Epilogue

6.7K 103 19
                                    

Maligayang pagbati saiyo sapagkat nakaabot ka hanggang dulo. Maraming salamat dahil hanggang dito ay hindi ka bumitaw. Naging saksi ka kung paano lagpasan ni Kendal ang lahat ng mga pagsubok sa kanyang buhay. Hindi lang siya ang survivor dito kundi pati ikaw. Hindi man kita kilala pero nais kong sabihin saiyo na super duper proud ako saiyo. Masaya ako sa achievement at magiging achievement mo pa in the future. Basta, be confident and trust yourself. Higit sa lahat, mas kilala mo ang sarili mo.

Ito na ang huli. Hindi ko hihilingin na tandaan niyo ako bilang manunulat bagkus nais kong yakapin at itatak niyo sainyong utak ang mga aral na nakapaloob sa istoryang ito. Hindi man ito kaganda katulad ng mga nauna niyo ng nabasa pero pinaghirapan ko ito para sainyo. Hangga't may nagbabasa patuloy akong magsusulat.

Muli, maraming salamat sainyong suporta. Ma-appreciate ko ang simpleng comment at like niyo rito. Kahit 'dot' lang, ayos na ako roon<33

PS. Mas masarap basahin ang kabanata na ito, habang pinapakinggan ang kantang Tahanan by Adie

 Mas masarap basahin ang kabanata na ito, habang pinapakinggan ang kantang Tahanan by Adie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"The Rejected Amore na inilimbag ni Kendal Varley ay umani ng iba't ibang papuri. Maraming mga mambabasa ang nais na gawan ito ng pelikula subalit tinaggihan ito ni Ms. Kendal sapagkat ang mga akda niya ay para lang daw sa libro at hindi na kailangan isa-pelikula pa."

Masayang pinatay ni Kendal ang telebisyon, matapos mapanood ang balita tungkol sa kanyang inilimbag na libro. Tunay ngang naging matagumpay ang huling libro na isinulat niya. Ang akala nito ay hindi magugustuhan ng mga mambabasa ang libro subalit taliwas ang nangyari sa kanyang inakala.

Pumatok at bumenta ito...

"Ma'am, handa na po ang sasakyan," sabi ng lalaking naka-suot ng pormal.

Ngayon na ang araw na gaganapin ang kanyang kasal. Ngayon na ang araw na hinihintay ng lahat. Sa wakas ay mapapalitan na ang kanyang apelyido na Varley sa Davidson. Ang dalawang nagmamahalan ay mag-iisa na ngayon.

Doble ang saya nito dahil maliban sa ikakasal ito ay dumagdag pa ang balita na naging matagumpay ang kanyang nobela. Early gift ata ni Lord iyon.

Habang pasakay sa sasakyan. Sabik niyang pinagmasdan ang kanyang suot na wedding dress.

Hindi naman ito ganoong kabongga sapagkat ayaw niyang gumastos ng mahal. Mas gugustuhin pa nito na itulong ang pera sa mga nangangailangan kesa ipangbayad sa kanyang trahe de boda. Hindi na baleng simple ang gown basta may suot.

Kasama niya sa loob ng sasakyan ang kanyang ina at ama. Hindi ganoon kagarbo ang kasal. Hindi naman importante kung magkano ba ang nagastos sa kasal dahil ang pinaka-importante sa lahat ay maikasal siya sa taong mahal niya.

The Rejected Amore✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon