Chapter Sixteen

5.5K 93 10
                                    

Kendal's POV

Sa madilim na daan ay palaging may liwanag kang matatanaw. Pero paano kung ang liwanag na iyon ay unti-unting mapundi, hanggang sa tuluyan itong mawala. Ano ang gagawin mo para matanaw ang dulo ng daan?

Para patuloy kang makapaglayag ay kailangan mong maghanap ng paraan o maghanap ka ng kakampi. Sabi nga sa math, lahat ng problema ay may solusyon. Parte ng buhay ang sumabak sa mga balakid.

Isinara ko ang libro na aking binabasa ng makita si tito Kendrick na papalapit saakin; si tito ay kapatid ni mama. Sa ilang araw na walang namamahala sa kompanya, gawa ng namatay sina mama at papa. Siya ang pansamantalang nag-handle nito.

"I'm sorry if hindi kita nadamayan nung namatay ang mga magulang mo. Alam mo namang may sakit ang anak ko at hindi ko ito pwedeng iwanan," bungad ni tito bago umupo sa harapan ko. Narito kami ngayon sa coffee shop na malapit sa bahay nina Arturo.

Nginitian ko lang ito. "No, it's okay. Naging maayos naman po ako after non," pagsisinungaling ko.

Hindi ako naging ayos pagkatapos non. Sunod-sunod na pasakit at problema ang dumating saakin matapos ilibing sina mama: nahuli ko ang bestfriend at asawa ko na may ginagawang kataksilan. Nagahasa ako. Nawalan ako ng anak. Namatayan ako ng bestfriend. No. I'm not okay. But I need to lie. Ayaw ko ng dagdagan pa ang problema ni tito. May sakit ang anak niya at naka-confine ngayon, but still, hindi niya parin pinapabayaan ang business na naiwan nina mama at papa. I'm so grateful to him.

Kinuha ko ang envelope sa aking tabi at binigay sakanya. Nagtaka pa ito dahil doon subalit kinuha niya rin naman. Binuksan niya iyon at kinuha ang papel na naroon.

"Ano to?" tanong niya.

"Kayo na umalam, tito. You deserve that," I reply.

Nanlaki ang mga mata nito nang mabasa ang mga nakasulat sa papel. Tinignan ako nito nang hindi makapaniwala.

"Is this true? Nilipat mo ang pangalan ng kompanya sa pangalan ko?"

I smiled at him. "Yes. You deserve that. Simula nung una ay ikaw na ang kasa-kasama nina mama at papa sa pagpapatakbo ng kompanya and I think, sa ating dalawa. Mas nararapat na saiyo mapunta ang mga business na naiwan nila."

Naluluha nitong hinawakan ang aking mga kamay. Pilit niyang binabalik ang mga papel saakin subalit pinanatili kong sarado ang mga kamay ko.

"I don't deserve this. Ikaw ang anak kaya dapat ay sayo mapunta yan."

"No, tito. Ikaw ang nagpalago sa business namin kaya deserve mo yan. Mas makakahinga ako ng maluwag kung alam kong nasa magandang kamay ang naiwan na nagesyo nina mama at papa. Beside, wala naman akong alam sa mga business-business na yan. Baka ako pa ang maging dahilan ng pagkalugi niyan," tugon ko.

"Pero paano ka?"

"Paano ako? Well, balak kong magtayo ng isang maliit na bakery shop. Ayun naman talaga ang pangarap ko dati pa."

Bata palang ako ay mahilig na talaga akong mag-bake. Natutunan ko iyon kay mama. Hindi ko na natuloy ang pangarap ko dati na magpatayo ng bakery shop dahil mas nag-focus ako kay Hermes. Dahil sa paghahabol ko sakanya ay nakalimutan kong gawin ang pangarap ko. Nakalimutan kong gawin ang bagay na tunay na nagpapasaya saakin.

"Kung may kailangan ka, huwag kang mahihiya na lapitan ako," wika ni tito.

Tumango lang ako rito at nakipagkamay bago umalis.

Sa lahat ng mga balakid na nangyari saaking buhay. Dapat lang siguro na unahin ko muna ang sarili ko bago ang iba. Dahil sa kagustuhan kong maging masaya ang iba ay nakalimutan kong pasayahin ang sarili ko. Nakalimutan kong mahalin ang sarili ko. Need ko ngayon ng self love.

The Rejected Amore✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon