Chapter Seventeen

5K 87 9
                                    

Kendal's POV

Narito ako ngayon sa sala at nakaupo sa kawayang upuan. Hawak-hawak ko ang liham na pinadala ni Hermes at muling binabasa. Simula ng matanggap ko ito ay hindi na nawala sa akong isipan ang mga rebelasyong nakalimbag dito. Hanggang ngayon ay hindi ko parin napo-proseso saaking utak ang nakapaloob sa liham.

Napatingin ako sa kusina ng maamoy ang niluluto ni Inang. Inabisuhan ako nito kahapon na ngayong araw daw ang labas ng kanyang asawa, galing sa kulungan. Gulat pa nga ako nung sabihin niya saakin iyon dahil hindi ko inakala na ang ama nina Arturo ay nakakulong pala. Ang buong akala ko ay patay na ito.

"Anak, paki-text nga si Arturo kung anong oras ba siya uuwi? Para masundo na niya ang tatay niya," utos saakin ni Inang.

Si Arturo ay nasa police station ngayon at kasalukuyang ginagawa ang trabaho bilang pulis. Tumalima ako sa utos ni inang at dagliang tinext si Arturo.

To Arturo the feelingero:

Anong oras ka raw uuwi sabi ni inang?

Natawa pa ako ng makita ang nickname nito saaking cellphone. Ako ang naglagay niyan. Nainis pa nga si Arturo ng malaman niya ito; gusto niyang palitan ko ito ng future husband. O diba? Napaka-feelingero talaga. Hindi ko pa nga sinasagot tapos asawa agad.

Napatingin ako sa aking cellphone ng tumunog ito. Nag-pop up sa screen ang reply ni Arturo.

From Arturo the feelingero:

Kasama ko na si papa ngayon, pauwi na kami. Nag-taxi nalang kami dahil sira ang sasakyan ko. Pakisabi kay inang na pakisarapan daw yung sinigang na luto niya dahil wala raw ulam na ganon sa bilibid.

Magre-reply na sana ako pero ito ay naantala, gawa ng pag-pop up muli ng message ni Arturo. May panibago siyang mensahe.

From Arturo the feelingero

Bili ka ng softdrink, Kendal. Utang muna, bayaran ko nalang pag-uwi.

Napangiwi ako rito. Kailan pa siya natutong magbayad? Nung last na pinautang ko siya ay binayaran niya lang ako ng yakap.

"Yung yakap na ang bayad ko sa utang ko, Kendal. Maraming babae ang nangangarap na mayakap ko kaya, be thankful dahil nakuha mo ito ng walang kahirap-hirap," wika ni Arturo saakin nang singilin ko siya dati.

Kinuha ko ang sobre na naglalaman ng liham ni Hermes at ibinalik sa aking aparador. Saka ko nalang iisipin kung ano ba ang gagawin ko roon. Itutuon ko muna ang atensyon ko ngayon sa pagdating ng papa nina Arturo. Bilang nakikitira lang ako sa pamamahay na ito ay kailangan kong magpakilala ng pormal sa haligi ng kanilang tahanan.

Kumuha ako ng pera sa aking wallet at dumeretso sa tindahan, na malapit lang din naman sa bahay. Sandali akong napatigil sa paglalakad ng matanaw ko ang mga lalakeng nakapalibot sa tindahan. Nakaupo sila roon at mukhang kakagaling lang sa basketball.

Wala naman akong problema sakanila. Mukha naman na mababait ang mga ito pero hindi iyon sapat para mawala ang aking kaba. Automatic akong nakakaramdam ng kaba kapag may mga nakakumpol na lalake sa dadaanan ko. I know, hindi lang ako ang babae na nakakaramdam nito.

Pero syempre, wala akong choice kundi daanan sila.

Pinagpatuloy ko ang pagdaan sa kanilang harapan kahit na pakiramdam ko ay hindi ligtas.

"Pabili nga po ng coke na mala--"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng biglang sumabat ang lalakeng nakaupo sa gilid ko.

"Yung akin, miss, malaki ito. Pwede na sayo. Libre lang," manyak na wika nito.

Sinulyapan ko siya at masasabi kong may hitsura ito subalit hindi iyon dahilan para palampasin ko ang pangbabastos niya. Tinignan ko lang ito ng masama bago muling ituon sa nagtitinda ang aking tingin.

The Rejected Amore✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon