Chapter 2

20 0 0
                                    

"Okay! Good job Paulo." bati ng Photographer kay Paulo matapos ang kanilang photoshoot para sa isang delivery services application. Ito na ang ikatatlumpung limang endorsement ni Paulo mula ng siya ay mas nakilala sa industriya mahigit isang taon na ang nakakalipas maliban pa sa maliliit na companies na kumuha sa kanya nung baguhan pa lamang siya.

"Salamat po." magalang na pasasalamat ni Paulo. Pinasalamatan niya ang mga taong nasa set ng photoshoot at dumaretso na sa dressing room kasunod ang kaniyang handler na si Chris.

"Good Job." sambit ni Chris ng maupo si Paulo sa harap ng salamin sa dressing room. Inabutan ni Chris si Paulo ng tubig habang nireretouch siya ng isang makeup artist.

"Salamat." pasasalamat ni Paulo sa makeup artist. Agad namang umalis ang makeup artist matapos iretouch si Paulo.

"Ilang shoot pa ba tayo today?" naiiritang tanong ni Paulo. Habang tinitignan ang sarili sa salamin. 

"Isang shoot nalang para sa isang commercial maya-maya tapos babalik tayo sa office para sa meeting for your movie project." mahinahon na tugon ni Chria.

"Movie Project?" usisang tanong ni Paulo.

"Oo." matipid ngunit mahinahon pa rin na sagot ni Chris dahil alam niyang ayaw ni Paulo na umaarte masyado.

"Anong movie?" patuloy na usisang tanong ni Paulo.

"Hindi ko pa alam."

"Anong alam mo?"

"Alam ko? Ang alam ko may mga nagsubmit ng kanilang mga scripts at gusto ka nilang i-cast. Mamaya we will sort it out with your help kung saan ka dapat magcast since gusto nila blockbuster ulit ang next movie mo."

"Kailangan ko pa rin bang umattend sa meeting na iyon?"

"Oo. Sabi ng management."

"Wala ba akong pahinga?" naiiritang tanong ni Paulo. "Tatlong shoot ako kahapon, tapos full pack na naman ngayon?"

"Ganun talaga, alam mo namang in-demand ka ngayon." pampapalubag na sagot ni Chris. "Pahinga ka muna dito since dito naman ishu-shoot ang commercial mo today."

"Ilang oras bago magstart ang shoot?"

"Two hours. Magseset-up pa sila kaya makakapagpahinga ka pa."

"Two hours? Ang haba naman ng pahingang iyon." sarcastic na tugon ni Paulo.

"Hindi na yun masama, kaysa walang pahinga diba?" sambit ni Chris sabay tapik at ngiti kay Paulo.

Si Paulo ay ikinokonsidera bilang isa sa pinakasikat na modelo / artista ngayon sa kaniyang henerasyon. Siya ay dalawangpu't tatlong taong gulang, may taas na 5'9", maputi at magandang pangangatawan.

Mag-aapat na taon na si Paulo na nagmomodelo at nagsimula magmodelo noong siya ay nasa fourth year college pa lamang. Nagsimula siya ng pasideline sideline lamang at ng makagraduate siya ay nagfulltime model na siya sa ilalim ng Triple A, o Aviv Artist Agency.

Sa kaniyang kasikatan ay ipinasok na din siya ng kaniyang Agency sa pag-arte at lahat ng kaniyang movies ay blockbuster. Maging mga teleserye na kaniyang kinabilangan ay nagtala ng matataas na viewership ratings. Bagama't may pangalan na siyang nabubuo sa larangan ng pag-arte ay mas hangad pa rin ni Paulo na maging modelo.

"Hi Paulo!" bati ni Mariz ng pumasok ito sa dressing room ni Paulo. Si Mariz ay isang aktress sa ilalim din ng Triple A. Siya ay may angking ganda, maganda din ang hubog ng kaniyang katawan, makinis, maputi at tinuturing na dyosa sa industriya. Bagama't perpekto siya kung ituring sa panlabas ay may ugali siyang hindi kaaya-aya ngunit ang nakakaalam lang nito ay ang kaniyang management , handler at mga taong lagi niyang nakakasama.

"Hi!" matipid na sagot ni Paulo at bumalik sa pagkakapikit.

"You are always looking good." sambit ni Mariz at naupo sa katabing upuan kung saan nakaupo si Paulo. Hindi umimik si Paulo at nakapikit pa rin.

"Maiwan ko muna kayo." paalam ni Chris. Si Chris ay tatlumpung taong gulang at handler ni Paulo since naging parte si Paulo ng Triple A. Sa kabila ng kaniyang edad ay mukha pa rin siyang bata dahil na din sa pagiging fit ng katawan nito.

"Andiyan na naman ang bruha." sambit ni Chris ng makalabas sa Dressing room. Isa si Chris sa mga nakakaalam ng ugali ni Mariz kaya umalis na lamang siya dahil maiinis lamang ito.

"Hindi." sagot ni Paulo sa tanong ni Mariz habang nakapikit pa rin.

"Ang cold mo naman." sambit ni Mariz.

"Ano bang ginagawa mo dito?" sambit ni Paulo sabay dilat at umayos ng pagkakaupo. "Huwag mong sabihin wala kang magawa kaya nandito ka na naman para manggulo."

"Nope." kinikilig na sabi ni Mariz. "Hindi mo ba alam?" excited na tanong ni Mariz.

"Hindi." matipid muling tanong ni Paulo. Nakangiti lang sa kaniya si Mariz at nagbubeautiful eyes. "Bakit ka nga nandito?" tanong na lamang ni Paulo.

"Ako ang kapartner mo sa commercial shoot mo mamaya." excited na tugon ni Mariz. Gustong- gusto ni Mariz si Paulo, bilang katrabaho at bilang isang lalaki. Lahat ng gagawin niya basta kasama si Paulo ay nagpapasabik sa kaniya.

"Ahh ganun ba?" matipid na tanong ni Paulo.

"Hindi mo ba ako gusto?" tanong ni Mariz.

"Hindi." direktang sagot ni Paulo. Sa kabila ng pagkagusto ni Mariz kay Paulo ay hindi interesado si Paulo kay Mariz. Hinahangaan niya ang angking ganda ni Mariz pero hindi niya gusto si Mariz.

"Bakit ka sumama nung niyaya kitang kumain sa restaurant?" tanong ni Mariz. Tinutukoy ni Mariz ay ang pagsama ni Paulo sa kaniya sa isang restaurant dalawang buwan na ang nakakalipas kung saan nasangkot ang dalawa sa isang dating scandal. Kung ang dating scandal ay nagbibigay ng hindi magandang impact sa mga artista, para sa dalawa ay nagbigay ito ng magandang feedback at mas minahal sila ng kanilang tagasubaybay.

"Gusto ko lang."

"Gusto mo lang?" nagtatakang tanong ni Mariz. Noong mga panahong sumama sa kanya si Paulo sa unang pagkakataon ay umasa siya na parehas na sila ng nararamdaman ngunit parang may ibang dahilan si Paulo.

"Masama na ba kumain sa restaurant?" tanong ni Paulo sabay tayo sa kinauupuan.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Mariz.

"Hahanap ako ng tahimik na lugar. Diyan ka na." sambit ni Paulo sabay labas sa dressing room.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Chris na nakatayo sa labas ng Dressing Room kay Paulo ng lumabaa ito.

"Saan ba may tahimik na lugar? Kapiraso na nga lang pahinga ko may maingay pa." naiinis na tugon ni Paulo.

"Ahh -- " bago pa man makasagot si Chris kung saan may tahimik na lugar ay nakaalis na si Paulo.

"Saan na si Paulo?" tanong ni Mariz ng lumabas ito sa dressing room para habulin si Paulo.

"Wala na. Ang ingay mo daw kasi." sagot ni Chris sabay pasok sa Dressing room.

"Tse!" iritang tugon ni Mariz.

I'm Not Her (bxb) (boyxboy)Where stories live. Discover now