyang mga magulang.

Nginitian lang ako nito. Ang ngiti nito ay hindi umabot sa kanyang mga mata. "Syempre, nakaramdam ako ng galit para sa sarili ko pero inisip ko nalang nung mga panahon na iyon na baka oras na talaga nila. Wala namang permanente sa mundo. Beside, magiging masaya ba sina mama at papa kung malalaman nilang sinisisi ko ang sarili ko dahil sa pagkamatay nila? Diba hindi naman. Kaya tinanggap ko nalang," sagot nito saakin.

Ang akala ko ay tapos na iyon. Subalit hindi ko inakala na matapos niyang lagpasan ng mag-isa ang sakunang iyon ay saka niya mahuhuli ang kanyang kaibigan at asawa na may ginagawang katarantaduhan. Gustong-gusto ko non puntahan si Hermes at paulanan ng suntok dahil hindi ko lubos maisip na magagawa niyang saktan ang isang inosente at napaka-buting si Kendal. Mabuti na lamang ay napigilan niya ako.

The Rejected Amore✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon